Blog Three: Bougainvillea

3.7K 142 14
                                    

Blog Three: Bougainvillea

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Ayoko! Ayoko nga sabi eh!” I wailed habang nakaupo sa sahig at hinihila-hila ni Cadmus at Calliope.

“Huwag kang maarte! Tumayo ka na diyan!” sigaw ni Cadmus sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa paligid, pero pakialam ko ba? Hindi ako tatayo rito kung kakaladkarin rin lang ako ng mga pinsan ko papunta sa isinumpang classroom na ‘yun!

“Ayoko nga sabi!” sigaw ko.

“Gusto mong mawalan ng mana!?” sigaw ni Calliope sa akin.

“Care ko ba sa mana eh maganda naman ako!?” I snapped at her.

“Huwag kang feelingera! At kahit na maganda ka, walang magagawa ‘yang mukhang siopao mong pisngi kapag tinanggal ka ni Lolo sa Last Will & Testament niya!” sigaw ni Cadmus sa akin.

“Anong problema natin sa pisngi kong pang-KPOP!?” I shouted at him.

“Gaga! Tumayo ka na diyan kung ayaw mong i-pop ko ‘yang mukha mong mukhang lobo!” asar niyang sigaw sa akin.

“Ayoko nga! Ayoko! Bakit ba pinipilit niyo ako!?” sigaw ko.

“Dahil pati kami ay mawawalan ng mana kapag hindi tayo kumpleto!” sigaw ni Calliope sa akin.

“Eh ayoko nga! Wala akong katalent-talent sa Arts!” I wailed.

“Pakialam ko ba kung wala kang talent sa Arts?” Cadmus snapped at me. “Kung kinakailangang gumapang ka habang nagpipinta, gawin mo! Basta hindi ka puwedeng umabsent doon!”

Hinila-hila nila ako habang nakaupo pa rin ako sa sahig at nagpo-protesta. Leche! I should run away from home eh!

Ilang beses ko bang kailangang ideklarang wala nga akong katiting na talent sa Arts at kapag nag-drawing ako ng tao, nagmumukhang ibon! At kapag nag-drawing ako ng ibon, nagmumukhang itlog na may dalawang tuldok at pakpak!

I hate it! This is what I hate for being a Cheng! Kailangan ng bawat isa sa amin ang pasukan ang lecheng special Art class in this university exclusive for Chengs at hindi kami makaka-graduate kapag hindi kami pumasa sa klaseng iyon every semester! Minsan eh gusto kong isumpa ang impluwensiya ni Lolo sa Barrio Belleza. Unfair! Mabuti sana kung katulad ng mga pinsan ko eh inclined ako sa Visual Arts eh, pero hindi! Kapag nag-attempt akong humawak ng paint brush, nadidisrasya ang mga pintura at nagiging mukhang putik ang painting ko! Leche, ang unfair!

Kung hindi lang talaga kami magkakahawig nina Cassiopeia at Calliope, iisipin kong ampon ako. I mean, bakit sa dinami naming puwedeng hindi biyayaan ng katiting na talent sa Visual Arts eh ako pa talaga? Leche talaga.

Noong matagumpay akong nahila ng mga lecheng pinsan ko papasok sa isinumpang impiyernong classroom na ‘yun, agad na ini-lock ni Teacher Gui Gui ang pintuan ng classroom at nag-gesture na umupo ako sa seat ko. Padabog akong umupo sa tabi ni Cassiopeia. Leche. At sa dinaming puwedeng katabi ko, si Cassiopeia pa talaga na pinaka-magaling sa Arts. Lecheng buhay talaga.

I sulked habang nagtuturo si Teacher Gui Gui. Ni hindi ko nga maintindihan kung anong kabuluhan ng pagmi-mix pa ng primary colors para maging secondary colors eh kapag bumili ka ng pintura, meron namang green at kung ano pang kulay na kalalabasan niyon eh!

“Okay,” maarte at tumatangong sabi ni Teacher Gui Gui. Ngumuso ako. Arte ng baklang ‘to. “So our first activity for today is to create a painting using red, yellow, and blue colors only. If you want to create secondary colors, you will have to mix the primary colors. Understood?”

Blog GirlWhere stories live. Discover now