21. Letters

2 1 0
                                    


"Good morning Mommy! Good morning Daddy!" masayang bati ng anak ko habang papalapit sa amin.

We kissed him nang makalapit siya sa amin dito sa sala. "Ate Yen, pakihanda na po ang agahan" bilin ko.

"How's your sleep baby?" malambing kong tanong kay Lucky habang nagkukusot ng mata.

"Mommy may panaginip ako. There's this girl who looked so much like you gave me a letter. She's a lot younger than you and she's also nice. Then I opened the letter she gave me" kwento ni Lucky.

Tinitigan niya ako ng mabuti. Nangamba ako sa titig niyang iyon. "And then baby? Anong nakasulat sa letter?" malambing kong tanong.

Nag isip siya ng malalim tsaka binanggit ang mga katagang, "He's coming for him Liss. Run!"

Napatigil ako sa sinabi ng anak ko. Kusa na lamang tumulo ang luha ko at yinakap ko ng mahigpit ang anak ko. Humihikbi na ako nang lumapit si Ram hawak ang newspaper na kinuha niya sa labas kasama ang puting envelop.

"Letter from the institution" he said. Binuksan niya ito at binasa.

Bigla na lamang siyang nagulat. "He escaped."

"Mommy, sino siya? Sinong he?" nagtatakang tanong ni Lucky.

Napatingin ako agad sa inosenteng batang ito na maaaring mapahamak. "H-ha?"

"A-ano, wala lang yan anak. Huwag mo ng isipin at kumain na muna tayo" aya ko sakanila ni Ram. Sinenyasan ko siyang mamaya nalang namin yun pag usapan.

The breakfast went so quiet. Hindi ako matahimik sa kinuwento ng anak ko at nalaman. Matapos ang ilang taon ay biglang guguluhin niya ang buhay ko? Napakasama niya talagang tao.



"Relax baby" malambing na sabi ni Ram as he made a chamomile tea for me. Humarap ako sakanya at napakunot ang noo, "I thought you're off duty?."

"Akala ko rin but the hospital called me, may nangyari sa pasyente ko atsaka nagkasakit yung kapalitan ko. Sorry".

"It's okay. Mag ingat ka ha. I love you" then he kissed me. "I love you too. Ako na maghahatid kay Lucky sa school niya".

"Okay. Ako na lang magsusundo sakanya besides 3 hours lang naman yun"

"Sure? Okay ka lang ba?" pag-aalala niya.

"Oo naman. I'll take care of him" niyakap ko siya bago siya umalis.


--


After I dropped Lucky sa kanyang eskwelahan ay dumaan na rin ako sa Mirai Café para tingnan at kamustahin sila.

"Madame!" maligayang bati ni Rex.

Lumabas din kaagad si Joanne sa kitchen upang batiin ako. "Madame Liss, bakit ngayon ka lang nakabisita. Ayan tuloy luge na tayo" pabirong sambit niya.

"Funny. I just read your last month report, still okay" sabay ngisi ko naman.

"Rex" tawag ni Joanne at tumango ang isa. Tila alam na ang gagawin.

"Kamusta ka na?" tipid niyang tanong at ngiti sakin nang makaupo kami.

"Still fighting para kay Lucky and Ram" I replied.

"Ang bilis ng panahon no madame, next year 5 yrs old na ang inaanak ko. Nakoo, lalaking matipuno at gwapo yan kagaya ni Sir Ram" masigla niyang puna.

Hindi ako nagdalawang isip na tumango at ngumiti, dahil simula't sapol si Ram ang tinuring niyang ama at sakanya nakapangalan ang bata. Hindi niya ito pinagkaitan ng karapatang magkaroon ng buong pamilya at masayang kabataan. Kaya hangga't maaari ay poprotektahan ko siya sa masamang taong iyon.

MiraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon