Chapter 4

219 15 1
                                    

Sa isang silid ng kastilyong El Lianoer ay nagsitipon ang mga nakakataas na mga miyembro ng kunseho dahil sa natanggap nilang balita.

Ang atmosperang mararamdaman sa paligid ay pagkalito at takot dahil sa balita. Alam ng lahat na ang pangyayaring ito ay maaaring gawing kalamangan ng mga kalaban, kaya nasa peligro ang sitwasyon nila ngayon.

Madidinig sa buong paligid ang pagbubulongan ng mga miyembro ng Konseho, pati na rin ang mga Heneral. Lahat sila ay naka-upo sa mga silyang nararapat sa kanila, tila nakahanay sa uri ng kapangyarihan o ranggong hinahawakan nila. Ang mga nasa itaas na parti ay nakasuot ng pulang damit, indikasyong na sila ang mas nakakataas sa lahat maliban sa Hari. Habang ang kasunod na kulay ay asul hanggang pababa sa magagaang kulay, sa bawat linya ng upuan ay may mga Kunsehong naka-upo at suot ang ibat-ibang kulay ng damit. At sa gitna ng mga silya ay isang napakalawak na entablado.

Abala parin ang lahat sa pag-uusap tungkol sa kaganapang nangyari sa kanilang Hari, ngunit bigla silang nagsitigil dahil sa biglang pagbukas ng pinto, gumawa ito nang malakas na ingay sa buong silid.

Ang Prinsipe at ang pangalawang kamay ng Hari ay tahimik na naglakad sa gitna patungo sa upuang nararapat sa kanila. Sabay sabay na nagsitayuan ang mga Konseho at tahimik na ibinigay ang kanilang pagpupugay.

"Sisimulan na natin ang pagtitipong ito," saad ni Heneral Rayri, ang tinig nito ay napakatigas at napakalinaw para sa lahat ng nakakadinig.

Sabay sabay namang nagsitangoan ang mga Heneral, samantalang si Prinsipe Zaric ay tahimik na naka-upo sa isang silya.  At sinimulan na nila ang mga bagay na dapat nilang pag-usapan tungkol sa Kaharian habang wala pa ang kanilang Hari. Hindi naman ganoon ka haba ng kanilang diskurso. Si Prinsipe Zaric ay taimtim na nakikinig sa mga bagay na kanyang dapat malaman saloob ng silid.

"May gusto pa ba kayong itanong tungkol sa mga bagay na konektado sa ating paksa ngayon?" tanong ni Heneral Rayri sa lahat. Nakatayo ito sa kanyang silya at maiging tiningnan ang lahat ng panauhin nakapalibot sa kanya.

Ilang segundo pa ang nagdaan bago may matapang na tumayo sa kanyang silya. Isang lalaking nakasuot ng kulay dilaw na damit, "Sanay hindi n'yo ito masamain ang aking tanong Heneral Rayri pero ramdam kung kinakailangang talagang tanongin ito." Naghihintay siya ng sagot ngunit isang seryosong tingin lang ang natanggap niya mula sa Heneral, ngunit kahit ganoon ang natanggap niya ay itinuloy parin niya ang kanyang tanong.

"Ano na po ang mangyayari sa ating Kastilyo? Natatakot po ako na maaaring gambalain tayo ng ibang Kastilyo lalo't nasa hindi magandang estado ang ating Hari ngayon." At dahil sa tanong nang nakadilaw na lalaki ay nagsimulang nagbulungan ang buong panauhin. Ang iba naman ay nakarehistro sa kanilang mukha ang takot. Pero bago pa man lalong lumakas ang ingay sa buong silid ay agad ng nagsalita si Heneral Rayri.

"Mabuti at na tanong mo iyan Heneral, 'yan talaga ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag sa silid na ito," kalmadong saad ni Heneral  Rayri. "Dahil sa pangyayaring ito ay kinakailangan nating panatilihing sekreto ang lagay ng ating Hari. Ang haliging nakapalibot sa ating silid ang magiging hangganan ng ating sekreto, ang kalagayang ito ay mananatiling nakabaon sa inyong puso at walang sinimang tenga ang makakadinig muli nang usapang ito. Kahit pa ang inyong kabiyak ay walang karapatang malaman ang bagay na ito."

Sabay namang nagsitanguan ang lahat ngunit may iilan namang nagdadalawang isip sa sinabi ni Heneral Rayri.

"Alam kung may iilan sa inyo ang hindi sumasang-ayon sa aking isinaad kanina ngunit ito lang ang maaaring paraan upang pangalagaan ang inyong mga Mahal sa buhay. Sa panahong malaman ito ng karatig kastilyo lalo na ang Kahariang Nefilim ay hindi talaga sila magdadalawang isip na sugurin tayo, kaya sana'y hindi na lumaki ang usapang ito," dagdag pa ni Rayri. At dahil sa huling isina-wika niya ay nalinawan naman ang lahat kaya katahimikan na lang ang namayani sa buong silid.

The Rejected MateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora