Blog Twenty Three: Break-up

2.5K 126 11
                                    

Blog Twenty Three: Break-up

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Celeste, konti pa,” naririnig kong bulong ni Cyber from bandang likuran ko.

I fought the urge to shoot him an irritated glare. Kung hindi lang ako bonggang-bonggang manghihinayang sa mga kakarampot na luhang pilit na pilit kong inilabas eh kanina ko pa siya tiningnan nang matalim.

Focus. Focus.

I focused on Kiel and Kanna—ang mga gumaganap as Shin and Sora. Leche. Kanina pa ako nasosora sa eksena nilang dalawa. Bet na bet ko silang paghiwalayin at lagyan ng insecticide para hindi sila masyadong naglalapit sa isa’t-isa. And FYI, hindi ako nagseselos or anything. Naleleche lang talaga ako sa role ko.

“Celeste. ‘Yung mata mo.”

Leche. Ayan na naman siya! Kanina pa bulong nang bulong ng instructions si Cyber sa akin eh! Anong magagawa ko kung kahit na umiiyak ako ngayon eh naghahasik ng invisible kutsilyo ang mga mata ko!?

“That does it,” I heard him mutter. “Cut!”

“Cyber!” reklamo ko. “Bakit mo ini-cut!? Ang hirap kayang palabasin ang sagradong tears ko!”

He rounded on me. “Ayun nga eh. Hirap na hirap tayong palabasin ‘yang luha mo tapos hindi mo pa inaayos ang ekspresyon ng mukha mo. Umiiyak ka nga dahil sa lungkot, ‘yung mukha mo naman eh mukha ng papatay,” he snapped at me. “Ilang beses ko bang uulitin sa’yo na tinitingnan mo sina Shin at Sora nang malungkot at habang tinitingnan mo sila, nasasaktan ka? Ikaw ‘yung nasasaktan, hindi ‘yung tipong gusto mo silang saktan!”

“I’m doing my best naman!” I snapped back.

“Apparently, your best in not enough. Repeat the scene,” he muttered.

Series of groans erupted inside the auditorium.

“Naman, Celeste,” reklamo ni Kiel. “Kanina ko pa gustong lumayo kay Kanna tapos ipapaulit na naman ‘yung eksena.”

“So ikaw pa ang maarte ngayon? Eh ‘di wow,” asar na sabi ni Kanna sa kanya.

“Cheh,” umiirap kong sabi. “Kung makapagreklamo kayong dalawa parang hindi kayo tuwang-tuwang nadidikit kanina sa isa’t-isa.”

“Nagseselos ka, Cel?” natatawang tanong ni Kiel.

“Pasalamat ka, hindi kita type kaya hindi ako nagseselos. Naiirita lang ako sa role ko. Pero kung nagkataong type kita at nagseselos ako, hindi ko gagawin ‘yung katangahan ni Serenity at magpapaubaya. Gugupitin ko lahat ng buhok mo sa katawan,” I snapped at him.

“Grabe, ang sadista mo, Celeste,” reklamo ni Kiel.

Tumawa si Kanna. “Cel, lahat ng buhok sa katawan? Including—”

“Hindi ba’t ang sabi ko eh ulitin ang eksena? Anong ginagawa niyong tatlo ngayon?” singhal ni Cyber sa amin.

“Malamang nag-uusap,” I snapped sarcastically at him.

He shot me a look. “Mamaya ka sa akin, Celeste.”

Inirapan ko siya. “Whatever, Cyber, whatever.”

“Oy, kayong dalawa diyan,” natatawang tawag ni Kuya Boom. Nakaupo siya sa front row seats kasama ang kapatid at iba ko pang mga pinsan. Leche, ginawa na nilang regular tambayan at regulat routine ang panunuod dito sa rehearsals namin.

“Ano?” asar kong tanong.

“Akala ko ba Hashtag Best Friends Forever kayo? Ba’t nagiging Hashtag Best Enemies na?” natatawang tanong ni Kuya Boom.

Blog GirlWhere stories live. Discover now