Chapter 48

245 15 1
                                    

Nakaalis na sila Kuya Ion kasama si Justine. At simula rin kanina ay ayun nag lalaklak na si Ian.

"Mama , bakit po nag iinom si papa?" tanong sakin ni Giane.

"Ma, ano pong ibig sabihin ni Tita Cathy kanina na hindi si papa yung papa ni Justine?" tanong naman ni Kiane.

Eto na nga ba sinasabi ko mag tatanong sila.

"Ano kasi-- pano ko ba ipapaliwanag ?" turan ko sa'king sarili.

"Ganto kasi yun kambal, si Justine ay anak ng Tito Ion nyo na kapatid ng papa Ian nyo. Gets nyo ba ? " paliwanag ko.

"Hindi mama." sagot sakin ni Giane. Kaya napatampal ako sa noo ko at lumingon kay Kiane kasi sya nalang pag asa ko.

"Sabi ni mama , pinsan natin si Justine hindi kapatid." sabi naman ni Kiane sa kambal nya.

"Eh bakit ang gulo , akala ko ba kapatid namin si Justine bakit ngayon pinsan na ? " tanong nanaman nito.

"Anak maiintindihan mo rin pag laki mo. Basta yun yung totoo." sabi ko rito tyaka ko sya kinandong , sinenyasan ko rin si Kiane na kumandong sakin.

"Wag muna kayo mag papasaway sa Papa nyo ah." bilin sa ko sa dalawa tyaka ko sila niyakap. Wag naman sana silang maapektohan sa mga nangyayari ngayon.

Wala eh , eto na wala na kaming magagawa kundi harapin tong problema na ito. Para saan patmalalagpasan din namin ito.

"Mama na miss po kita." sabi ni Giane.

"Ako din mama." segunda din ni Kiane.

"Awwww na miss din kayo ni mama at dahil na miss ko kayo anong gusto nyo lulutuin ni mama." sabi ko sa dalawa tyaka ko sila hinalikan parehas.

"Mama namiss ko yung bananacue mo. " sabi ni Kiane.

"Ohhh sige mag luluto si mama , Ikaw bunso namin ? ano gusto mo ? " tanong ko kay Giane.

"Mama gusto ko ng ice cream." sabi nito kaya ginulo ko yung buhok nito.

"Ohh sige papayagan ko kayong mag ice cream ngayon pero hindi palagi ahh." sabi ko sa dalawa na kina tango nila dalawa.

Buhat ko sila parehas para walang gulo , kahit bumibigat na sila. Baka mamaya isipin nanaman ng isa na mas love ko yung isa. Yun yung iniiwasan kong mangyari .

Pagkarating namin sa kusina ay nasa parang counter si Ian umiinom. Parang mali ata ako na dinala ko dito yung dalawa.

"Behave lang kayo. " sabi ko sa dalawa tyaka ko sila inupo sa upuan.

"Mama, tulong ako mag balat ng saging. " sabi sakin ni Giane.

"Wag mama , kakainin lang nyan. " sabat naman ni Kiane. Kahilig talaga mag kontrahan kaya laging nagkakapikunan.

"Ohhh wag na kayong mag talo baka saan nanaman mapunta yan."  bawal ko sakanilang dalawa. "Tulungan nyo nalang ako parehas." dagdag ko pa.

Pansin kong pasulyap sulyap yung dalawa kay Ian kaya napa buntong hininga ako.

"Kambal tignan nyo nga muna yung mga manok nyo baka wala na silang inumin , pati yung kay Justine idamay nyo na rin." sabi ko sa dalawa.

Pag kaalis ng dalawa ay inapura ko naman yung pag luluto ko ng saging. Tapos ko ng iluto yung mga saging na nabalatan wala parin yung dalawa kaya nilapitan ko si Ian na parang may sariling mundo.

Umupo ako sa tabi nya, pero wala deadma ang beauty ng lola nyo.

"Ian , alam kong may problema ka / tayo pero wag naman ganyan ka aga-aga mong umiinom. Nakikita ka pa ng mga bata." sabi ko rito pero bigla nyang ibinagsak yung baso nanpinag iinuman nya.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now