Chapter eight

286 18 0
                                    


ngayon ay tahimik kami dito sa sasakyan hanep na yan, gusto kong mag ingay kaso ang tahimik ng mga itlog na to , nahiya naman ako ng beri beri layt .pati si Giane the makulit tahimik ngayon kaya no choice shut up muna ako.

pagkadating namin sa bahay ni kapre ay mabilis bumaba yung dalawang itlog ko. kaya sinundan ko agad tong mga to

"kambal " sabi ko sa dalawa ng makapasok kami sa silid nila.

"mama ayoko pong lumabas , wala naman si Justine na kalaro namin " sagot sakin ni Giane

"Giane is right" sangayon ni Kiane rito

"ngekk , may biko sa kusina galing kay nanay yun ayaw nyo?" tanong ko sakanilang dalawa.

"mama wala akong sinabi na ayaw ko " sabi agad ni Giane haha

"magbibihis lang po kami" dagdag pa ni Kiane , nako tong dalawang itlog na to talaga .

"sige sumunod nalang kayo dun sa kusina ahh " bilin ko sa mga to bago ako lumabas , kaso pagkasarado ko ng pinto ay nasa likod ko si Ian

"ay halimaw" sabi ko hanep sakit ng noo ko , nauntog sa macho , este pader pala bwiset

"Ysabelle" umpisa nito

"wag mo ko kausapin , hindi tayo close , mas lalong hindi open kaya tabi" sabi ko sakanya

"I miss you , I miss the old us" sabi nito na kinahinto ko

"sorry, wala na yung dating ako pinatay mo na yun remember , and take note yung old us na sinasabi mo nakaraan na yun ni hindi pa nga yun sure eh " sabi ko sakanya tyaka ko sya tinalikuran

'go Ysabelle ,kaya mo yan wag ka munang binigay , wag marupok self pahirapan mo pa ' cheer ko sa sarili ko

pero kasi ano , natatakot akong sumugal nanaman sakanya iisa lang puso ko baka wasakin nya nanaman di pa nga ganong nag hihilom yung sugat na binigay nya rito .

haystt na istress yung ganda ko , never mind na nga lang kaya nagtungo na ko ng tuluyan sa kusina para ihanda yung biko ng mahal kong ina para sa dalawang itlogs ko

sakto naman na pagkahain ko nito ay dumating yung dalawa at kasunod nila si Ian. tahimik lang umupo yung dalawa ganun din si Ian mukang nagpapakiramdaman silang tatlo .

"ohh" sabi ko tyaka ko nilagay sa harap nila yung platito na may biko

"ano bang gusto nyo? tubig , woter or me?" tanong ko sakanila

"you " sagot ni Ian , na kina hinto ko pero sinamaan sya ng tingin ng dalawang itlog ko kaya umiwas ito ng tingin hahaha

"mama wag kang maharot " sermon sakin ni Kiane ,

"anak , mema lang naman yun malay ko ba seseryosohin nya" pag tatanggol ko sa sarili ko hanep

"kahit na " sabi ni Giane sakin peste bakit naging baliktad ,ako yung nanay dito ahh

"hoy kayong dalawa ,may kasalanan pa kayo sakin kala nyo nakalimutan ko na yung ginawa nyo kanina" ungkat ko na kinatahimik nila , kala nila maiisahan nila ko no way

"sorry na mama, di na po mauulit" sabi sakin ni Giane

"sorry ma" dagdag pa ni Kiane

wahh bakit ba kasi ang gwapo ng mga itlog ko na to , di ko tuloy matiis

" ok apologies accepted " sabi ko .tapos ayun sinimulan na nilang kainin yung biko , ako naman ay nag tungo sa kusina para manguha ng baso at tubig

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon