Chapter 49

282 16 8
                                    


Ewan ko ahh kung anong klaseng hangin yung nasinghot ni Ian the kapre. Dahil bigla nalang itong naging matino. Mukang nagising na rin sya sa katotohanan.

Basta nung araw na kinompronta ko sya sa kwarto ay bigla nalang itong bumaba kasama yung kambal. Tapos pansin ko rin na hindi ito humihiwalay kila kambal tapos balik na rin sya sa pagiging maharot nya.

Hindi ko parin ino-open yung tungkol kay kuyang ermitanyo baka bigla nanamang maano si Ian.

"Mama, mama magbi- beach daw tayo nila papa." sigaw ni Giane.

" Yehey mag dadagat kami. " masiglang sabi nito at nag tatalon sa couch.

"Giane mahulog ka. " bawal ko rito kasi napaka kulit nyang talaga. Si Kiane naman naka kandong lang ka Ian. Gaya nga ng sabi ko nitong nag daang mga araw ay halos hindi mapaghiwalay yang mag aama ko.

Pag tinatanong ko naman , mga hindi naman ako sinasagot ng matino. Tumabi naman sakin si Ian tyaka nya ko inakbayan. Nahihiwagaan talaga ako sa mga to.

"Na-engkanto ba kayo ?" tanong ko rito.

"Silly." sagot nito sakin tyaka nya ko hinalikan sa noo.

"Ikaw lagi mo kong ginagawang matanda. Sampalin kita sa batok e." sabi ko sakanya.

"What do you want ? halikan kita sa labi sa harap ng kambal?" nakangising sagot nito kaya kinurot ko yung nguso nya.

"Ang sakin lang wag mo kong halikan." sagot ko sakanya.

"No way, you're my wife. Normal lang na halikan kita at higit pa doon." ngising sabi nito.

"Papa, peram ako ng selpon mo. Tatawagan ko sila Tito daddy tyaka si Justine. Sasama sila satin diba ? kasi family tayo." masiglang sabi ni Giane kaya napalingon ako kay Ian.

"Nasa kwarto namin ng mama nyo yung cellphone." sagot lang nito.

'Seryoso?'

"What ?" tanong nito sakin.

"Ahh ehhh wala haha."sagot ko sakanya.

"Nga pala may pupuntahan ako mamaya baka gabihin ako." paalam nito kaya pinanliitan ko sya ng maganda kong mata.

"Hindi ako iinom at lalong hindi ako mambababae." agad na sabi nito.

"Ang defensive ahhh." sagot ko rito.

"Mag uusap lang kami ni Kuya." sukong sagot nito.

"Talaga ? Sama ako." sabi ko sakanya.

"Tsk, Bakit excited kang makita sya? " tanong nito sakin.

"Bakit selos ka ?" tanong ko sakanya.

"Tsk. Dito ka nalang bantayan mo yung mga bata." asar na sabi nito na kinatawa ko. "Baka kung ano nanamang sabihin nya sayo." dagdag pa nito.

"Anong sassabihin ? nag jojoke lang sya nun." sagot ko sakanya.

"Not funny." sagot nito sakin.

"Napaka pikunin mo naman." komento ko sakanya.

"Papa , papa hindi daw sasama sila tito daddy may important matter daw." sabi ni Giane.

"Ano ba yung important matter na yun mama? " tanong pa nito tyaka nagpakandong sa ama nila. Si Kiane naman sakin kumandong.

"Hmmm. May gagawin na mahalaga si Tito daddy mo parang busy sya ganun." sagot ko rito.

"Ehh ikaw papa hindi ka ba busy ?" tanong naman nito kay Ian.

"Nope." sagot naman nito sa anak nya na kinatango tango ni Giane na tila naintindihan nya lahat ng bagay bagay.

"Kuya ano pala yung joke mo kanina ?" tanong nito sa kakambal nya. Para namang biglang napaseryoso si Ian sa narinig nito.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now