Chapter 34

178 14 8
                                    

Papunta kami ngayon ni Justine acqua park nauna na doon yung mag-aama ko   , si Justine kasi natutulog pa kanina kaya pinauna ko na sila. Yung kambal kasi nanunuod kanina tapos sabi gusto daw makapunta doon . Edi yung magaling nilang ama go agad.

By the way may kasama naman kaming panget na tauhan ni Ian. Mukang hindi pagkakatiwalaan yung itsura . Tapos yung isa naman natutulog lang sa passenger seat , ang galing . Bravo !  Well Judger ako pake nyo haha. Ang creepy kasi kanina pa sulyap ng sulyap sakin ewan kung nagaganda sakin or sadyang na a-appreciate nya yung kagandahan kong taglay.

"tita matagal pa ba tayo ?" tanong ni Justine sakin .

"Medyo malapit na , kung bakit naman kasi ang layo ng bahay ng ama nyo " sagot ko sakanya , as in kasi ang layo sa kabihasnan .

"oyyy kuyang driver bakit lumiko ?" tanong ko rito. Tapos hindi sinasadyang  nalingon ko si kuyang nasa passenger seat shocksss bakit may dugo ? Kaya ba nasa sasakyan na sya nung sumakay kami ? kasi tegibangbang na sya ?

"siguro kuya may surprise si Ian the kapre ano? " tanong na sabi ko sakanya para di nya mahalatang may nakita ako. Hindi man lang ako nito sinagot. Jusko anong gagawin ko? Kasama ko si Justine at bata pa ito.

Tama! may cellphone nga pala ako, tatawagan ko nalang si Ian.

*ringgg* *ringggg* *ringggg*

Shet bakit hindi sinasagot ni Ian the kapre puro ring lang. Kaasar naman eh kung kelan naman kailangan . Sunod kong tinawagan si Sissy pero nag toot toot lang , baka may kausap. Kaya si Ian ulit tinawagan ko pero puro ring lang. Ewan kung naka ilang missed call na ko sakanya. Text ko na nga lang peste , kaurat .

to : Ian the kapre ♡

Ian sagutin mo yung tawag ko peste ka.

sent.

to : Ian the kapre ♡

tangina mo may patay sa passenger seat . Kasama ko si Justine anong gagawin ko ?

sent.

Mag tetext pa sana ako kaso may biglang umagaw ng cellphone ko.  Shit hindi ko namalayan na huminto na pala kami.

"baba" utos nito sakin kaya kinuha ko si Justine at bumaba kami. Masunurin ako ngayon kasi may kasama akong bata.

"kuya totoo ba yan?" tanong ko rito tyaka ko nginuso yung baril na nakatutok sakin. Pasimple ko rin tinignan yung paligid baka meron akong pwedeng hingan ng tulong pero wala akong nakita kundi logo ng brand ng sardinas.

huhu sana mahanap kami ni Ian. Buhat buhat ko si Justine ngayon habang may nakatutok na baril samin.

"deretcho lang" sabi ni kuyang panget sabi na eh hindi sya mapagkakatiwalaan. Tapos tyaka nya kami pinapasok sa isang silid na madilim.

"tita natatakot po ako " mahinang sabi sakin ni Justine , ramdam ko din kasi ang higpit ng pagkakayakap nya sakin.

"andito si tita wag ka mag alala pikit mo lang yung mata mo " bulong na sagot ko rito. May narinig akong parang kadena kaya tinignan ko yung pinanggalingan ng tunog.

Napaatras ako ng may nakita akong bulto ng lalaki sa kabilang sulok ng kwarto na to. Jusko halimaw ba to gaya ng napapanood ko tapos lalapain kami ni Justine ?

"MGA BOBO BAKIT NYO DITO DINALA YANG MAG INA NI HERRON" rinig kong sigaw sa labas .

"h-herron" nahihirapang sabi ng lalaki sa sulok. hala baka isa din syang maligno?

"Tita , I want to go home " takot na sabi ni Justine at lalong sumiksik sa akin .

"shhhhhh" tugon ko rito .

Together Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon