Chapter 36

169 14 1
                                    


Nagising nalang ako ng may humawak sa kamay ko at bumangad sakin ang maputing paligid . Pumikit ako at sinubukang alalahanin yung nangyari sakin .

Kinidnap kami ni Justine tapos dinala sa abandonadong building , may sumampal sakin na impakta na di ko kilala tapos dumating si pogi then may sumabog.

Ohh Emmm Gieeeee! Wait nasa langit na ba ako ? patay na ba ako ? Sundo ko na ba yung humawak sa kamay ko . Wahhh huhuhu ayaw kong imulat yung mata ko . Di pa ko ready ayaw ko pang iwan yung mga itlog ko bata pa sila .

"Ysabelle"

wahhh boses ni Ian the Kapre yun tapos naramdaman kong may humawak sa muka ko kaya minulat ko na ng tuluyan yung maganda kong mata . Ay may gwapong anghel charrot demonyo pala to muka lang anghel.

"wahhh Ian hindi pa naman ako patay diba?" tanong ko sakanya tapos naiiyak nanaman ako.

"What the hell are you talking about ? of course  not." sagot nito sakin tyaka nya ko niyakap pero pinitik ko yung noo nito.

"Hoy chansing ka , kasalanan mo kung bakit kami nadukot ni Justine . Ang harot mo kasi kalalaki mong tao nako ang lantod lantod."  asar na sermon ko sa kanya .

"ayy oo nga pala si Justine, Ian nasaan si Justine ? Ayos lang ba sya ?" nag aalalang tanong ko.

"nasa kabilang kwarto , he's fine iyak lang ng iyak kanina pero nung dumating yung kambal tumahan na rin" sagot nito .

"buti naman , pero may kasalanan ka sakin . Sino pa yung naging babae mo bukod kay Cathy makati ahh , nako Ian itago mo yang jambo hotdog mo kakagatin ko yan "  gigil na sabi ko sakanya pero ngumisi ito .

"dumi ng utak mong hinayupak ka , ibig kong sabihin puputulin ko , gusto mong mabaog ? " tanong ko sakanya.

"I think your fine too , you're so talkative " sabi nito at kumamot pa sa ulo nya . Iwww may kuto talaga siguro .

"wahhh Ian pahingi ng salamin " sabi ko rito naalala ko sinampal ako ng hinayupak na impakta baka nagkaroon ng kalmot yung maganda kong muka huhu. Pero kinunutan nya lang ako ng noo.

"there's no mirror here , I think this should be fine " sabi nito at inabot nya sakin yung cellphone nya.

"kainis naman na bangasan yung maganda kong muka" asar na sabi ko habang nakatingin sa front camera ng cellphone ni Ian the kapre. Narinig kong tumawa ng mahina si Ian kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

"nakakatawa yun ? gusto mong suntukin ko yang ngala-ngala mo ?" tanong ko sakanya. Sasagot na sana ito ng biglang bumukas yung pinto .

"tita" tawag ni Justine at mabilis na nag tungo sakin at sumampa sa higaan ko at yumakap sakin kasunod nito yung dalawang itlog ko na nagpakandong naman kay Ian.

"mama , mama ok ka na po ba ?" tanong sakin ni Giane.

"oo naman ok lang ako tyaka eto maganda parin" sagot ko sakanya na kinanguso nila ng kambal nya.

"Mama naman eh , hindi ka na maganda may violet ka sa muka tapos may red din " sagot nito sakin pero tinakpan ni Ian yung bibig nito kaya sinamaan ko sila ng tingin pati si Ian damay .

"Ang daldal mo " saway ni Kiane sa kakambal nito at bumaling sakin .

"mama hindi po ba masakit ? " tanong nito tyaka sumampa din ito sa higaan at hinalikan yung muka awwww ang sweet talaga ng masungit na itlog ko na to .

"Hindi na nak , binigyan mo ko ng kisspirin ehh " sabi ko rito tyaka ko sya nginitian.

"Mama ako din kiss kita " sabi ni Giane .

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now