17. Sudden

1 1 0
                                    


Nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa takot at gulat sa natuklasan. Ano 'tong nangyayari?

Bakit?

Bakit ko nakikita ang sarili ko sa harapan ko ngayon?

Iyan ang mga katagang tumatakbo sa aking isipan hanggang kinabukasan. Hindi na ako nakatulog hanggang sa makatila ang ulan at bumalik ang supply ng kuryente. Saglit man ang oras na nakita ko siya ngunit hindi ako pwedeng magkamali. 

Ako 'yon!

Una, kababalaghan sa messages galing sa sarili ko. Ngayon nakita ko naman ang sarili ko ng harap-harapan? Wow lang! nakakapanindig balahibo ah!

Nais ko itong sabihin o ikwento man lang ngunit kanino? Parang unti-unti nang nawawala ang mga taong mahalaga para sakin. Parang bumabalik nanaman ako sa pagiging mag-isa. Ang Lissana noon na napupuno ng kalungkutan at halos hindi alam ang salitang kaligayahan dahil pinagkaitan siya nito ng tadhana.

Habang nilalaro ko ang keychain ng cellphone ko ay iniisip ko kung kakausapin ko si Polly. Hindi naman kami magkagalit ngunit sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari samin ng kambal niya. Nagdadalawang isip ako ngunit ang laki ng bumabagabag sakin. Hindi ko sinabi sakanya na nahuhulog na ako sa kambal niya. Tanging sinabi ko lamang ay ang malungkot naming paghihiwalay noon sa labas ng café. Simula din nang mangyari 'yon ay hindi ko na nakita si Mam Evie sa café at hindi niya rin ako kinausap man lang tungkol doon pero alam kong alam niya kung ano talaga ang dahilan. Nahihiya man ako ngunit ayoko muna tumigil dahil hindi pa ako tapos mag-aral kaya kailangan ko pa itong trabahong ito. Siguro kapag may pagkakataon ay magpapaliwanag nalang ako kay Mam Evie at humingi na din ng tawad sa inasal ko. Napakabait niya saming empleyado niya kaya nahihiya talaga ako sakanya.

Naalala ko pa nung tinapatan ko na siya ng ilaw ng dala kong flashlight. I can see shock all over her face at ako ay tulala rin na halos matanggal na ang mga mata ko. Nanginig ang mga kamay at nanlambot ang tuhod na halos mapaluhod na ako. I can't do anything even speak any words from my mouth but to stare in her face that is definitely me.

Ano itong nangyayari sa akin? Please, someone make explain it to me so I can understand what's going on to me.

Nanginginig ang kamay ko na tinawagan sa facetime si Polly. Siguro nagpapahinga siya sa bahay nila ngayon. It rings for about 5 minutes when he answered with a towel on his neck at walang saplot na damit.

Napatigil ako sa gulat at mangha sa hubog ng katawan niya. Napakaputi at macho na niya hindi kagaya noong unang pagkikita namin. Ang dami na talagang nagbago. Ang dami na.

"Ano ba naman 'yan Polly. Ngayon na nga lang ulit tayo mag-usap tatakutin mo pa ako" asar ko para mawala ang gulat na naramdaman ko.

Tumingin siya sa katawan niya at nag-smirk pa ang loko. "Oh! Sorry! Wait a minute" at umalis siya sa harap ko pagkalapag ng cellphone. Bumalik nalang siyang naka t-shirt at naka-eye glass na bago sakin. Hindi ko pa siya nakita sa pagiging writer mode niya.

"Hello Miss!" he said then smirked again.

Hah! Talaga ang lalaking ito. Nakita pa na namula ako dahil sa topless niya. "Hi Mister! Bagay pala sa'yo ang eye-glass ha. Harry Potter ang peg?" tsaka ako humahalakhak na sinabayan niya din.

"Mas gwapo naman ako dun no" he said then paused with serious face.

"I miss you Liss. I'm sorry hindi na ako nakabalik for the next sem. Pina-stay muna ako ni grandma dito para magpahinga daw but I'll be back on the midterms" he continued.

MiraiWhere stories live. Discover now