Chapter 20

238 15 4
                                    


SA WAKAS success akong nakapunta dito sa guestroom , nanguha din ako ng junk food kanina bago ako nag tungo dito. Hinihintay ko nalang yung tatlong bulinggit.

pagkatapos ng ilang dekade , este kalahating oras pala ay dumating na rin yung tatlo at may dala pang unan.

"tagal nyo naman" reklamo ko sakanila

"si papa kasi , ang tagal lumabas sa kwarto namin" reklamo din ni Giane sakin ,tapos nag umakyat sila sa kama ako naman nilock ko yung pinto.

"mama dating gawi , gawa tayo ng bahay bahayan tapos kukwentuhan mo kami" sabi ni Giane

"walang tali anak , italukbong nalang natin yung comforter" sagot ko rito

"pano yun?" tanong ni Justine

"sayang hindi natin magagawa yun , pero masaya din tong itatalukbong Justine " sagot ni Giane si Kiane naman nakikinig lang

"dito tayo sa baba , baka langgamin tayo pag jan sa higaan " aya ko sakanila tyaka ko pinatay yung ilaw

"tita why did you turn off the light?" tanong sakin ni Justine

"dahil--

"may flashlight " sabay na sabi ni Kiane at Giane

"mama ako mauuna " sabi ni Giane kaya inabot ko sakanya yung flashlight , sya daw mauunang mag kwento .

"siguraduhin mo lang na matatakot kami " sabi ko rito tyaka ako nag bukas ng mangjuan ang vegetarian na chicharon haha

habang nag kukuwento si Giane hindi naman nakakatakot nag kukunwari lang ako sayang effort nya eh, baka umiyak pa haha.

"Giane takot ako " sabi ko rito habang ngumunguya

"yeah sobra" dagdag pa ni Kiane

"hindi naman---

pero bago matuloy ni Justine yung sasabihin nya ay sinubuan ko ito ng mangjuan

"sabi ni Justine baka hindi naman na sya makatulog sa kwento mo sobrang nakakatakot nak" tuloy ko sa sasabihin ni Justine

"sakyan mo nalang " bulong ko kay Justine

"oo Giane nakakarakot " sakay ni Justine rito.

"yoko na nga ituloy na tatakot na kayo eh" sabi ni Giane tyaka nya binaba yung flashlight at inagaw yung mangjuan

"inubusan nyo ko " reklamo nito

"ako na nga lang mag kukwento " sabi ko kaya umayo yung tatlo

"mama ayaw ko ng fairytale ahh " sabi sakin ni Giane habang dumudukot ng mangjuan.

"me too tita " pag sang-ayon ni Justine kay Giane

"pambabae masyado , baka isipin ni Giane princess sya " komento pa ni Kiane

"mama ohh si Kuya " sumbong nito sakin

"ohh tama na yan baka mag away pa kayo " awat ko sakanilang dalawa.

"merong tatlong magkakaibigan si Juan, Pepe at Berto , sobrang close sila parang magkakapatid yung turingan nila at naisipan nilang mag over night sa bahay dati nila Berto at ito ay malapit sa kabundukan" umpisa ko sa kwento

"ang luma naman ng pangalan" komento ni Giane

"edi sige Giane , Kiane at Justine nalang dami mong arte, ako nag kukwento diba ?" pambabara ko sakanya

"continue." sabi ni Kiane

"go on tita " dagdag pa ni Justine , at talagang nakikinig pa.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now