10. Real

4 3 0
                                    

I was stunned by the shocking revelation I got last night. I didn't know what to do and what to say but I'm sure I am flattered but to the point that my heart is going to explode. I know I said to myself that I'm infatuated to him but not to extent on falling in love with. I am not yet ready to enter serious relationship having this shallow feelings I have, also there's so much problems and other things to handle before that.

While I was still thinking on my bed, someone bugging hard on my door this early in the morning.

"Ano? Umagang-umaga nambubulabog. Tss" pambungad ko sa kung sino man ang pontio pilatong nandito.

"Good morning too!" Sagot niya at inabot ang isang rosas na may papel na nakatali sa tangkay.

"Tss. Sino nagbigay nito?" Kahit parang kilala ko na kung sino.

"Hindi ko alam. Nakita ko lang diyan sa sahig nagmamakaawa dahil mukhang palanta na oh" sagot niyang parang nang-aasar pa.

"Okay. Ano ba yang dala mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Sopas"

"Hmmm. Favorite. Thanks Xyron" at ngumiti lang ako ng tipid sakanya.

I just boiled three eggs para pandagdag sa sopas, masarap yun lalo kapag may chili oil pa.

"Bakit tatlo? Gutom much?" Pambibiro niya.

"Ah hindi. Yayain ko din sana si Polly para makakain rin siya nitong luto mo" sagot ko.

"Wala siya diyan ngayon. Dumaan siya sa unit ko kaninang madaling araw uuwi raw sa States" sagot niya.

"What?! Bakit hindi siya nagpaalam sakin kung ganoon? Tss. Nakakatampo naman" gulat at pasigaw kong tanong.

"Huminahon ka nga at baka mapaso ka jan oh" sabi niya nang muntikan ko ng matabig ang nilalaga kong itlog.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Gusto niyang magpaalam sayo kaso hindi mo sinasagot ang tawag niya sa pintuan kanina. Malungkot siyang umalis, bakit may problema ba kayo?" may pagtataka niyang tanong.

"W-wala naman" pag-aalinlangan ko pang sagot dahil alam kong may problema talaga.

"By the way, may utang ka pa sakin San"

"A-ah" nang may naalala ako.

"Magkasama kami ni Polly kagabi sa Battle of the Bands-" ikinuwento ko ang nangyari kagabi ng walang malisya.

"His brother gave me flower that night. Yan yun" turo ko sa rose.

"Nagkatension ang magkapatid at nag-away siguro sila sa bahay nila kaya umuwi si Polly" medyo malungkot kong kwento kay Xyron.

"Hindi mo pa sinabi na nagpunta ka ng school akala ko nagkulong ka dito at nanuod magdamag ng anime mo" sabi niya.

"Iyon nga ang plano ko sana pero niyaya ako ni Polly at sabi niya may surprise event daw kayo para sa mga studyante, nacurious ako kaya pumunta rin ako" sagot ko sakanya.

"Hmmm. Really huh" may pagdududa sa sinabi ko.

"Bakit? Ano sa tingin mo ang dahilan ko ha?" patawa kong tanong kay Xyron na may mapanuring mata at naniningkit.

"Wala akong sinabi San, easy nasa harap tayo ng hapag oh" natatawa niyang sagot.

"Tapos ayun nga habang nangyayari ang pakulo ng council hinigit ako sa kamay, ang buong akala ko si Polly yun dahil magkausap kami kaso ang kapatid niya pala. Gulat na gulat ako at hindi alam ang gagawin. Alam mo namang parang may phobia ako na ako ang nakikita ng lahat diba?" patuloy ko sa kwento kanina.

MiraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon