Chapter 43

167 15 7
                                    


Nag kukulitan lang kami habang nag tatrabaho si Ian tyaka maya't maya naman may meeting to. Ngayon nag bubuklat kami ng mga magazine.

"Mama! mama! tignan mo may babaeng bastos." sabi ni Giane sa may magazine kaya mabilis ko itong inagaw.

o___0

Bwiset kang kapre ka bakit may ganito ka dito? Isa ka talagang lalaking higad. Lagot ka sakin mamayang hinayupak ka.

"Hehe anak, sa tingin mo sino mas sexy samin ng babae na to ?" tanong ko rito tyaka ko pinakita yung nasa magazine , nag takip naman ng mata si Justine.

"Mama!" asiwang sabi sakin ni Kiane at umiwas ng tingin pero di ko ito pinansin. Like duhhh kunware pa tong itlog ko na to. Panigurado naman pag wala ako dito tuwang tuwa pa yan mga batang to kala siguro nila di ko napapansin pag nanunuod silang tv kunware pang nag tatakip ng mata nakabuka naman yung pagitan ng daliti tapos nakasilip.

"Hmmm. mama ano po ba ? Yung honest po ba na sagot o yung gusto mo pong sagot ?" balik nitong tanong sakin.

-________-

"So mas sexy nga to." bagsak balikat kong bulong.

"Mama sexy nga sila pero mawawala din po yun pag kumain sila ng madami. Pero ikaw po yung mama kong dyosa." sabi ni Giane.

"Awww ikaw talaga." sabi ko rito tyaka ko kinurot yung ilong nito.

"Oo nga po mama, kahit mas madami pong sexy jan ikaw lang po yung nag iisang mama namin." dagdag pa ni Kiane.

Awww ang sweet talaga ng mga itlog ko kaya hindi sila maitapon eh. Charrot lang hindi ko talaga itatapon tong mga to sila kaya ang buhay at kayamanan ko.

"Tita Ganda,  Giane and Kiane are right. You are beautiful just the way you are specially you have a soft heart like mamon." sabi din ni Justine.

"Awieeee." sabi ko tyaka ako tumayo sa couch.

"Thank you!"

"Thank you!"

"Thank you!"

Sunod sunod na sabi ko at talagang nag bow pa ko.

"Mama parang gusto ko ng mamon, nagutom ako bigla." sabi bigla ni Giane kaya napa tapik ako sa noo ko. Basag moment talaga tong anak ko na to.

"Kakakain mo lang ahh, kinain mo pa nga yung sa papa mo." sabi ko rito na kinanguso nya. Nagmeryenda na kasi kami kanina tapos wala si Ian kaya yung matakaw kong itlog kinain yung para kay kapre.

"Giane ang taba-taba mo na." sabi bigla ni Kiane sa kambal nito. Pero hindi naman nag kakalayo yung katawan nilang dalawa lamang lang ng very light si Giane haha.

"Hindi ako mataba! malusog lang talaga ako." sagot naman ni Giane at sakto naman na pumasok si Ian the kapre.

"What's the matter?" tanong nito.

"Eto!" sagot ko sakanya tyaka ko tinaas yung magazine.

"Ahhhhh! t-that-

"Papa , papa nagugutom po ng mamon yung buwaya sa tiyan ko. " singit ni Giane. Hanep talaga tong bata na to specific talaga yung pag kain na gusto daw ng buwaya sa tiyan nya

"Ok , If that's my baby want." sagot naman ng magaling na kapre na to tyaka nya binuhat si Giane at talagang umiiwas sya ng tingin sakin.

"Papa ako din." sabi naman ng ng isa sa kambal kaya binuhat din ito ni kapre.

"Halika Justine." aya ko naman sa isa tyaka ko ito binuhat.

"Lets go." sabi ni kapre. Wow ahh parang wala syang atraso. May araw ka rin sakin pag ako bumaware who you kang tunay.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now