1. Accidentally

11 3 0
                                    

"San tara kain" yaya ng bestfriend ko. Kakatapos lang ng klase at nasa pintuan siya ng classroom ko nagsasalita habang ang mga kaklase kong babae halos mabale ang leeg sa kakatingin sa labas.

"May gagawin ako Ron ikaw nalang" sabi ko sabay salpak ng headset at nunuod nalang ako ng Tokyo Ghoul Season 3. Talk about addiction.

"Hay naku. Anime nanaman. Nalilipasan ka na nga ng gutom at kulang sa tulog anime padin? Ano bang meron diyan?" sabay agaw sakin ng cellphone ko.

"Mang-sesermon ka na nga aagawin mo pa yan?" nakikipag-agawan na ako sa cellphone ko. Nako pag 'to nasira. Magbabayad ka. Ayan na nga lang ang natatanging cellphone ko eh masisira pa, at next month pa ang sahod ko sa café kung sakali.

"Kahit na mas matangkad ka kaysa sakin ginaganyan mo na ako" sigaw ko sakanya kasi tumakbo na siya palabas ng building.

Hinabol ko pa siya kahit gulong naka-bun lang ang buhok ko at suot ko pa ang eyeglass ko, because I don't usually use my glasses outside the room, mukha tuloy akong nerd kung hindi lang ako naka-mom jeans at pink tops at white robber shoes.

"Hoy! Xyron! Humanda ka sakin kapag naabutan kita" sabay habol ko sakanya nang palabas na ako ng gate.

"Ouch!" may nabunggo akong matigas.

Pader ata 'yun. Natumba pa ako at napaupoZ Pagtingin ko sa taas. Isang mukhang puno ng itim na aura.

"Bwisit na babaeng yan" sabi niya ng 'di kalakasan at lalampasan na sana ako.

"Aba, siya pa galit" sagot ko sakanya.

Sabay tingin sakin, "Pinagsasabi mo diyan?".

"Di ka man lang ba magsosorry? Nabunggo ata kita diba?" pagtataray ko.

"Eh 'di ikaw magsorry ikaw pala nakabunggo sakin eh" pilosopo niyang sagot at nagwalkout.

Sabay suklay ng buhok gamit ang mga daliri sa kamay dahilan kung paano ko nakita ang isang peklat sa noo niya. Pamilyar para sakin 'yun ah. Pero hindi ko alintana dahil sa sakit ng balakang ko. Aba may gana pang mangwalkout.

"Makaapak ka sana ng tae. hmp" sigaw ko sabay irap.

Ayan tuloy hindi ko na alam kung nasaan 'yung unggoy na tumangay ng gadget ko. Ipapage ko kaya sa council para siya mapahiya. Dahil sa sakit ng balakang ko ay pumunta nalang ako sa clinic para magpahinga. Bahala si Xyron na maghanap sakin. Papasok na sana ako ng clinic ng biglang may humila sa palapulsuhan ko at hinarap ako sakanya.

"Anong nangyari sa balakang mo?" tanong niya habang tinitingnan ang pagkakahawak ko sa balakang ko at bandang likuran ko.

"Wala. Nakaapak ako ng balat ng saging sa sahig dahil may unggoy na nagtapon" sagot ko at iniwan siya dun nakatayo habang kunot ang noo.

But then hindi bumenta sakanya at kinurot ang tagiliran ko so inexplain ko nalang sakanya, detailed, ang kamalasang nangyari sakin kanina at ang engkwentro ko sa kapreng iyon. But he's kinda familiar to me. Saan ko nga ba siya nakita. Hmmmm....

"Sorry Lissana. Hindi ko naman aakalaing lampa ka at maaksidente ka pa" aba masapok nga 'tong ugok na 'to.

"Atsaka hindi ko napansin 'yang outfit mo ha. May lakad ka?" puna niya sa suot ko ng naka-smirk imbes na sa nangyari sakin dahil sakanya. Loko to ah!

"Wow ha. Thanks for the concern Xyron Louis. Pero wala akong lakad at anong mali sa suot ko aber?" pinamaywangan ko siya.

"Wala naman" at iniba ang tingin. Siya pa ang maya gana ha.

"Halika na nga at samahan mo ako sa clinic. Masakit talaga eh" sabay hawak ko sa balakang ko. Mukhang hindi ako makakupo ng maayos nito.

After that incident ay pinahintulutan na akong pauwiin ng school nurse. Sinamahan naman ako ni Xyron, siguro guilty kasi siya ang dahilan nito. Pinahintulutan pa ako ng nurse na kahit hindi muna ako pumasok ng dalawang araw para maipahinga ko talaga. Nice. Rest day means anime day.

Mabilis lumipas ang dalawang araw na pahinga sa school at work. Thankful that my manager is understanding.

Medyo bagot pa ako ngayong pumasok dahil biyernes at half day lang ang klase ko. Gusto ko sanang umabsent nalang ngunit sobra na at baka may importanteng announcement kaya pinulot ko nalang ang bagpack ko at laptop na nasa malaking sling bag na para lamang doon at lumabas na ng apartment ko. Sakto namang paglabas rin ni Xyron sa apartment niya.

"Susunduin na sana kita sa loob eh" bungad niya sakin at dinala ang mag bag ko.

"Ayos lang kaya ko naman na maglakad" pakita ko sakanya at inunahan siya sa elevator.

Tahimik lang kami habang naglalakad papuntang campus, hinatid pa nga niya ako sa room ko sa second floor kahit siya ay sa 4th floor pa nitong building namin. Dinala pa niya sa upuan ko ang mga gamit ko.

"Salamat Ron, nag abala ka pang ihatid ako sa upuan ko" ngiti ko ng pilit.

Napansin ko kasi noong nakaraang araw na nag-iba ata ang pakikitungo niya sa akin. Naging sweet siya na parang mag bf-gf kami. Siguro ay guilty sa nangyari sakin.

"San, halika dito at umupo ka lang ipagluluto kita" utos niya pero malumanay ang pagkakasabi.

Hindi niya ako pinagalaw pagkauwi namin galing sa clinic. Hinayaan niya lang akong nakaupo at nanuod sa sala. Kapag mangtatangka akong tatayo ay lalapit siya at aalalayan ako tatanungin kung saan ako pupunta.

Hindi ako sanay sa ganitong ugali ni Xyron. Masyadong may malisya pagdating sakin. Kaya hinayaan ko nalang siya kasi buhay prinsesa ako.

Dumating na ang instructor namin at nagsimula nanaman makipagbuno at magsunog ng kilay. Syempre incoming third year na ako at mine-maintain ko ang pagiging Dean's List so kailangan galingan para kapag nakapagtapos ako ay makakahanap agad ako ng trabaho, balita ko madaming animators at artist ang kailangan ng mga kumpanya ngayon to build up the economy in terms of technology.

Nag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Umalis na agad ang aming teacher at sumabay na ang ibang kaklase ko. Before I left the room, I removed my glasses and fixed the crumpled hem part of my simple v-neck t-shirt. I forgot to mention that I am fond of v-neck shirts. Just simplicity and beauty. I hang my bag back and immediately pick my laptop pero biglang may isang braso ni Adonis ang nauna roon at dinampot agad. I can see his veins flexes when he picked it at dire-diretsong lumabas ng room.

Who is he anyway?

Agad ko siyang sinundan palabas ng room at medyo kumirot pa ang balakang ko but I endured the pain.

Naabutan ko siya sa entrance ng building, "Hey mister. That's my belongings. Why'd you suddenly picked it and tried to escape? Are you a thief?" sunod sunod kong tanong.

Nakatalikod siya pero kita ko ang pag hingal niya. Aba mabuti naman at napagod ka pero sana lumingon ka kapag kinakausap ka. Unti-unti siyang humarap at kita ko ang pagkunot ng noo niya pinipilit sabihin ang gustong sabihin habang hawak ang isang batok. Hindi ko alam kung ang mukhang iyon ay parang guilty o ano.

"Miss, I'm sorry!" iyon lang ang nasabi niya at yumuko na.

"Ikaw. Ikaw 'yung lalaking kapre na sumagi sa akin at hindi man lang nagsorry" palapit ako sakanya at handa ng susuntukin siya.

"At balak mo pang nakawin 'yan?" turo ko sa laptop ko.

Pansin ko ang pagdami ng tao sa paligid dahil sa paglakas ng boses ko. "Look. I'm here to help you because I heard that you hurt your hips and you didn't came to your work because of that, because of me" paliwanag niya ng maayos.

"Talaga?" medyo nanlambot ata ako sa ekspresyon ng mukha niya. Mukha naman siyang sincere at sa tigtig niyang iyon ay kita ko ang pagkislap ng mata niya, ang matangos niyang ilong at manipis na bibig. Ano ka ba Lissana, 'yan talaga? Suway ko sa sarili ko because I realize that I'm checking out this guy in front of me.

Hindi ko na naitanong paano niya alam kung saan ako nagtatrabaho dahil naputol ang eksena sa pagdating ni Ron at sa paghigit niya sa palapulsuhan ko. Galit ang mukha na parang gustong manuntok anytime.

Inagaw ang laptop sa lalaki at tuluyang umalis habang hila niya ako. Ibinaling ko nalang ang ulo sa kanya at nakita kong ngumiti nalang ng pilit sa akin. I smiled back and mouthed thank you. I didn't know what was that for?

MiraiOnde histórias criam vida. Descubra agora