Blog Thirty: Oddity

2.9K 122 11
                                    

Blog Thirty: Oddity

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

I’m late! I’m so, so late!

And of course, kasalanan na naman ng magaling kong kapatid!

Habang nagmamadali akong tumatakbo papunta sa building ng College of MassComm, dinig na dinig ko ang tawanan nina Kuya Cielo at ng mga pinsan ko. Seriously, hindi pa ba ga-graduate ang mga ito? Sophomore na ako, nandito pa rin sila! And they are actually four years older than me! Leche.

Dahil sa kamamadali ko, bumunggo ako kay Cirrus na may dala-dalang malaking kahong may lamang…

“OMG!”

… chalks!

Dahil nawalan siya ng balanse, nabitiwan ni Cirrus ang malaking kahon na sa sobrang laki ay medyo natatakpan ang mukha niya. At napaka-attractive ko yata para sa mga chalks dahil doon sila lumanding sa ulunan ko habang lumanding naman ang sagradong puwet ko sa sahig.

“Celeste,” gulat na sabi ni Cirrus at dali-daling lumapit sa akin para tulungan akong tumayo.

“Achoo!”

Dali-dali niyang pinagpagan ang ulunan ko para tanggalin ang chalk dust na lumanding, pero too late na dahil singhot na singhot ko na lahat ng masasamang elementong galing sa chalk.

“What the hell are you doing with chalks, Cirrus?” I wailed.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagtanggal ng chalk dust na lumanding sa ulunan ko pati sa mukha kong pretty. Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang mukha ko.

“I’m fine, I’m fine,” sabi ko, trying to hold up my hand to stop him.

Bumuntong-hininga siya at hinawi ang hibla ng buhok mula sa mukha ko. “Mas mabuti siguro kung maligo ka na lang para matanggal ‘yan,” he said, gesturing to some chalk dust na naiwan sa sagradong kagandahan ko.

I gave him a funny look. “Maligo? Paliliguin mo ako ulit at—achoo! Male-late ako! No, wait. Late na ako!” natatarantang sabi ko dahil late na ako sa klase ni Professor Lime. Leche, siya na naman ang prof ko ngayong sem. Hindi pa nagsawa ang tadhana sa amin. Pagkatapos niya akong pagtripan at gawing Serenity, bet na bet niya pang pagsamahin ulit kami ng baklang propesor na iyon.

“Kaysa naman magkasakit ka,” he said.

“I don’t have aller—achoo! I should go na! I’m so, so late na sagad!” I said, pero bago pa ako nakaalis ay hinablot niya ang pulsuhan ko at kinaladkad ako papunta sa restroom kung saan merong shower stalls.

“Pasok,” he said, gesturing to one of the empty shower stalls.

“OMG, why you pumasok? Bawal ang guy here,” I protested.

“Alam ko. Maligo ka na,” sabi niya while pushing me inside the stall.

“Wait lang! Wala akong towel!”

“May disposable towels sa loob. Pagtiyagaan mo na lang muna.”

“What!? No way! I use my own—”

“Just do it, Celeste,” he said calmly. His voice is not malamig or anything. Just firm and calm, so I sighed and went inside the shower stall.

I removed my clothes and heard shrieks from outside the stall I was in. OMG, malamang may mga girls na pumasok sa restroom tapos nakita siya!

I heard him mutter his apologies outside, so naisip kong okay na, nakalusot na siya. Binuksan ko ang shower at binasa ang ulo at katawan ko. The restrooms of university are equipped with toiletries and disposable towels and towelettes. Noong tapos na akong mag-shampoo at conditioner, I reached out for the liquid soap, pero hindi ko alam kung sinong timang ang huling gumamit niyon at nilagay iyon sa pinakamataas na area.

Blog GirlWhere stories live. Discover now