Blog # 4: "Crush ng Bayan"

6.2K 215 20
                                    

Blog # 4:

“Crush ng Bayan”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Si Ethan dela Verde. New guy in our batch. Crush ng bayan.

Siya ‘yung tipong malayo pa lang, maririnig mo na ang tilian ng mga babaeng nagkaka-crush sa kanya. Crush na crush siya ng ninety-nine percent na kababaihan sa batch namin nong freshman year.

At kabilang ako sa one percent na hindi siya crush. Si Casper nga ang crush ko, ‘di ba?

Ethan and Casper belonged to the same group of friends. Wala naman akong pakialam sa kanya, actually, at nakilala ko lang siya dahil crush na crush siya ng mga kaklase ko, lalong-lalo na ni Krishna, isa sa mga kaibigan namin ni Taneia.

Marami kasing crush si Krishna at isa na doon si Ethan. Actually, meron talagang nagugustuhang sagad si Krishna eh—si Stephen, pero hindi siya type nito kaya most of the time, si Ethan ang kinakikiligan niya.

“Ang guwapo niya talaga,” sabi ni Krishna one time noong nasa cafeteria kami. She had this dreamy look on her face. “Crush ko siya.”

“You and the ninety-nine percent of our batch’s female population,” bored kong sabi while swiping my finger on my phone.

Hinampas ako ni Krishna sa braso. “Ikaw, Celeste, ha! Kapag nakita mo si Ethan—”

“Hindi mo pa nakikita si Ethan?” gulat na tanong ni Anne, best friend ni Krishna who also belonged to our set of friends.

“Kailangan ko ba siyang makita?” nagtatakang tanong ko.

Tumawa nang mahina si Taneia. “No, hindi pa niya nakikita si Ethan,” sabi niya kay Anne. “Alam niyo namang si Casper lang ang nakikita niyan eh.”

“Excuse me? Kaya siya lang ang nakikita ko eh dahil siya lang ang peste sa paligid,” sabi ko.

Nagtawanan sila, pero hindi pa rin sumuko si Krishna sa pagbibida kay Ethan. “Seryoso, Girls, ang guwapo niya talaga. Kung hindi ko lang talaga mahal si Stephen, ipagpapalit ko siya kay Ethan.”

I rolled my eyes. Krishna always claimed that she loved Stephen—yeah, right. Love na raw iyon during that time, at sino ba naman ako para kwestiyonin iyon, ‘di ba?

“Oo, guwapo talaga siya. Alam niyo ba ang chismis kung bakit siya lumipat dito sa school natin? Nagkagulo raw doon sa dati niyang school! Nagkaroon ng major wars ang mga girls doon dahil sa kanya!” sabi ni Anne. “Apparently, he’s a playboy raw.”

Okay, so since narinig ko ang salitang playboy, agad akong naturn-off kay Ethan kahit hindi ko naman siya crush. I had nothing against playboys, actually. I didn’t dislike them, but I didn’t prefer them. Kanya-kanyang preferences naman iyon, ‘di ba? And iyon nga, hindi ko bet ‘yung mga ganoong tipo ng lalake.

“Well, he has the looks naman kasi talaga,” sabi ni Krishna, “kaya hindi niyo rin naman siya masisisi kung bakit maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya.”

“But I don’t think that gives him the right to play with girls’ heart,” I said, shrugging.

Napanganga ‘yung tatlo. “Oops, she got a point there,” sang-ayon ni Taneia.

Tumahimik sina Krishna at Anne, pero maya-maya lang eh ibinibida ulit ni Krishna si Ethan. Hinayaan ko na lang. Sanay na rin naman ako kay Krishna na puro boys lang ang gustong topic tuwing morning break eh. At sanay na rin naman sila sa akin na hindi interesadong pag-usapan ang mga lalake.

Kung nakasalubong ko man si Ethan sa hallways or kung saan man, hindi ko na alam. Hindi ko naman kasi siya kilala eh and I didn’t know then what he looked like. At saka wala akong balak na alamin. Katulad nga ng sinabi ni Taneia, si Casper lang ang nakikita ko.

Blog GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon