Chapter 40

197 14 1
                                    


Ilang araw palang pero ang bilis ni Ian iba talaga pag professional na maharot. Nung una ay kumalat na hiwalay na kami tapos sumulpot na agad si Hally haliparot , napaka speed ni gaga.

*tok tok*

Rinig kong may kumakatok sa pinto. By the way andito ako sa dating apartment nila nanay kung saan nangyari yung isa sa malungkot na pang yayari ng buhay ko . Si tatay naman ay nagbalik muna ng probinsya.

"Ysay are you there?" tanong ng nasa labas tyaka nanaman ito kumatok .

Oo nga pala may bwisita sa labas , este tao pala .

"Ohh ginagawa mo dito bessywap ?" tanong ko kay Cathy makati.

"Nahh I just here to check you, coz your fucking husband blackmail me " naiiritang sabi nito.

"Bakit daw ?" tanong ko sakanya.

"He's paranoid " iiling iling na sabi nito.

"Ano ng balita ?" tanong ko sakanya.

"Pero infernes galing nyo umarte. Ian was drunk in the day you left him like a broken hearted man haha" sabi nito.

"At talagang sinakto nya pa kung nasaan si ate Hally"  dagdag pa nito.

"Di ako interesado " sagot ko sakanya.

"Yieeeeee selos sya " pang aasar nito sakin . Pigilan nyo ko hihiwalay ulo nito sa katawan nya .

"Ako mag seselos ? Luhh asa sya " sagot ko dito.

"Umalis ka na nga , text mo nalang ako or tawagan pag may balita slash kailangan ka,at may gagawin pa ko " sabi ko sakanya.

"Ok hindi ko rin naman gustong mag tagal dito " pag mamaldita nito sakin . Kaya binato ko sya ng throw pillow na gawa ni nanay , ginupit gupit na supot to ng chichiria yun.

"Ouch , bagay nga kayo ng gago na yun ikaw literal na mapanakit sya masakit mag salita " iritableng sagot nito .

"Hahaha ganun talaga pag mahal ka , love you na bessywap. Paki bantayan yung mga bata sa ate momg mahliparot. " sabi ko rito bago sya tuluyang makalabas.

"Kahit di mo sabihin gagawin ko , beside andun din yung anak ko at may utang na loob ako sayo " irap na sagot nito sakin.

Attitude yung babae na yun , hindi nya na ata maalis yung ugali nyang ganun. Pero at least kahit papano alam kong madaming nagbabantay sa mga itlogs ko.

Back tayo sa business ko , kahapon ko pa hinahanap yung samurai ni nanay na pamana ni tatang. Ngayon sakin na yun. Nakalimutan ko namang itanong kay tatay kung saan nya nilagay. Pero alam ko andito lang yun sa bahay.

Matawagan na nga lang , ang tanga ko din sa part na yun hehe .

Why naman ang tagal sagutin ni amang hari?

Ring lang ng ring , baka naman nasa taniman nanaman yun .Bumili kasi si Ian ng medyo malaking lupa sa probinsya malapit sa dati naming bahay dun ayun dinamnan ni tatay ng mga gulay para daw malibang sya .Sinermonan ko nga baka pagurin nya masyado yung sarili nya mapano nanaman sya. Ang kulit kulit.

Tinext ko nalang si amang hari , tyaka ako gumayak nanguha ako ng lumang damit ni nanay at sinadya kong sirain pero hindi naman yung mabobosohan ako.
Ginulo ko din yung buhok ko at tinalian ko ng plastik.

Tyaka ako nag make up ng mukang taong grasa. Like duhh ayaw ko mag lagay uling sa muka no way. Tinapunan ko din ng patis yung damit ko kaya ang baho ko na.

Nanguha ako ng sako at nilagyan ko ng mga plastic bottles props lang naman yung para kunwari basurera talaga ako,  syempre may tinapay at tubig akong nilagay baka magutom ako. Hindi pwedeng sila Ian lang yung kikilos. Gagawa din ako ng paraan para makatulong. Natatandaan ko may lalaking nakakulong dun sa malansang pagawaan na una nilang pinag dalhan samin ni Justine. Kailangan ko yung makuha para gawing testigo at para mag manman na din.

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon