Chapter 18

270 18 2
                                    


KANINA pa ko gising pero hindi ako makakilos kasi parang tuko tong Ian the kapre na to nakakaloka. Usually 5:00 na ako nagigising nasanay na ko dati kay manang , para bang may sariling alarm clock yung mata kusang nagigising.Panigurado gising na din yung dalawang itlog ko , maagang nagigising yung mga yun eh .

Nangangalay na talaga ako sa position ko ngayon kaya dahan-dahan kong inalis yung braso ni Ian na nakapulupot sa bewang ko , peste nakayakap na nga nakasanday pa.

kaya ng makabangon ako ay nag hilamos muna ako syepre nagsuklay din ako bago lumabas , pagkalabas ko sakto yung dalawang itlog ko ay nasa tapat na kwarto namin.

"morning mama" bati sakin ni Kiane

"maganda ka pa sa umaga mama" sabi sakin ni Giane nako talaga tong bata na to hihi

"magandang morning din mga itlogs ko" sagot ko sakanila , tyaka kami nagtungo sa kusina ,tinimplahan ko rin sila ng gatas

"mama hindi ka na ba galit?" tanong sakin ni Kiane

"hindi naman ako galit nak" sagot ko rito.

"mama alam mo ba" sabi sakin ni Giane

"hindi ko alam anak" sagot ko sakanya

"mama naman ehh patapusin mo muna kasi ako" sabi nito kaya tumango ako

"may girlfriend na ko" sabi nito, ano daw

" mama hindi totoo yun" sabat naman ni Kiane

"pag laki ko magiging girlfriend ko din sya" sagot naman ng isa

"mama ang kulit ni Giane kahapon, tapos kiniss nya si ate Krisan " sumbong ni Kiane

"wahh mama sorry na po , papansinin mo ko diba" sabi nito tyaka yumakap sakin.

"mama wag , matigas ulo nyan " sulsul sakin ni Kiane

"kuya naman ehh " reklamo ng unano na nakayakap sakin

"tabi Giane mag luluto na ko " sabi ko rito, pero yumakap pa ito lalo sa binti ko .

"mama" sabi nito tapos nag kacrack na yung boses nito senyales na iiyak na ito

"Giane ahh ka aga-aga iiyak ka nanaman " sabi ko rito

"sorry na nga kasi mama" sabi nito sakin

"oo na nga , umupo ka na sa tabi ng kuya mo at inomin mo na yung gatas mo ,kasi mag luluto na ko ng umagahan " paliwanag ko rito

"mama dalawa sakin ah" sabi nito

"oo na , kaaga aga inistress mo yung ganda ko" sabi ko rito

"hihi I love you mama" sagot nito sakin

"I love you din kayo ng kuya mo" sagot ko sakanya

"ehh si papa, mama?" tanong ni Kiane , na kina hinto ko . Ano ba magandang isagot ? balimbing kasi tong mga itlog ko na to . Mahal ko naman talaga yung kapre na yun nag papabebe lang ako.

"oo naman, mga 70 percent " sagot ko na kina tango lang nito , sabi na eh balimbing yan may pinaplano .

kaya nag pirito na ko ng itlog at hotdog ,tyaka ko sinangag yung tirang kanin kagabi, pero nagsalang din ako ng kanin kasi kulang yun sa dalawang itlog ko palang eh. Nang maluto na yung kanin ay inihanda ko na ito sa dining room ,tyaka ko hinati yung sinangag para sa dalawa baka may magtampo nanaman .

"mama , tawagin mo na din si papa " utos sakin ni Kiane kaya siningkitan ko ito ng maganda kong mata .

"oo nga mama , kasi sabi ni papa hahatid nya kami sa school" dagdag pa ni Giane kaya bagsak yung balikat ko na nagtungo sa kwarto namin.

Together Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now