Blog Forty Seven: Beauty & the Beast

3K 128 12
                                    

Blog Forty Seven: Beauty & the Beast

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“He’s an idiot! An evil, evil idiot! I dunno how could people see him as someone so good in everything when he’s just so evil sagad!” gigil kong sabi habang nakakuyom ang fists ko.

Cirrus opened one eye. “Are you sure you don’t like him? You’ve been ranting for an hour and all your rants are about him,” antok at nababagot niyang sabi.

I blinked. “I… me… I mean… I… of course I don’t like him!” I snapped after a moment of being taken-aback by his stupid question.

“Sabi mo eh,” nakakibit-balikat niyang sabi.

“Bakit hindi ka naniniwala!?” I screamed at him.

“Sinabi ko bang hindi ako naniniwala?”

“So naniniwala ka?”

“Sinabi ko bang naniniwala ako?”

“Leche, Cirrus Sandejas, huwag mong dagdagan ang bad trip ko! Hindi na nga ako nakatulog nang maayos kagabi eh!”

“It doesn’t seem to be that way.”

“Excuse me?”

“Mukha namang hindi ka puyat at mukha rin namang mahimbing ang pagkakatulog mo kagabi.”

“Are you kidding me? No, wait, you’re actually kidding me. Didn’t you even listen to what I said earlier, ha? Kung saan ako nagpalipas ng gabi dahil sa lecheng kambal mo?” I snapped.

“I heard everything,” sabi niya.

“Oh pala eh! So sabihin mo nga, paano ako makakatulog nang mahimbing eh may halimaw akong kasama!?”

“Are you pertaining to Cyber?”

“Who else!?”

“Funny, but Beauty doesn’t seem to like the Beast at first.”

“Huh?”

“Never mind. If you want to rant, though, I suggest you do it face to face with the subject of your rants. And here he comes now.”

Nanlaki ang eyes ko at dali-dali akong tumingin sa paligid. Sure enough, Cyber Sandejas was marching over to kung saan kami nakapuwesto.

“Cirrus,” sabi niya when he reached our spot sa open field. Nakatingin siya sa kambal niya at hindi niya ako pinapansin. Fine! Pakialam ko ba kung pansinin niya ako or not!?

“Bakit?” antok na tanong ni Cirrus habang nakapikit at nakahiga sa damuhan.

“Bumangon ka diyan, may pag-uusapan tayo,” asar na sabi ni Cyber.

“Ayoko nga. Ganda na ng pagkakahiga ko rito eh,” sagot ni Cirrus.

“Puwede ba, Cirrus, umagang-umaga, nag-uumpisa ka na naman,” Cyber muttered.

“Ayun nga eh, umagang-umaga pa kaya wala pa tayong dapat pag-usapan.”

“Takte, utang na loob, Cirrus, bumangon ka diyan.”

“Ayoko nga. Ba’t ang kulit mo ngayon?”

“Eh kung dito na lang kaya kayo mag-usap nang matapos na? I’ll make layas na lang,” iritadong sabi ko.

Cyber glared at me. “Sinabi ko bang umalis ka?”

“No, wala kang sinasabi, pero nagvo-volunteer na nga ako eh,” I snapped while standing up.

“Hindi. Dito ka lang. Kami ang aalis,” he snapped back.

“Eh ayoko ngang bumangon,” reklamo ni Cirrus.

Blog GirlWhere stories live. Discover now