9. Passionate

7 3 0
                                    

I consider this day and the next day will be my rest day and bonding time with my anime because an hour ago I just finished sending to my prof my last requirement kaya wala na akong poproblemahin sa pagpunta sa school hindi gaya ni Ron na kailangan niyang umattend dahil officer siya ng council at VP pa.

So here I am, reading manga and watching anime until 4pm, kaya nang tumunog ang mahiwaga kong tiyan ay napilitan akong lumabas para magpunta sa fast food in front of our school, hindi naman ganon kalayo kaya hinayaan ko nalang ang suot kong t-shirt na white at nag-green jagger pants nalang ako bago lumabas.

Tatawid na sana ako ng pedestrian pabalik ng apartment when some firm hand and dark skin grab my wrist at dahan dahan na pinaharap sa kanya.

Gulat at irita ang ipinakita ko nang maiharap niya ako. Hawak ang batok bago nagsalita sabay binitawan ang kamay ko.

"U-uhh.. Saan ang punta mo?" tanong niya na medyo nahihiya at tiningnan ang hawak ko.

"Uuwi at kakain" bored kong sagot at humarap na sa kalsada.

"A-ano" sabi niya ulit na mahina ang boses.

May nais siyang sabihin pero hindi alam ang eksaktong salita para sabihin sakin. Medyo nagmamadali pa naman ako pero 'tong isang 'to ay kay tagal magsalita.

Napasapo ako sa noo at humarap sakanya nang mapansin ko ang out fit niya. Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa dahil sa pagtataka.

Naka black tattered pants siya at grey shirt sa loob ng leather jacket niya. Really? Sa pinas pa talaga niya ginawa 'yang outfit na 'yan?

"Bye" akmang aalis na ako. Dahil ang tahimik na niya at tulala lang sa'kin.

Pero pinigilan niya ako at hinigit muli sa kamay, "W-wait, may sasabihin sana ako".

"Ano?" bagot kong tanong kasi naiinis na ako at gutom pa.

"K-kasi, tutugtog ang banda mamayang 7:30pm"

"And then?"

"Manunuod ka ba?"

"Hindi. Busy ako" putol ko at aalis na sana.

"A-ahh. Okay" medyo lumungkot ang mukha niya kaya umalis na ako agad.

Nasa gate na ako ng apartment building nang biglang sumulpot si Polly. "Liss, kakain ka palang?" tanong niya at sinulypan ang dala ko.

"Ah. Oo eh. Nag-take out nalang ako" diyan" turo ko sa kainan at nagdire-diretso na kami papasok habang nag-uusap nang may sumigaw na lalaki sa likod namin na hinihingal pa.

"Max" sigaw niya.

Sabay pa kaming napalingon ni Polly at nang nakita kung sino iyon, sinabi niya sakin na mauna na akong umakyat kaya ginawa ko naman dahil gutom ako. Tutal kaibigan niya naman iyon kaya wala na akong pakialam.

"Anong kailangan mo?" narinig ko pang tanong ni Polly sakanya 'tsaka na ako nakaakyat sa taas. Ngunit nakikita ko pa na kinakausap niya pa iyon 'tsaka umalis din agad na medyo galit ang mukha at aakmang susuntukin siya kung hindi lang lumapit si manong guard.

"Ano kayang problema ng taong iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Kumakain na ako habang nanunuod sa sala nang may kumatok. "Sandali" sigaw ko.

Si Polly hawak ang dalawang slice ng blueberry cheesecake. Hmmm.
Yummy. "Dessert?" tanong niya ng nakangiti pa. Sa pagtitig kong iyon biglang may kung ano ano klaseng lamang tiyan ang nagwala sa loob ko.

Hindi ko na pinansin ang feeling na iyon at pinapasok ko nalang si Polly. "Tara sa loob at kainin natin 'yang dala mo. Mukhang masarap eh" nakangiti kong aya sa kanya.

MiraiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang