18. Familiar

2 0 0
                                    

Days.

Weeks.

And a month had passed.

"Miss na miss ko na siya" sabay buntong hininga.

"Grabe sis. Pang-ilan mo na yang sabi at buntong hininga" sabat naman ni Joanne habang nagpupunas sa mesa habang ako ay nakatayo lang sa harap ng counter.

Kaunti lang ang naging customer namin ngayon kaya parang nakakabagot. Excited pa naman ako sa bago kong recipe ng kape. Pinangalanan ko itong Future Latte. Simula nang mai-launch ang recipe kong ito ay may 10 nang umorder kaya nakakatuwa.

"Sorry sis. Miss ko lang talaga siya. Hindi pa naman kami nakakapag-usap ng dalawang araw dahil busy siya kaya heto ako nangungulila" at bumuntong hininga ulit ako. Eksaktong may pumasok kaya tinakpan ko agad ang bibig ko. Nakakahiya.

"I can feel your sighing as I enter you know" bungad ni Ram. Yung nursing student na suki ng café na ito.

Timing siya palagi na tumambay dito dahil ako ang nasa counter, kung hindi baka napalayas na siya dahil sa kasungitan niya.

"Suki" pabiro kong bungad sakanya.

After the first time he ordered here ay nagpatuloy at napadalas. Ngunit ngayon lang siya kumausap ng ganito sa akin. Laging ang pagsabi ng kanyang order lamang siya nagsasalita, no more no less.

"Tss" nag-smirk pa. "What's that?" he asked what was written on the small board beside the counter.

"It's my new recipe. Try it" sabay ngisi ng napakalapad para naman umorder siya. Sabi kasi ng boss namin na kapag nakakuha ako ng 100 customers in a month, gagawin niyang regular sa menu ang kape ko.

"Hmmm. A tall one at isang slice ng chiffon cake with java chips" he said. Binayaran tsaka nagtungo sa paborito niyang spot at nagbasa ng napaka kapal na libro nila. Nakakalula sa kapal.

"Thanks San" as I put his order in his table nang hindi nakatingin sa akin. At dahil sa sobrang kuryoso ko at sinilip ko ng kaunti ang binabasa niya ngunit hindi ko rin mabasa dahil maliit at wala akong suot na eyeglasses ngayon maski contacts.

"It's a book for Cardiologist" he said then tapped the chair beside him.

I sat down and he lend me his book. Kinuha ko siya at sinubukang tingnan at basahin, grabe at nakakadugo ng ilong at nakakatuyot ng brain cells.

"Grabe naman ito. Nursing ka ha pero pang-cardiologist ang inaaral mo. May natitira pa bang brain cells jan?" nakakunot pa ang noo ko at itinuro ang noo niya, pertaining to what's inside that.

"Ha! Not like you na drain na eh nagpipindot ka lang naman sa keyboard at nakatunganga sa monitor" at nang-asar pa ang loko.

Kiniliti ko nga siya tagiliran niya at napatayo pa siya bigla dahilan ng paglaglag ng eyeglass niya..... at nabasag pa.

Napasapo ako sa mukha ko sa kahihiyan. "I'm sorry Ram! Halla. Papalitan ko siya promise" nakayuko kong sabi at iniisip pano ko papalitan 'yon eh maski nga ako walang matinong eyeglass.

He grab my hand and lift my chin para mapatingin sakanya. "It's okay don't worry. I can change it but not anytime dahil kailanga ko siya in my everyday basis" he smiled to me just to make sure that he's not mad.

Relief.

"Pero nakakahiya naman sayo" I pouted.

"Don't pout. Geezz" he said in a low voice at tumingin sa ibang direksyon.

MiraiWhere stories live. Discover now