Blog Twenty Four: Frenemies

2.3K 113 8
                                    

Blog Twenty Four: Frenemies

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

“Saan ka pupunta? Hindi mo pa naisa-submit sa akin ‘yung tatlong articles,” malamig na sabi ni Cyber sa akin when I stood up and made ayos to my gamits.

“Why? Deadline na ba? Tomorrow pa naman, ah?”

“Bakit bukas mo pa ibibigay kung puwede namang ngayon?”

“And why ngayon ko ibibigay kung puwede pa namang bukas?”

“You’re procrastinating.”

“And so? As long as I submit them on time, then what’s your problem?”

He let out an irritated sigh. “Bahala ka na nga. Umalis ka na kung gusto mo.”

I rolled my eyes. “Whatever, Cyber, whatever.”

When I opened the door and flipped my hair to make layas, he called. “At mag-iingat ka. Madulas ang sahig. Titimang-timang ka pa naman.”

My jaw made beso-beso to the floor. How dare he insult me like that!

“Ikaw ang mag-ingat!” I called back. “Malamig sa labas, baka maging yelo ka na. Ang lamig mo pa naman.”

After saying that, I flipped my hear again and made rampa-rampa papalabas from the office.

“Huh. So what kung madulas the sahig? ‘Di ba niya alam? I can do rampa and—OMG! Ouch! My sexy butt!”

Ang tanga! Ang tanga ng floor! Ilang beses ko nang sinabing hindi kami close, pero bet na bet niyang makipagbeso-beso sa puwet ko! It hurts! My butt is hurting sagad!

“Takteng ‘yan, Celeste,” narinig kong singhal ni Cyber at dinampot ako mula sa sahig. “Anong katangahan ba naman ‘yan? Kakasabi ko lang na mag-ingat eh.”

“So ako pa ngayon ang tanga?” asar kong tanong habang buhat-buhat niya ako pabalik sa office.

“Alangang ‘yung sahig?”

“‘Yung sahig nga!” I snapped.

Inilapag niya ako sa couch na nasa loob ng office ng Belleza Journals.

“Ouch, my sexy butt!” reklamo ko. “Cyber! Dahan-dahan naman!”

“Ang tigas kasi ng ulo mo. Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo at palagi kang nadudulas?”

“Eh tanga nga kasi ‘yung sahig!”

“Tumigil ka na,” iritadong sabi niya.

Ngumuso ako, but I kept my mouth shut.

“Saan masakit?” biglang tanong niya.

“Kapag ba sinabi ko sa’yo kung saan, may magagawa ka ba? Gagamutin mo? Paano mo gagamutin? Hahawakan mo?” I asked sarcastically.

His face turned red. “Tinatanong ko lang.”

Inirapan ko siya. “Ba’t kasi nagtatanong ka pa?”

“Masama nang magtanong ngayon? Ba’t ba ang taray mo? May dalaw ka ba?”

“Wala. And I’m so not mataray.”

Bigla siyang ngumisi at tumango. “Nagdadalaga ka na siguro,” he muttered.

I shot him a look. “Excuse me?”

He patted my head. “Wala pa ngang isang taon eh. Parang kailan lang noong bubuntot-buntot ka sa’kin at abot-tenga ang ngiti. Ngayon minamaldita mo na ako.”

Blog GirlWhere stories live. Discover now