Prologue

371 14 3
                                    

"I Batic Zamora, the King of Nefilim Kingdom, rejects you Selene Macoaza, as my mate. I will never give you a chance to bare my pups. I will cut our bond. My Alpha will never recognize you anymore. The bond between us will be weak just like you. My pack will never recognize you as my Luna. They will not give you any mercy and so am I. I will expel you and will never see you, forever. I'm Batic Zamora, the King Alpha of this pack officially rejected you as my Human mate."

Ang mga salitang palagi ko na lang naaalala sa mga pangyayaring gusto kong makalimot.

Ang lalaking inaakala kong tatanggap sa'kin ay yun din pala ang magpaparamdam sa'kin na wala akong kwenta. Ang inaasahan kong magmamahal sakin ay walang ginawa kundi saktan lang pala ako.

Siguro nga tama sila, ang mga tao at lobo ay hindi maaaring magsama dahil labag ito sa kanilang tradisyon. Ang malalakas ay para lang sa mga babaeng malalakas din. 

Hindi ko namalayan na ang mga taksil kung luha ay nagsisimula ng umagos sa aking pisngi. Bawat hinagpis na aking nararamdaman ay siyang bigat nang luhang mga taksil. Manhid na upang pakiramdaman pa ang pagdampi nito sa aking pisngi, pagod na akong makaramdam pa. 

Bakit ganito na lang ako palagi, sa tuwing darating ang mga alaalang bangungot ay hindi maiwasan ang aking mga luha at kasabay din nito ang pagkadurog ng aking puso.

Pilit ko man na limutin lahat nang pait ay hindi parin maiwasan ang pagsagi nito sa aking isip. Kahit man hilingin kong ibaon ang mga ito sa napakalalim na parte ng aking puso ay makakaya parin nitong mabuhay at takotin ako sa aking paglalakbay.



Napagdesisyonan kong tumayo at alisin ang mga landas ng aking nga luha gamit ang aking mga kamay na dumadampi na ngayon sa aking pisngi. Ang mga luhang nagpapatunay kung gaano ka sakit ang aking napagdaanan.

Simula sa pangyayaring 'yun ay lumayo-layo na ako sa mga lobo pati narin sa mga tao. Pinili ko na lang na umalis at mamuhay mag-isa. Naging kakampi ko na ngayon ang kalikasa, ang kagubatang tinatawag na "San Suarez". Ang gubat na ito ang natatanging lugar na kahit kailan ay hindi ako itinakwil at naging totoong tahanan ko na din. Naging panangga ko ito upang makapagtago sa mga Lobo at Tao.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, sinimulan ko nang bumaba mula sa aking maliit na bahay na   nasa napakalaking puno ng akasya. Maingat akong bumaba gamit ang gawa kong hagdan at sa pagtapak ng aking paa sa lupa ng San Saurez ay ramdam ko ang mahiwagang buhay nito, tila ba may puso itong tumitibok na nagbibigay ng masaganang pamumuhay sa bawat hayop na nandirito sa gubat.



Tunay talagang mahiwaga ang gubat na ito, kahit noon pa lang. Sabi nila, tuwing ika-pitong buwan ay mararamdaman mo ang pagbabago ng mga daanan ito. Ang mga nakasanayang mong daan ay mawawala na lang bigla ngunit may bagong uusbong na paraiso. Ngunit sa kabila ng kagandahang tinataglay nito ay may itim ding mahika ang promoprotekta dito. Kung sino man ang mga estranghero may maitim na puso ang makakapunta sa kagubatan ng San Saurez ay siguradong hindi na siya makakalabas dito.

Hindi ko namalayan na ang kuneho ay masayang tumatalon papunta sa'kin. Sinusundan pala nito ang aking paglalakad mag-isa dito sa gubat.

"Magandang umaga aking kaibigan!" Marahan akong napaluhod sa lupa upang hawakan ang puting balahibo ng kuneho. Agad ko itong dinantay sa aking bisig habang ang aking mga kamay ay magaang hinahawakan ang balahibo nito.



Napangiti na lang ako habang hawak-hawak ko ito. Kahit mag-isa man ako sa gubat na ito ay mayroon paring mga nilalang na nagpapasaya sa akin kahit papaano.


❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎❥︎

Hope you like this Chapter

Follow @NimbusCozen

Comment and vote if you like it.

Status: Edited 

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon