Chapter 42

197 15 6
                                    

Alas-5 palang ng madaling araw ay andito na ko sa opisina ni Ian. Madali lang naman akong nakapasok dahil maaga pa at mamaya pa magsisidatingan yung mga empleyado tyaka madali lang iwasan yung mga guard na narito.

Dahil puyat at pagod ako napag desisyunan ko munang matulog sa silid na narito. Need ko mag beauty rest dahil na stress yung ganda ko.

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog yung cellphone ko. Punyeta naman self bakit hindi mo tinanggal yung alarm mo? Malamya akong bumangon at kinuha yung cellphone ko sa sling bag na gamit ko tyaka ito pinatay dahil kung hindi every 5 minutes ay tutunog ito. Ganun kasi ako mag alarm wala lang trip ko lang bakit ba?

Babalik na sana ako sa pag tulog ng may marinig ako yapag sa labas senyales na may pumasok sa opisina ni Ian kaya mabilis ako nagtago sa sulok. Hindi pwedeng sumilip ako baka mag kaguliti ako arot. Pero seryoso hindi talaga pwede baka kasi si Hally-haliparot yun edi patay ang naglason.

"Papa asaan naman si mama ? wala naman ehh niloloko mo lang ata kami." rinig kong reklamo ng itlog kong makulit kaya napangiti ako ng wala sa oras. Sign din yun na hindi nila kasama yung lintang Hally-parot kaya pinihit ko yung doorknob.

"MAMA." sigaw ni Giane at Kiane na tumakbo papunta sakin.

"Na miss ko yung mga itlog ko." sabi ko sa mga to."Justine halika rito, hindi mo ba ko namiss?" aya ko rito kaya ngumiti ito at lumapit sakin kaya niyakap ko silang tatlo. Konting tiis nalang mga itlog ko babalik din tayo sa dati.

"Mama miss ka na po namin , uuwi ka na ba ulit ?" tanong nito kaya napatingin ako kay Ian tapos binalik ko yung atensyon ko kay Giane tyaka ko sya nginitian kasi naman hindi ko alam yung isasagot ko rito.

"anak mga ilang tulog pa bago umuwi si mama." sagot ko rito tyaka ko ginulo yung buhok nya.

"Ilang tulog mama?" tanong nanaman nya.

"Hmmm basta surprise ni mama yun." sabi ko rito.

"Ysabelle, we need to talk." seryosong sabi sakin ni Ian.

Luhh anyare sa kapre na to ? Sa pagkakaalala ko wala naman akong ginawa ahh. Tyaka kung meron man well di ako natatakot sakanya.

"Punta muna kayo sa kwarto. Susunod ako mamaya. " sabi ko sa mga bata. Pero nag dududang tinignan ako ng ng mga to.

"Promise! Lasang kamatis." sabi ko ulit. Pero yumakap sa binti ko si Giane. Nako tong itlog ko na to nakakawala ng poise.

"Anak naman eh , muka tayong tukko na dalawa. " reklamo ko rito. "Promise cross my heart susunod din ako sainyo dun, mag uusap lang kami ng papa nyo."

Tapos naramdaman kong dahan dahan itong bumitaw tyaka tumalikod sakin at nagtungo sa silid. Agad naman syang sinundan ni Justine. Si Kiane naman nakabusangot na nakatingin sakin pero sumunod din sa mga kapatid nito. Napatitig nalang ako sa pintong pinasukan nila.

Alam ko naman na may tampo sila sakin lalo na sila kambal pero ang sakit parin yung nakikita ko silang nalulungkot. Bakit ganun feeling ko kasalanan ko ? Kahit naman para din sakanila tong ginagawa kong sakripisyo ngayon.

Parang bumalik ako sa realidad ng niyakap ako ni Ian kaya hinarap ko ito.

"Anong pag uusapan natin ?" tanong ko sakanya.

"I feel so jealous. Nung nakita mo kami sila lang yung pinansin mo. " nakangusong sabi nito.

-_____-

Kaya naman tumingkayad ako tyaka ko pinitik yung noo nito.

"Why did you do that?" singhal na sabi nito sakin.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now