6. Another Encounter

8 3 0
                                    

Monday morning after the trip to Batanes ay kinalimutan ko nalang ang mga nangyari doon. O sadyang isinantabi ko nalang dahil maski si Ron ay ganoon din. Well, I'll just go with the flow. Ayoko namang masira ang friendship namin because of what happened there so I remained silent until now.

Sa sobrang tahimik ng buhay ko at boring ng klase ko ngayon sa isang subject that talks about the history of photography and videography 'coz I'm not interested in objective types, I want hands-on kaya't yumuko nalang ako at sabay takip ng ulo gamit ang libro. Bago ako pumunta sa kalawakan ay tinignan ko muna ang aking relo, isang oras pang pakikipagsapalaran sa antok nito. Magiging bad student muna ako ngayon.

Siguro trenta minutos akong nakaidlip nang biglang kalabitin ako ng katabi kong lalaki na medyo mahaba ang buhok na parang may bangs pa at may kung anong nakalagay sa noo na 'emo ako'. Umangat ang ulo ko kasabay ng pagtama ng stick ni Ma'am sa batok ko at sinabing,

"Miss de Valencia, kindly explain to me the importance of having you here in my class while you were sleeping?"

Pinanliitan niya ako ng mata at tumangis ang bagang at aambang ihahampas pa sakin ang stick na hawak niya nang biglang may pumasok ang secretary ng student council.

"Excuse me Ma'am, meeting po for the school festival. All department heads and faculty staffs are needed"

"Well, dahil may meeting ako. Class dismiss" tumingin siya sa klase at sa akin.

"And you Miss de Valencia, you need to go to my office after your class today" pagkasabi niya 'non na kay talim ng matang nakatingin sa sakin.

Nakoo. Patay ako nito. 'Yan nalang nasabi ko sa sarili ko sabay sapo sa noo ko. Hindi ko na pinansin ang mga kaklase kong nagmamadaling makalabas ng room dahil eksaktong lunch break na.

Inuntog ko nalang ang ulo ko sa mesa ko. Hindi ko agad napansin na may tao pala sa likod na tumatawa ng bahagya. Umangat ang ulo ko sabay tingin sakanya sa aking likuran.

"So tatawa ka nalang 'jan?"

"Ano ba ang nangyari sayo at mukha kang tanga 'jan ha?" bulalas ng best friend kong tukmol habang tumatawa. Aba't binatukan ko kaya napatigil siya sa pagtawa niya.

"Tara na nga at kumain" yaya ko sakanya at sumunod siyang sapo ang parteng binatukan ko.

Nasa canteen kami ngayon ni Ron at naghahanap ng mauupuan. Sa paglinga-linga niya nakakakita na siya ng pang-apatan. Lumapit na kami doon at sinabi ko nalang sakanya ang kakainin ko.

"Meat at gulay nalang sakin Ron, pineapple juice at extra rice".

Umalis na siya at kasabay namang pagbukas ko ng laptop ko upang simulan ang pag-gawa ng composition para sa iaanimate ko.

Even in compositing is another path to take to become compositing artist. Bale maghahanap kami ng novelist na gumagawa ng sci-fi genre to make their work a simple clip to show how the words turns into animated one.

Napakahirap ko pang maghanap ng writer or novelist. Kung kani-kanino ako nagtanong kung may kakilala sila.

At dahil sa kaibigan kong crew sa isang coffee shop, si Joanne ay may nabanggit siya, si Mr. Paulo Maxius Phillips, a writer of most best-seller fiction and romance books in America that has been publicized year ago and now he is in the Philippines to take a break and continue his study of Architecture. At binalita pa niyang doon siya sa university kung saan ako nag-aaral.

Aba at napakaraming alam ng babaeng ito sa taong iyon ha. Sinabi pa niyang bata pa siya at gwapo raw. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Nabalik ako sa harap ng laptop ng biglang dumating na ang order ko, dala ang isang tray na may lamang pineapple juice at softdrinks, meat at gulay with extra rice at ang tanging kakainin niya lang ay isang order ng kanin at sisig.

MiraiWhere stories live. Discover now