5. His Side

8 3 0
                                    

Lagi akong naghahanap ng pagkaka-abalahan sa buhay. Parang wala ng saysay ang buhay ko. Parang masyado ng mabigat itong nararamdaman ko at wala akong mapagsabihan.

Sana makita ko na ulit siya. Yung babaeng iyakin pero pinangiti ako sa simpleng mukha niyang iyon. Nasaan na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako?

Kararating ko lang galing sa café dahil natagalan ako sa pagbasa nung novel, paguwi ko wala parin si Dad. Maybe he's busy with the company.

I just quietly lying on my bed and suddenly I remembered something. Tumayo ako at nagpunta sa cabinet. Hinalungkat ko ang mga bagay na matagal ko ng kinalimutan. Magmula ng mamatay si mama ay nilimot ko na lahat. Binaon ko na rin sa limot ang isang taong nagpapaalala sakin na wala talagang pakialam sakin si mama. Kasama rin siya. Ngunit hindi ko alam bakit biglang pumasok ang imahe niya sa isipan ko. Ang maamong mukha. Ang maliit na mata at medyo hindi katangusang ilong at mapulang labi na sinabi pa niyang papakasalan niya ako kapag nagkita kami sa hinaharap.

Kailan kaya 'yun mangyayari? 10 years old palang ako noon at siya ay sa tanda ko ay mas bata siya sakin ng isa o dalawang taon.

Sa paghahanap ko at nakita ko na, ang bagay na meron kaming dalawa...

Litrato naming kuha noong hapong naglalaro sa palaruan sa tapat ng eskwelahan namin. Lihim lamang iyon na kinunan ng driver ko na nandoon din at hinihintay ako para umuwi. Lagi ko siyang nakikita sa palaruang iyon, minsan mag isa at kadalasan kasama iyong kaklase kong may eyeglass kaya noong minsang napadaan ako doon at walang kalaro ay nilapitan ko siya. Tinanong ko kung bakit siya mag isa ngunit bigla nalang siya umiyak at biglang may dumating na batang lalaki na naka-eyeglass na sa pagkakaalala ko ay kaklase ko pala. Hinatak niya ang kamay nung bata habang siya ay umiiyak at umalis na. Napakaikli ng panahon na nakasama ko siya at nakalaro kaya nalungkot ako nang bigla nalang siyang nawala sa eskwelahan maging ang kaibigan niyang lalaki.

Marahil ay hindi na niya ako maalala dahil sa halos dalawang taon na magkasama kami sa palaruan at kasamang naglalaro kahit na pinapaalis ako ng kaibigan niyang lalaki. Tumungtong ako ng highschool nang hindi ko na siya nakitang muli dahil hindi ko na rin kaklase iyong kaibigan niya na kaedad ko lang.

I remember myself telling that I'll court her when the time comes. Wala na akong balita sakanya hanggang ngayon. I think college na rin siya ngayon kagaya ko.

Kamusta na kaya siya?

Sa pagmumuni-muni ko ay nakarinig ako ng pagbukas-sara ng pintuan sa kabilang kwarto. So, bumalik na siya? Tama nga ang sinabi ni dad na uuwi na siya here with his grandmother.

Ilang minuto lang may kumatok,

"Pasok" I lazily answered.

"Hello, Kuya. I'm back. Fresh from States. How are you?" masayang bungad niya sakin habang nakaupo ako sa kama at tinitingnan parin ang litrato.

"The same" tipid kong sagot habang inaayos ang mga kahon na hinalungkat ko dahil palapit siya sakin.

"Cold ka parin sakin?" tanong niya sabay tingin sa mga album na inaayos ko.

"Kuya, hindi ka parin ba makalimot? It's been years. I thought you'd forgotten all of those nightmares from our past."

"Ever since, I wanted to forget them but it's been hunting me. Nakahanap ako ng pagkakaabalahan ko but now that you're back? I don't think I can move on whenever I see your face. The same face of hers" bitaw ko sabay tulak sakanya palabas ng kwarto ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kakambal ko, na kamukha ni Mommy, na ako pa ang dahilan ng pagkamatay niya. Dahil sinaktan ko ang paborito niyang anak. Hindi ko matanggap iyon kaya nagwala ako at nagkulong sa kwarto. Gabi na noon pero hindi pa umuuwi ang kambal ko, nag-aalala na si Mommy at sinabing,

MiraiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon