Chapter 45

179 16 6
                                    

Tahimik lang kaming kumakain ng ermitanyo na to. Ang tahimik eh kung di ako mag sasalita hindi din mag sasalita. Mukang nahihiya pa sakin eh ilang linggo na syang nakikikain at nakikitira dito.

"Wala akong gagawin or lakad ngayong araw baka gusto mong mag pagupit. " sabi ko rito kasi ako yung naiirita sa itsura nito.

" Salamat nalang." sabi nito sakin kaya tinaasan ko ito ng isang kilay. "Hindi ako mag papagupit hanggang di ko nakikita yung mag ina ko " turan nito na kina buhay ng pag ka chismosa ko.

"May pamilya ka?" gulat tanong ko sakanya.

"Malamang haha." sabi nito. Nakonsensya ako bigla.

"Eh bakit andito ka pa ? Bakit hindi ka pa umuwi sainyo? " tanong ko sakanya. Alam kong miss na nito yung mag ina nya lalo na yung anak nila . Syempre alam ko yun kasi magulang na din ako.

"To be honest I don't know where they are right now but I believe there's a right time for everything." sagot nito tyaka ngumiti. Inferness kahit ganun yung pinag daanan nya nakukuha nya pang ngumiti at tumawa . Kung ako siguro nasakalagayan nya mababaliw ako.

"Hindi ka ba nag tataka kung bakit kita niligtas?" tanong ko sakanya .

"Alam kong may kailangan ka sakin." turan nito na kina iwas ko ng tingin. " In exchange ng pag tulong at pagsagip mo sa'kin , I'm going to help you whatever your plan is." turan nito.

"Nga pala ilang taon ka nang nakakulong doon ?" tanong ko sakanya.

"Hindi ko rin alam. maybe 5 or 6 years ?"  hindi siguradong sagot nito.

" Simula kasi ng ikulong nila ako sa madilim at malansang lugar na yun ay wala na kong balita sa nangyayari sa paligid ko or kung ilang buwan or taon na ang lumipas ang nasa isip ko lang ay kailangan kong maka survive para sa pamilya ko at sa mag ina ko. Swerte ko nalang dahil hindi nila ako tinuluyan." mahabang turan nito sakin.

"Bakit ka ba kasi nila kinulong? may kasalanan ka ba sakanila o may alam ka tungkol sa kanila? " tanong ko sakanya.

"Masyadong komplikado." sagot nito sakin.

"Panong komplikado? " tanong ko sakanya.

"Wag ka ng mahiya , ready yung pretty ears ko na makinig sa mala MMK mong buhay or baka naman Magpakailan Man. dagdag ko pa.

"Its a family matter. You know naipit ako sa pagitan ng pamilya ko at ng mag ina ko." sabi nito at makikita naman sa mata nito yung sakit kahit naka ngiti ito.

"Ang gusto ng Ama ng babaeng mahal ko ay traydorin ko yung pamilya ko with is yung kapatid ko at lolo ko . Pero hindi ko kaya , sila nalang yung natitira sa pamilya ko."

"Kaya hindi ako pumayag, naiintindihan naman ako ng babaeng mahal ko . Sa totoo lang suportado nya pa nga ako sa plano ko. " sabi nito habang nakangiti, para nga syang mag babalik tanaw.

"Pero dahil sa ginawa namin , I know yung consequence nun ay masisira yung relasyon ng kapatid ko at ng asawa nito. Sana mapatawad nya ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko kasi kayang mamatay sya kasi madadamay din yung asawa nito at si lolo dahil nangako ako kila daddy at mommy bago sila mawala na kahit anong mangyari poprotektahan ko yung bunso namin na matigas ang ulo haha . " sabi nito. Shett I need a kuya like him.

"Huhuhu ano ba yan , pwede na ngang pang MMK." turan ko rito. Nakaka touch.

"Sige continue." dagdag ko pa.

"Tyaka yun lang din yung alam namin paraan para makaligtas yung baby namin." dagdag pa nito. Ano ba yan kawawa naman yung asawa ng kapatid nito , pero acceptable naman yung reason nito kasi buhay yung nakasalalay.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now