Blog Forty Six: Dream

2.6K 147 32
                                    

Blog Forty Six: Dream

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Ikaw kasi eh,” I snapped at him. “If it weren’t for you, hindi tayo mata-trap here!”

“Sabihin mo nga sa akin kung paano ko naging kasalanan iyon,” he snapped back at me.

I cleared my throat. Oo nga naman, paano nga ba niya naging kasalanan iyon? “Ano… ah, ‘yung oras! I mean, if hindi ka nakipag-agawan sa akin, ‘di sana tayo mata-trap dito!”

“Nakipag-agawan ka rin kaya sa’kin,” he muttered.

“Kahit na! And if you didn’t… if you didn’t…”

“Didn’t what?”

“If you didn’t kiss me a while ago, we wouldn’t be trapped here!”

“At anong kinalaman ng paghalik ko sa’yo sa pagkakakulong natin dito?”

“Wala! Basta kasalanan mo!” I screamed at him.

Napangiwi siya. “Hindi ka ba napapagod sa kakasigaw?”

“Hindi ka ba napapagod sa pagiging evil? And you all say that Cirrus is the prodigal twin!”

He glared at me. “Cirrus Sandejas again,” he muttered.

“What? What?”

“Siya lang naman ang mabuti sa paningin mo eh, ‘di ba?” he asked sarcastically.

“Of course! He’s so unlike you! He might be weird most of the times and boring at nakaka-frustrate kausap madalas, but he’s very cool and gentle! Unlike you na sobrang feisty sagad at madalas iritado at parang galit sa mundo! He’s very logical, caring, and—”

“Oo na, siya na lahat. Siya na ang perpekto. Ano, okay na? May idadagdag ka pa?” singhal niya sa akin.

“Marami pa! And he’s very sensible, considerate—”

“Tama na.”

“—reserved and level-headed, and shall I mention it again—cool and—”

“Kaya mahal mo siya?”

I rolled my eyes. “Of course I do. Parang tinanong mo kung mahal ko si Kuya Cielo. Malamang. Duh.”

He blinked. “Huh?”

I glared at him. “Never mind! Chismoso!”

He stared at me for a moment and sighed. “Fine. Fine, then.”

After niyon eh hindi na kami nagpansinan. Bakit naman kasi kami magpapansinan, ‘di ba? ‘Di ba? Leche.

I sat on the couch na nasa tabi ng bintana ng tower. Kung puwede lang ako sumigaw from here at tawagin si Kuya para i-rescue ako eh, pero no, as if naman maririnig ako ni Kuya Cielo. At as if naman hahanapin ako niyon ngayon eh ang alam ni Kuya Cielo, nakina Chrysanthemum ako at binabantayan silang dalawa ni Clover ngayon.

I stared at the night sky and gazed at the stars. Hay naku lang. Huwag lang kako magkakaroon ng shooting stars ngayong gabi dahil bet na bet ko iyon ibato kay Cyber Sandejas. Leche. Evil guy who stole my first kiss and kissed me again. Nakakagigil. Nakakagigil sa inis.

At anong klaseng tanong ‘yung tinatanong niya kanina? Kung mahal ko raw si Cirrus? Of course, mahal ko si Cirrus! Kaibigan ko ‘yun eh! Parang tinanong niya kung mahal ko ‘yung pongid kong kuya. Malamang! Leche.

Nakakagigil talaga. Nanginginig ako sa inis! At gusto kong isigaw na hindi si Cirrus ang prodigal son kundi siya! Cirrus is the good son at hindi siya! Masyado lang siguro siyang pabida-bida at bumibida-bida sa academics, athletics, and Arts, pero doon lang siya magaling at hindi sa human relations or even communication!

Leche, nakakagigil talaga. Nakakapanginig ng laman eh! Hindi ako nainis o naasar kay Cyber noon nang ganito—noong time na pinagtatabuyan niya ako at noong time na nasaktan ako kasi may nararamdaman ako para sa kanya. Pero ngayon? I swear, I’m beginning to hate him for… well, bakit nga ba? Basta! ‘Yun na ‘yun!

Oh, and for stealing kisses!

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Alam kong nananaginip lang ako ngayon. Right, right. I was just dreaming. What else could I be doing?

Someone placed something on top of my shoulder. But of course, since nakapikit ako, hindi ko alam kung sino iyon. Baka si Kuya Cielo, kinukumutan ako. I so love him sagad talaga, pero hindi ko iyon aaminin sa kanya!

I felt a presence near me. Someone brushed the strand of hair away from my face while touching my cheek.

Noong nagsalita siya, doon ko nalamang lalaki iyon.

Familiar. Very, very familiar.

“This is the only time I could get close to you,” mahinang sabi niya.

I want to open my eyes immediately, but I couldn’t. Ewan ko kung bakit. Dahil ba sobrang antok ako or talagang nananaginip lang ako.

“Ito lang kasi ang pagkakataong naaabot kita. Ito lang ang sandaling nasasabayan kita. Ang hirap kasi eh. Ang hirap mong sabayan. Sa totoo lang, hindi kita masabayan. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko kasi sinubukan. Ewan ko, duwag lang siguro ako. Duwag ako sa posibleng mangyari. Duwag ako na baka kapag sumugal ako… kapag sumugal tayo… baka mas lalo kitang hindi maaabot. Pero alam mo ba? Gustong-gusto ko nang sumugal. Gustong-gusto ko nang sumugod. Ayos lang ba sa’yo?”

Nagpatuloy siya sa paghawi ng buhok ko. I shifted mula sa pagkakahiga, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mabuksan ang eyes ko. Siguro nga… nananaginip talaga ako.

“Masaya ka ba sa kanya? Siguro nga masaya ka sa kanya. Tama naman ang lahat ng sinabi mo eh. Tama naman. Siya nga ang mas mabuting anak. Mas magaling at mas matalino, sa totoo lang. Tahimik lang talaga siya kaya hindi napapansin, pero sa totoo lang, mas higit naman talaga siya kaysa sa’kin. Mas malaks ang loob niya. Kaya hindi ako magtataka kung siya ang gusto mo… kung siya ang mahal mo… lalo na’t puro pagtataboy lang ang ginawa ko noon sa’yo.”

That did it. I don’t think I was dreaming. I have to wake up. I really have to wake up.

“I’m sorry, Celeste Cheng, for all the pains I caused you. For all those words and actions that I didn’t really mean to say and impart. I don’t have any excuse for what I did, but you’re right. I was an idiot. I was an idiot who fell in love with you, but because I was an idiot, I hurt you instead.”

I have to wake up… I really have to.

“Because I didn’t want to take risks… because I hid in my comfort zone… because I was an idiot… because I told you to stay away, which you did…”

I heard a sigh.

“I regret everything and want to make things right. But can I still do that? Shall I appear in your already quiet and peaceful life again?”

Saglit siyang huminto bago nagsalitang muli.

“Kung masaya ka na, Celeste, hindi na kita guguluhin pa. At kahit ngayon ko lang masasabi nang maayos sa’yo ito, sapat na.”

Please let me wake up now…

“Celeste Cheng, mahal kita.”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Blog Entry # 46:

I woke up at the sound of the university bell. And the moment I did, I saw myself staring at Cyber Sandejas’ sleeping face.

Was that a dream or what?

Celeste Cheng

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Blog GirlWhere stories live. Discover now