4. Escapade

7 2 0
                                    

Ang weird ni Xyron at may Batanes pa siyang nalalaman pero sabagay, weird talaga siya. Malapit na ang finals ay naisipan pang magliwaliw muna bago pumasok ang Disyembre para sa finals at Foundtion week.

Kahit napakalayo ng lugar na iyon sa Norte ay gusto kong pumunta dahil malamig ang klema at maganda ang tanawin. Hiling ko sakanya iyon noong nakaraang pasko.

Doon mo mararanasan ang tahimik at matiwasay na pamumuhay. Iyong simple lang, walang problema at babangon tuwing umaga na positibo ang pananaw.

Dadalawin namin si Tita Lucy ngayon at para na din magpaalam sa trip to Batanes namin ni Xyron.

"Hi Tita" salubong ko kay Tita Lucy pagpasok namin ng boutique niya. They own several branches of this boutique in different places.

"Hello, Iha. Kamusta ka na? Hindi ka na nadalaw sa bahay ha. Miss na kita" sabay yakap niya sakin.

Ang bait bait talaga ni Tita Lucy at ang ganda pa. Ang swerte ni Xyron at may nanay siya na inaalagaan siya at nagmamahal at sumusuporta sa mga gusto niya sa buhay.

Naging mabilis ang aming bisita at nakapamili pa ng mga bagong damit para sa lugar na pupuntahan namin bukas, Saturday. Mabuti na at nakapaalam na ako sa manager ko sa coffee shop at pinayagan akong umabsent ng dalawang araw.

"Naku. Nakahingi ka nanaman ng kung ano kay mama" sabi ni Ron at ginulo ang buhok ko.

"Ano ka ba. Okay lang 'yun no, love naman ako ni Tita Lucy" sagot ko ng malapad ang ngiti habang inaayos ang buhok ko.

Pinanliitan ko nalang siya ng mata habang hawak ang tatlong paper bag na ang mga laman ay bagong bigay na damit sakin. May pang Batanes na ako, malamig pa naman doon.

Umuwi nalang kami agad ni Xyron at nagpasyang siya ang magluto ng hapunan at mag-impake na dahil 5am kami tutulak pa-norte.

Sigh. Sabay salampak sa kama. Ramdam na ramdam ko ang pagod ngayong araw. Tapos may trip pa kami ni Xyron bukas and for sure mapapagod nanaman ako. Mabuti nalang at mag-eeroplano kami papunta doon para hindi rin siya mapagod sa pagmamaneho kung sakali.

Tapos na kaming kumain at dumiretso nga ako dito sa apartment ko para sana mag-impake na ngunit napasarap ang higa ko rito at nag-isip lang. Sa pagiisip ko ng malalim napatingin ako sa cabinet ko na puno ng mga kahon na hindi ko alam ang laman. Lumapit ako at isa-isang binuksan iyon. Ilan ay laman ang mga lumang libro at gamit ko 'nung kabataan ko.

Noong mga panahong may kasama pa ako. Napasinghap nalang ako ng maalala ang trahedyang iyon sa buhay ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din yata tanggap ang mga nangyari.

Sa paghahalungkat ko, napansin ko ang isang napakaliit na kahon na lumang luma na dahil sa alikabok at kakupasan ng kulay pero halata ko parin ang disenyo na dinikitan ng mga stickers na anime.

Pagbukas ko nakita ko ang isang papel at isang keychain na dream catcher. Doon nanumbalik ang mga alaala ko noong musmos palang ako. Noong nagtatatakbo ako para hanapin si mama dis-oras ng gabi, noong umiiyak ako sa playground, noong nakilala ko siya.

Nasaan na kaya siya. Hindi ko na maalala ang pangalan niya pero isang pangyayari ang hinding-hindi ko makakalimutan.

"Eto ohh, sayo nalang tong keychain na to. Parehas tayo. Para di mo ako malimutan hanggang sa pagtanda mo."

"Oo naman. Papakasalan pa kita" sabay tawa ko.

Hinawakan niya ang ulo ko,"Ikaw talaga".

Nakatingin kami sa kalangitan at biglang may shooting star na dumaan.

"Shooting star" sabay naming sabi at nagkatinginan pa. "Tara wish tayo" sabi niya.

MiraiWhere stories live. Discover now