Blog # 7: "Seatmate"

4.6K 176 16
                                    

Blog # 7:

“Seatmate”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

‘Yung akala mo kilala o kakilala mo kaya sinundan mo, pero biglang hindi pala siya? ‘Yung gusto mong maging siya, pero parang ayaw mo rin kasi hindi mo alam kung handa ka bang harapin ulit siya? Pero ayun nga, sinundan mo pa talaga para lang makumpirma kung siya pa talaga at noong nakumpirma mo nang hindi siya, hindi mo alam kung matutuwa ka ba o bubuntong-hininga nang malakas dahil sa panghihinayang?

Brent Ixiah Castellano.

Well, aaminin ko naman, akala ko ay si Cedric ang nakita ko noong unang beses ko siyang nakita. Akala ko talaga ay si Cedric ‘yun to the point na nilayasan ko sina Zyden habang pare-pareho kaming nawawala sa loob ng Unibersidad de Barrio Belleza.

Bigla lang siyang nahagilap ng mga mata ko, pero siyempre that time eh hindi ko naman alam kung anong pangalan niya. Pero dahil akala ko talaga ay siya si Cedric Palma, hinanap ko siya sa crowd at sinundan papunta sa building ng College of Sciences, only to find out na hindi siya si Cedric.

Okay, so hindi na naman yata justified ang ikinilos ko. Pagkatapos naming grumaduate nina Zyden from high school nang tahimik ang mga buhay eh heto na naman ako at bigla na lang hahanapin si Cedric Palma.

Tatalikod na dapat ako para umalis noong bigla akong nilingon ng lalakeng sinundan ko. He gave me a questioning look—nagtataka siguro kung sinundan ko ba siya or what kasi apparently, kaming dalawa lang ang nasa hallway that time—and I had no choice but to turn my back on him the soonest.

Ewan ko kung nakita niya nang mabuti ang mukha ko, pero sana hindi. Dali-dali akong tumakbo papalabas mula sa building ng College of Sciences at hinanap ang building ng College of Business Administration na mabilis ko namang nakita, salamat sa banner ng isang grupo na members yata ng university organization at nagsisimula nang mag-recruit ng members.

Sinalubong ako nina Zyden, Kiel, Geoffe, Moy, at Joross sa tapat ng building.

“O, ayan na pala eh. Saan ka ba galing?” tanong ni Zyden.

“Sa kabilang building,” sagot ko na medyo windang pa.

“Anong ginawa mo doon?” nagtatakang tanong ni Moy.

“Wala, may… may sinundan lang,” sabi ko. “Akala ko kasi eh kakilala ko.”

“Pinsan mo?” tanong ni Kiel.

Umiling ako. Kahit na naglipana at pakalat-kalat ang mga pinsan ko sa unibersidad, hindi ko pa rin sila nakikita hanggang ngayon. ‘Yung mga babae kasi ay kung wala sa College of Fine Arts at nasa College of Communication Arts, samantalang ang mga lalake naman ay nasa College of Accountancy. Iilan lang kaming nasa College of Business Admin at ‘yung mga pinsan kong lalake at anti-social pa ang mga nandito, so malamang bihira kong makikita ang mga iyon.

“Oo nga pala, may ipapakilala ako mamaya. Pinsan ko galing sa kabilang barrio. Lumipat dito kaya dito na mag-aaral,” biglang sabi ni Geoffe.

“Lalake?” agad kong tanong.

Nagtawanan silang lima. “O, ba’t interesado ka yata?” natatawang tanong ni Joross.

“Nagtatanong lang, interesado na kaagad?” mataray kong tanong.

But yeah, I should have been interested. Why? Because later on, I found out na ang ipapakilala ni Geoffe sa amin na pinsan niya ay si Brix.

Si Brent Ixiah Castellano, ang lalaking sinundan ko sa pag-aakalang si Cedric Palma.

Blog GirlWhere stories live. Discover now