22. I'M BACK

2 1 0
                                    


Finally, hello Philippines.


Napakatagal na panahon nung muli akong tumapak dito sa Pinas. Almost 6 years din ang ginugol ko sa Amerika matupad lang pangarap ko sa buhay. But still, I feel a big lump on my throat by the thought of her.


I need to explain to her everything. Lahat ng ginawa ko sakanya ay hindi makatarungan. Kaya nais kong sabihin lahat ng saloobin ko upang maintindihan niya ako. Ngunit hindi ko alam saan ako magsisimula. Hindi ko alam ano nang balita sakanya... kung saan siya nakatira... simula nang mabalitaan ko sa mga kabatch mate naming na namatay na si Xyron ay hindi ko na alam ano nang nangyari kay Lissana. how can she cope up from that tragedy... nang wala ako upang samahan siya.


I'm an asshole... may kaunting tinigna bumubulong sakin na siyang pumipigil sakin na huwag nang makipagkita sakanya at huwag na siyang gambalahin.... But my heart keeps telling otherwise.


May kaunting kirot sa puso ko sa isipang baka.... Baka may bago nang nagpapatahan sakanya.. may bago nang nag-aalaga sakanya.


I can't forgive myself but I think in deserve it. Kung may bago na siya, tatanggapin ko, pero sana bigyan niya ako ng oras para magpaliwanag sakanya.



Two days after my arrival, hinanap ko siya.


I was walking by the street of our old university, hoping baka makita ko siya dito, ngunit halos sampung minuto na akong naglalakad wala pa din. So I took a break, naglakad ako sa malapit na convenience store katabi ng isang private pre school.


As I walk down the pedestrian lane, eksaktong labasan na ng mga bata kasama ng kanilang mga magulang. I was busy looking around when suddenly a young boy bumped into my legs then he fell down. He was running towards outside like he was avoiding someone.


"Hey, kiddo, are you okay?" as I squat to leveled him.


Medyo naiiyak siya dahil siguro sa pagkabunggo. "Halla, sorry. Nasaktan k aba?" hahawakan ko na sana siya upang itayo nang marinig ang sigaw ng mga batang galing sa loob ng school.


"Bakit ba Lucky ang pangalan mo eh ang malas mo naman wala kang daddy" asar ng mga bata. So his name is Lucky. Tumayo ako at nilapitan ang mga bata.


They were shocked as they saw me coming towards them. "You know bullying is a bad thing kids. You shouldn't do that to your classmate. Alam ba 'to ng mga parents nyo?" mahinahon kong suway sakanila.


Still.. nakatulala padin sila at napansin ang pasimplen siko ng isang bata sa katabi niya. "Sorry po. Hindi na po mauulit" medyo utal pa silang magsalita.


"Mag-sorry kayo sakanya hindi sakin" at inilahad ko sakanila ang batang nadapa na nakatayo na din ngunit nakayuko padin habang pinupunasan ang mga mata. Guess he cried a bit.


Kahit ayaw nila ay nanghingi padin sila ng sorry. Somehow, Lucky's face lifted up then smiled. Hindi ko alam ngunit nagulat ako nang makita ang kanyang mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MiraiWhere stories live. Discover now