8. Irritated

7 3 0
                                    

Hindi ako makakapag-isip ng maayos nito kahit sa 4 hours na itinulog ko before my first exam sapagkat hinihila parin ng antok ang talukap ng mga mata ko.

Hindi ko maintindihan, ang sarili ko ba o ang ginawa niya, na siyang dahilan kaya ako tulala at tuliro ngayon sa kwarto ko, nakatingin sa salamin na nakadikit sa dingding across my bed. It's 8:18am in the morning and I have to start preparing for my exam even though it's in the afternoon.

Mabagal ang kilos ko patungo sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili. Lumabas na ako pagkatapos at nagpunta ng kusina upang maghanap ng makakain. Sa aking paghahanap nakakita ako ng pancit canton, so I decided na iyon nalang at dagdagan ng boiled egg then isasangag ko ang tirang kanin sa rice cooker. Dahan dahan ang kilos ko sa pagluluto nang biglang may kumatok.

Bagot akong lumapit sa pintuan at binuksan nang hindi nakaharap sa taong nasa labas at tanging white robber shoes lang ang nakikita with matching tattered jeans. Hindi siya nagsalita kaya inangat ko ang mukha ko at nakita ang mukha ng isang lalaking bagong ligo na may hawak na mabangong kape ngunit isang gulat na mukha na nakatitig sakin at sa aking katawan?

"Uhm. Goodmorning Liss" iniwas ang tingin sa kanan at itinuloy ang sasabihin. "Coffee?" medyo namumula pa ang pisngi niya na nakaiwas ng tingin sakin at inabot ang coffee.

"Good morning too and thanks for the coffee" sabay abot ko sa Latte.Hindi ko alam kung papapasukin ko ba dahil eksaktong nagluluto palang ako ng almusal pero nahiya naman ako dahil may dala siyang kape.

Hindi ko na inintindi ang nangyari kagabi kaya pinapasok ko nalang. "Come in. Mag-almusal muna tayo" aya ko at binuksan ng maayos ang pintuan.

"O-okay" sagot niya na parang nahihiyang tumingin sakin. Hindi ko siya maintindihan kaya hinayaan ko nalang siyang pumasok at isara ang pinto para tingnan ang niluluto ko.

"Upo ka muna diyan Polly at malapit na ito maluto" sabi ko sabay baling sa pancit canton. Mabuti nalang napadami ang niluto ko at madami rin ang sinangag ko.

Tahimik siyang umupo at medyo napaubo pa. Parang may gusto siyang sabihin pero parang nahihiya siya.

"L-liss. A-ano k-aasi" umubo pa ulit.

"Do you usually not wear your bra?" he asked straight at yumuko.

Napalingon ako at muntikan nahulog ang sandok na ginagamit ko sa pagsangag. "A-ano?" sabay hawak ko sa harap.

"Shit!" isang malutong na mura ang nasabi ko at kumaripas ako ng takbo sa kwarto.

Oh-my-gosh. Nakakahiya ng sobra. At siya pa talaga nakakita. Parang kamatis na ang pisngi ko dahil sa naganap at parang ayaw ko ng lumabas dito. Kaya pala ganun nalang siya makatingin kanina at namumula ng sobra. Halata pala dahil sa loose t-shirt kong light pink. Wala na akong mukhang maihaharap nito sakanya.

Nagpatagal muna ako ng ilang minute at kumatok siya. "Uhm. Liss, kain na tayo" medyo mahina niyang sabi.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nag-ayos nalang ako ng sarili para hindi naman halata ang pagkapula ng mukha ko. Lumabas na ako at nagtungo sa dining.

"Let's eat?" firm kong salita at tumingin sakanya 'tsaka sa pagkain na inayos na niya. Nakakahiya naman at siya pa nag-ayos, bisita siya.

"I'm sorry. I did not see it for long, I just had a glimpse of it" paliwanag niya nang nakayuko. Napansin niya siguro ang awkward na atmosphere dito kaya siya na ang nagsalita.

"It's okay. Nasanay lang kasi ako na kapag nandito sa bahay ko ay ganito ako manamit. Sorry" paliwanag ko rin at tumingin sakanya na may ngiti ng konti sa aking labi.

MiraiWhere stories live. Discover now