Blog Two: Tissue Paper

3.6K 141 31
                                    

Blog Two: Tissue Paper

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa buong paligid.

Oh. MG. Why so dilim outside!?

Bukod sa ilaw ng homeroom namin ay iilang dim lights na lang ang nakabukas from the outside. OMG. It’s this late na?

Napasandal ako sa upuan habang tinititigan ang laptop ko. Leche. Kung bakit naman kasi sabog-sabog pa ang mga pinagsusulat ko kanina eh. Kung matino lang sana ang mga pinagsusulat ko, hindi iyon ibabalik ng professor kong kulay cabbage ang buhok at ipapa-revise. I mean, ang ganda ko, right? So bakit sabog ang literary piece ko kanina? Oh, right. Wala akong inspiration. Right. Hindi kinaya ng ganda ko ang writer’s block ko. So wala akong choice kundi mag-overtime para tapusin ang literary piece na ito dito sa school dahil dito lang puwedeng mag-submit because of the network na nakakabit sa system ng school. At dahil maganda ako, natapos ko rin. Of course.

Pero… leche. I shifted uncomfortably in my seat. OMG.

Bakit ngayon pa!?

I shouldn’t have eaten that giant pizza. Napaka-BI talaga ni Chrysanthemum. Nakatatlong milk shakes pa ako. Imagine, pinagsiksikan ko ang lahat ng mga iyon sa tiyan kong merong bewang na size 24? No wonder gusto nang mag-sayonara ng mga kinain ko kasi hindi na sila kasya sa tiyan ko.

Tumingin ako sa paligid.

Okay, so tapos na rin lang naman ako, sa bahay na lang ako… ugh, shit. I shifted uncomfortably again. Mukhang hindi ko na aabutan ang bahay namin nang hindi nagkakalat sa suot kong T-back.

Hinawakan ko ang tiyan ko at agad na ini-lock ang laptop ko. Leche, ‘di ko na talaga kaya.

Lumipad papalabas from our homeroom. Madilim, pero pakialam ko ba sa dilim eh malapit nang dumilim ang kulay ng T-back kong kulay white? I need to go to the inidoro ora mismo!

I sprinted to the nearest restroom kahit na ilang beses akong nadapa, natisod, at nakipagbeso-beso sa sahig dahil nga madilim. Noong sa wakas ay nakarating na ako sa paraiso na pupuntahan ng mga magsa-sayonara from my tiyan, I didn’t bother turning on the lights. Agad akong dumiretso sa cubicle at ini-lock ang pintuan.

Hinubad ko ang skirt at T-back kong kulay white bago pa sila maging taga-salo ng mga rebeldeng gustong lisanin ang aking tiyan at agad na umupo sa trono.

Parang waterfalls ang peg ng mga rebelde ng tiyan ko, pero noong nagsialisan na sila, feeling ko eh nailabas ko lahat ng sama ng loob ko ngayong araw na ito. Abot-tenga pa my smile habang naghuhugas. Mabuti na lang at may tubig at liquid soap sa loob ng cubicle, pero nag-fly away from my face ang ngiti ko noong nakita kong walang tissue.

Kumurap ako. Walang… tissue.

Paano ko pupunasan ang puwet ko nito!?

Okay, okay. Calm down. Puwede naman sigurong…

Bumukas ang ilaw ng CR at may bumukas ng kabilang cubicle. Kumurap ako ulit. OMG! See? See!? May tao! I’m saved.

“Hi!” masiglang sabi ko. “May tissue ba diyan sa cubicle mo?”

Walang sumagot, pero somebody grunted. Oops, mukhang masungit si Ate. May buwanang-dalaw yata.

“Puwedeng makahingi ng tissue?” masiglang tanong ko. “Wala kasing tissue here eh… you know, I just pooped and washed my assets, so… alam mo na. I’m wet and—”

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may roll ng tissueng nahulog sa ulunan ko papunta sa sahig.

OMG! Tissue! So medyo nice pa rin naman pala si Ate kahit may buwanag-dalaw siya.

Blog GirlWhere stories live. Discover now