PROLOGUE

20 4 0
                                    

Mirai

Nagsimula itong magpakita sakin noong 4th year high school ako, taong 2013 nang magsimula akong mawili sa social network at muntikan nang mapabayaan ang aking pag-aaral.

Isang beses sa isang lingo ko ito matanggap ngunit hindi ko ito pinapansin o binabasa. Nasa inbox ko lamang ito at nananatiling ganon hindi pa nababasa o nabubuksan man lang.

Ipinagpapatuloy ko na lamang ang aking buhay bilang isang high school dahil tatlong buwan nalang ay magtatapos na ako with high honors pa. Hindi man sa Top 3 pero nasa Top 7 ako. Tanging ito na lang ang maisusukli ko sa mga taong nagkupkop sakin, nagpakain, nagpaaral at nagtiyaga sakin hanggang ngayon.

Pinagpaplanuhan ko na ang magiging buhay kolehiyo ko. Bubukod ako sa kanila, tatanggap ng kaunting pera pero susubukan ko parin na magpart-time job para may extra akong pera sa mga gastusin para sa eskwelahan.

Lumipas ang Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Puso at ngayon ay ika-13 ng Marso taong 2013 ay kung saan ang araw na itinakda na nabasa ko sa mensahe kagabi,

'Magtatapos ka na at may karangalan ka pang matatanggap. Haharapin ang realidad sa labas bilang kolehiyo'.

Hindi ko nalang ito pinansin dahil wala namang masama doon sa sinabi. Natapos ang araw na iyon at sa sumunod na araw, buwan at taon ay wala na akong natanggap mula rito.

Hindi ko na ito binigyang pansin dahil abala ako sa pagtupad ng pangarap kong makapunta sa Japan, magtrabaho bilang artist at mamasyal na rin.

I am a struggling second year taking Bachelor of Fine Arts in Animation, Graphics and Web Design in Famous University dito sa Manila. Bumukod na ako and I'm staying at the apartment near the campus para hindi ganun ka-hassle kapag pumapasok sa eskwela at sa part-time job sa isang coffe shop.

Habang hawak ko ang aking brown bagpack at laptop sa kamay, nagmamadali na akong umuwi dahil alas-otso na ng gabi. Maybe he's angry because I said to him na sabay kami kakain dahil magluluto daw siya ng kare-kare. Hmmm. My favorite.

Mga walong minuto akong lakad-takbo nang makarating sa gate ng aming building. Sinalubong ako ng bati ni manong guard,

"Magandang gabi Lissana. Ginabi ka yata?".

Si manong na may katandaan na pero kumakayod para sa pamilya,

"Ayy, opo. May tinapos lang po sa library. Sige po akyat na ako."

Paalam ko at nagmadaling umakyat papuntang 3rd floor. Pagtapak ko palang sa huling step ay nakita ko na ang mukha niyang bagot na naghintay ng 2 oras dahil sa 6pm ang out ko eh ngayon lang ako umuwi. Nakahalukipkip siya habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng brown short niya.

"Sana nagsabi ka na late ka uuwi para hindi pa ako nagluto agad. Nilamig tuloy ang ulam" bungad niya sabay kuha ng laptop at bag ko.

"Pasensya ka na Ron. Busy lang ako sa research work namin na deadline na sa makalawa" paglambing ko sakanya nang nakakawit ang kamay sa braso niya.

Umigting ang kanyang panga na parang nagpipigil ng ngiti,

"Tara na nga sa loob, sigurado akong gutom ka na."

Habang kumakain kami sa dining area niya dito sa loob ng apartment niyang ang dilim kapag walang ilaw sapagkat napuno ng itim at gray ang dingding, napansin ko ang kumpol ng bulaklak sa ibabaw ng side table na nasa salas niya at isang kahon na kulay red.

Nagtaka ako, "Sino nagbigay sayo 'nun?" tanong ko sakanya at itinuro iyon.

"Kumain ka na nga", pag-iwas niya sa usapan.

MiraiМесто, где живут истории. Откройте их для себя