Chapter 13.5

142 13 7
                                    

   

  

  

    Gabi na ngunit panay pa rin ang pagbuhos ng ulan pati na rin ang kulog at kidlat. Nakabalik na ako sa kwarto kasama si Liany kanina pa. Naka-upo ako sa isang mesa kaharap ang isang salamin. Maiging pinapatuyo ni Liany ang aking buhok gamit ang isang tuyong tuwalya. Kanina ko pa napapansin ang hindi mapalagay na tingin at galaw niya.

   

   

   

    "Liany? Liany, ayos ka lang ba?" tanong ko ngunit hindi man lang nito nadinig ang aking pagtawag. Kaya muli ko siyang tinawag, nilakasan ko nang kunti ang  aking boses at buti na lang at narinig din nito wakas.

   

   

   

    "P-Po? May kailangan pa ba kayo Binibini, gusto n'yo po ba ng tubig, tsaa o alak? May gusto po ba kayong ibilin sa akin? Gagawin ko po 'yan agad-agad," natataranta niyang sagot sa akin. Naging dahilan ito ng aking pagtawa nang kunti.

   

   

   

    "Ayos ka lang ba Liany? Parang namumutla ka yata may problema ba?" tanong ko na naging dahilan ng pagluhod ng dalagita sa aking paanan at saka umiyak. Naging dahilan ito ng aking pagkataranta. "Liany ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka umiiyak at naka luhod d'yan, tumayo ka."

   

   

   

    Mabilis siyang umiling, "Hindi po Mahal na Reyna. Patawad po at iniwan ko kayong mag-isa doon kanina. Hindi ko akalain na maaari pa kayong mapahamak. Hindi ko talaga gusto ang mga nangyari kanina."

   

   

   

   

   

    Mas lalo akong nalito sa nga pinagsasabi niya, "Teka lang, ano ba ang ibig mong sabihin?" Napa-ayos ako sa aking pagkaka-upo. Ngayon ay kaharap ko na siya at seryoso ko siyang tiningnan. Hindi ito makatingin nang diritso sa aking mga mata at napa-ayos ito bigla ng kanyang postura kaya naging dahilan ito nang pagkakabuhol-buhol ng aking kilay lalo.

   

   

   

   

   

    "Meron po sana Mahal na Reyna ngunit..."

   

   

   

   

   

    Hindi na natapos pa ni Liany ang kanyang sasabihin nang biglang may malakas na kulog ang aming narinig na naging dahilan ng aking pagtalon sa gulat. At kasabay din ng kulog ay ang malakas na katok sa aking pinto. Napatingin ako sa aking bintana kung saan ay pilit na pumapasok ang napakamalakas na hangin kaya mabilis na pumaruon si Liany upang ayosin ito. Napakalamig ng hanging walang tahasang nakapasok sa aking kwarto kaya napayakap ako sa aking sarili.

   

   

   

   

The Rejected MateWhere stories live. Discover now