Chapter 44

177 17 6
                                    

"Where did you go ?" tanong sakin ng ermitanyo pag pasok ko sa bahay. Peste bakit ba englishero to eh muka nga syang pulubi nung tinulungan ko sya. Eto pa amoy mandirigma sya mga sis. Ewan ko lang kung ilang taon syang walang ligo.

"You don't care." balik kong sagot sakanya. Ewan ko kung tama ba yung English ko. Wala na kong pake sya na mag adjust. Basta ang alam ko lang pag naintindihan ng kausap ko yung english ko tama yun hahaha.

"Wait kuyang ermitanyo ano palang pangalan mo? " tanong ko sakanya.

"Hahahahaha" tawa nito. Juice na colored may sapak ata to sa utak.

*nag sign of the cross*

Nakaka confuse tinanong ko lang naman pangalan nya natawa na , dapat ata sa mental ko sya dinala hindi dito sa bahay.

"I'm Ion, pero tama ka nga naman muka nga akong ermitanyo dahil sa haba ng buhok ko " tumatawang sabi nito. Buti naman di na sya masyadong nahihirapan mag salita kasi nung nakaraan super paos yung boses nya. Inferness medyo bet ko yung tawa nya.

"Ako naman si Ysay , dyosa ng mga dyosa." sagot ko sakanya kahit hindi nya tinatanong alangan naman na sya lang yung mag introduce yourself , mali yun.

"Sige ahhh mag bu-beauty sleep na ko , ikaw din kasi obvious naman need na need mo yun. Tomorrow nalang tayo mag chitchat ahh." sabi ko sakanya na kina iling nya lang.

Naubos energy ko sa ginawa ko kanina hahahah pero worth it naman dami kong tawa.

Well pinagtripan lang naman namin si Hally-haliparot. Kanina kasi nung pauwi na yung mag aama ko sumunod ako.

'sumunod nga ba?'

Kasi mas nauna pa kong makarating sa bahay eh , ahhh basta nung uuwi na sila nag hintay ako ng ilang minutes bago sumunod kaso baka yung itlog kong malusog nagutom nanaman habang nasa byahe sila kaya naunahan ko sila. Mabilis lang naman akong nakapasok kasi kilala ako ng mga chakang tauhan ni Kapre tyaka alam ko din yung pasikot sikot dun.

Tinulungan ako nila Mars na mag disguise , kadiri talaga kanina muka akong bangkay na naaagnas. Tapos ayun pumasok ako sa kwarto ni Hally- haliparot tapos nung alam kong naka tulog na sya tyaka ko sya ginapang hahaha.

Si gaga nagising at nag titili , kaso nakatulog ulit kasi hinimatay sa lapag tapos iniwan ko na sya dun , pake ko kung malamig yung tiles. Hahaha LT talaga.

Papunta na sana yung tulog ko ng may sunod-sunod na kumatok sa pinto namin.

"Grrrrrr. peste! sino ba tong aswang na gustong sirain yung beauty sleep ko? "

"Gabing - gabi na eh , Kung sino man tong maligno na to patay sya sakin."

Padabog akong bumangon at tyaka ko sinilip sa maliit na butas kung sino yun. Nanlaki yung mata ko ng makilala ko ito. Kaya dali-dali kong binuksan yung pinto.

'shet anong ginagawa nito dito?' Nalaman nya ba yung ginawa ko kay Hally-parot or nalaman nyang may tinatago ako dito.'

"Gabing- gabi na kapre , sinisira mo beauty sleep ko. " sermon ko sakanya , pero kina kabahan talaga ako malay ko ba kung anong bakay ng naligno na to dito.

"What ? I just miss my wife." sagot nito sakin tyaka pumasok sa loob kahit di ko naman pinapasok ,

'Peste emitanyo wag kang lalabas.' turan ko sa isipan ko.

"Tsk di na kita na solo-solo dahil sa tatlong makukulit na yun." sabi nito kaya sinarado ko yung pinto at sumunod sakanya. Agad nya naman akong kinulong sa bisig nya , ang harot talaga ng kapre na to.

"Wife." bulong nito sa tenga ko kaya kumawala ako sakanya.

"Kapre wag mo ng balakin dahil di ko ibibigay ang perlas ng silangan sayo lalo na't may problema tayo ngayon." sabi ko sakanya.

Together Again [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin