15. Dream Catcher

1 0 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko nalang siyang gawin ito. Hindi ito bago dahil sa nangyari sa Batanes ngunit may kakaiba… ang pakiramdam!

Bigla nalang siyang tumigil at tumayo, hawak ang labi sabay iwas ng tingin sakin. Marahil sa dulot ng alak ay parang wala akong nararamdamang hiya sa nangyari. Nais ko lang may mapatunayan.

“S-sorry Liss! I’m sorry! Hindi ko dapat pinatulan ang ginawa mo!” sambit niya at tuluyan nang umalis sa harap ko.

Marahil umalis na din siya sa apartment ko dahil sa narinig kong kalabog sa pintuan. Napahawak ako sa bibig ko at sinambit ang,
“Hindi nga sakanya” bago ako nakatulog dahil sa kalasingan.

Mabuti nalang at weekends ngayon kaya ayos lang na nagpakalasing ako. Hawak ko ang ulo ko nang palabas ako sa kwarto ko para uminom ng tubig. Bibisitahin ko ngayon si Ron sa hospital at babantayan siya hanggang linggo. Miss ko na ang best friend ko at parang gusto ko ng umamin sakanya sa natuklasan ko.

“Ron! Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko agad nang makarating sa hospital room niya.

Sinalubong niya ako ng tipid na ngiti sa likod ng halos buto’t balat niyang katawan at ang kulay niyang halos pale na pale na. Matagal na pala siyang nagdurusa sa sakit niya na halos hindi ko napapansin dahil busy ako sa pagdaramdam tungkol sa sakit niya. Malapit na din matapos na ang semester ngayon at graduating na siya next semester ngunit hindi na niya itutuloy dahil sa sessions niya.


Nalulungkot ako dahil mukhang hindi na niya matutupad ang mga pangarap niya ngunit mas importante pa ang pagpapagaling niya.
Niyakap ko siya at halos bumagsak nanaman ang mga luha sa aking mga mata.

“Iiyak ka nanaman San? Please naman oh, wag..” mahinang sambit niya sa akin habang yakap ko siya.

Ako ang nahihirapan sakanya kaya hangga’t maaari ay huwag kong ipakita nag kahinaan sa harap niya, ngunit ang makita ang kalagayan niya ang lumalambot ang aking puso.
Pinunasan niya gamit ang kamay niyang may suwero ang aking luha.

“Ako na, baka mapano ka” sabi ko at inilayo ng dahan-dahan ang kanyang kamay.

“Naalala mo noong mga bata pa tayo..”
Panimula niya.

“Noong may kinukuha ka sa puno sa palaruan malapit sa bahay ngunit hindi mo maabot, inakyat mo siya kaya tinatawag kitang bumaba dahil delikado. Hindi mo ako pinansin at pilit na inaabot iyon ngunit bigla kang nadulas at nalaglag ka ngunit nasalo kita kaya hindi ka napano”.

“Pero ikaw, muntikan mabali ang buto mo dahil tumama ang braso mo sa isang troso sa gilid” tuloy ko habang naghihiwa ng mansanas.

“Guilting-guilty ako noon dahil sa akin nahospital ka” malungkot kong sabi.
Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko, na siya lang ang gumagawa non.

“Alam mo… ganyang-ganyan ang mukha mo noon” mahina niyang sambit.

“Ngunit hindi kita sinisi kailanman dahil alam ko nailigtas kita. Mas sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo.. kaya huwag kang maa-alala, sa sakit kong ito ngayon, hindi ikaw ang may kasalanan. Dahil ito ang aking kapalaran” nakangiti ngunit alam kong malungkot siya sa binanggit niyang iyon.

Para bang alam na niya ang kahahantungan ng lahat. Hindi ko pa tanggap! Kahit kailan ay hindi ko matatanggap!
Ngumiti lang ako ng peke sakanya at isinubo ang mansanas. “Kumain ka ng prutas para lumakas ka ha” sabi ko habang titig pa siya sa akin.

Alam kong alam niya na may mali sa akin ngunit hindi ko pa kayang aminin sakanya kahit sinabi ko na sa sarili ko na sasabihin ko iyon sakanya. Bagay na sa simula ay hindi ko inaasahan na darating dahil hindi ko siya hinintay.

MiraiWhere stories live. Discover now