Chapter nine

263 17 0
                                    

andito kami ngayon sa sala , nag lalaro kaming tatlo ng pitik bulag, sakit na ng daliri ko bwiset tong dalawang itlog na to dinadaya ako.

tapos biglang pumasok si Ian at may dala itong box tapos maliit na tuxedo na naka hanger

"ohh bakit yan?" tanong ko rito

"a gown, today is William and Rheane wedding" sabi nito sakin

"ano pano ? wala nga silang label tapos kasal agad?" gulat na tanong ko

"I don't know too, just changed your clothes now " sabi nito sakin  kaya kinuha ko yung box na may lamang gown na kulay mint green

"you too ,bibihisan ko na kayo " sabi nito sa kambal pero mabilis tumayo yung dalawa at lumapit sakin

"sige na mga anak. bibihisan nya lang kayo , sigaw lang pag may ginawa sya at mag papaganda lang yung mama nyo " sabi ko sakanila .

kaloka naman kasi si sissy bakit hindi sinabi sakin , edi sana nakapag manicure at pedicure pa ko . na stress yung split ends ko . buti nalang natural yung magiging dyosa ko .

light make up  lang yung ginawa ko baka matalbugan ko si sissy .tyaka ko sinuot yung gown at nag tungo sa harap ng salamin

"wahhh ang ganda mo talaga self " sabi ko sa sarili ko sa salamin lalo akong sumexy dahil sa gown na to , may pasilip likod hahaha
tyaka ko pinaresan ng high hills , bongga tumangkad ako mga 5 inch

pag kalabas ko ay nakabusangot si Kiane at Giane

"ohhh bakit ?" tanong ko

"mama ang init po " reklamo ni Giane

"anak mag kutchara ka pag mainit " sabi ko sakanya pero tinulungan ko syang tanggalin yung coat nya

"damn , mag palit ka nga " utos sakin ni Ian

"he's right mama , thats too revealing" sabi ni Kiane

"chee, eto yung motif, tyaka wag kayong KJ " sabi ko sakanila

"tch" sabi ni Kiane at Ian kaya nilakihan ko sila ng mata , na mabilis nilang kina iwan

"tara na , baka ma late tayo nakakahiya " aya ko sakanila ,pero inabot nya sakin yung coat nya

"gagawin ko dito? " tanong ko sakanya

"isuot mo , at wag mo subukang alisin" sabi nito sakin pero di ko sya pinakinggan

"ayoko nga , sa ganda at sexy ko na tapos itatago ko lang , no way " sabi ko sakanya

"Ysabelle" warning nito sakin

"nyenyenye wala akong naririnig" sabi ko tyaka ko tinakpan yung tenga ko

"damn " inis na sabi nito pake ko sayo kala mo ahhh

pagkarating namin sa simbahan ay dumeretcho muna kami sa loob wala pa naman si Rheane

tapos ilang saglit lang ay andito na daw sila Rheane kaya lalabas na sana kami kaso ayun nag run away ang sissy ko , kaloka.
tapos nalaman kong hindi nito alam na ikakasal sila ni William

kaya lumapit ako kay William

"kayo mag kaibigan nga kayo , dinadaan nyo sa santong paspasan hindi mo man lang niligawan yung sissy ko " sermon ko rito

"brute pasensya na" sabi ni Ian tyaka nya ko nilayo kay William

"ano ba naman Ian the kapre , sinesermonan ko pa yung kaibigan mong gago na na katulad mo" reklamo ko rito

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now