16. Self

2 2 0
                                    

Nais ko siyang sundan ngunit parang ayaw ng mga paa ko. Oo, may kakaiba ngunit natatakot ako… Natatakot ako sa susunod na mangyayari. Napakadami ko ng problema dadagdag pa siya.

Polly smiled awkwardly to me before talking. “Sundan mo siya baka may mangyari sakanyang masama Liss”.

“Pero-“ he stopped me.

“Please? Ayokong mapahamak ang kambal ko dahil kapag nangyari ‘yun hindi ko mapapatawad ang sarili ko” pagsusumamo niya.


Life is unpredictable. But life decisions can be changed before finally deciding unto. Maybe that’s what those messages want me to understand. Dahil sa pagkakataong maaari mong baguhin ang iyong tadhana dapat ay baguhin mo ito. Ngunit paano kung may kapalit? Worth it ba ito?



“Gab sandali!” tawag ko sakanya bago siya pumasok sa sasakyan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago humarap sakin nang malungkot ang mga mata at nakakuyom ang mga kamay. Kita ko sa mga mata niya ang pagod at hirap at…. pangungulila? Alam ko namang maging siya ay nahihirapan at napapagod nang maghintay sa akin ngunit heto ako, binigyan siya ng dahilan para tumigil na at bitawan nalang ako basta.

“Lissana, I’m sorry! I know nagkamali ako pero gusto ko lang naman sanang magpaliwanag. Ngunit sa nakita ko ay hindi na ata kailangan. Nagdesisyon ka na at rerespetuhin ko ‘yon” mahinahon niyang sabi. Na bago sa aking pandinig. Kilala ko siya bilang galit parati at akala mo kaaway ang lahat.

Yumuko ako. Hindi alam ang sasabihin. Tumagal ng ilang minuto ang katahimikan kaya narinig ko nalang ang tunog ng sasakyan niya, hudyat na aalis na siya. Ngunit bago ‘yon, nagsalita siya sa huling pagkakataon.


“You know what?! Ngayon ang alis ko papuntang amerika para sa exchange student. Yeah! Ako ang pupunta dahil nahospital si Buenavista pero heto ako, iiwan ang pangarap para magpaliwanag sa iyo ngunit napakasakit naman ng pabaon mo” masakit niyang sabi.

“I’m a graduating student Lissana. Aalis na ako dito sa university pero ang gusto ko ay makamit ko din ang isa ko pang pangarap... Ang ako naman. Ako naman ang tingnan mo… Ang makasama mo.. Ang piliin mo.. Hanggang sa huling araw na nandito pa ako” tuloy niya.

“Sa huling pagkikita nating ito Lissana, I want you to know that I love you and it will never fade even years will pass. Maybe one day, I’ll come back for you and claim you if Max didn’t make you happy anymore. I promise you that” huling mga kataga niya bago ko makita ang mga butil ng luha na naglandas sa kanyang mga pisngi.


Tumalikod siya at pinahid iyon bago pumasok ng tuluyan sa sasakyan niya at pinaandar iyon ng hindi ako nililingon. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita at sabihin ang mga nais kong sabihin at kung ano ang tunay kong nararamdaman para sakanya. Handa na akong sumugal pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon pa kaya para saan pa ang pagsasakripisyo ko?


Tanggap ko na. Maiiwan nanaman ako, pero alam kong ito ang tamang desisyon ko dahil ayokong magsisi sa huli. Kailangan kong mamili kahit hindi ako pinapapili. Kailangan ko si Ron dahil siya ay sobrang mahalaga sa akin kahit aminin ko na sa buong mundo na kay Gabriel Brylle Phillips tumitibok ang hangal kong puso.







“Sis, sabay na tayo?” Joanne asked me while packing her things.

“A-ah… Dala ko ang motor ko Jo.. Gusto mo sumabay?” biglang singit naman ni Justin, yung isang service crew dito.

Sabay kaming napalingon sakanya. “I thought nakauwi ka na?” balik niynag tanong dito at sinamantala ko ‘yon para kuhanin na din ang mga gamit ko.

MiraiWhere stories live. Discover now