Chapter 11

172 15 14
                                    

   
    "Mas lalo po kayong gumanda Binibining Selene," wika niya at masayang nakangiti sa akin. Hindi ko mapigilan na idampi ang aking daliri sa pisngi nito.
   
   
   
     "Napakabolero mo talagang bata," sabay pisil sa napakalambot niyang pisngi. "Napakagandang araw para makita ka muli Zaric."
   
   
   
    Ramdam ko ang hanging bumabalot sa aming paligid na may kasamang gulat at pagtataka. Lalo na at dahil sa reaksyon nararamdaman ko mula kina Alec at Liany. Ngunit, pinili kong ipagsantabi ang mga ito sapagkat dahil sa batang nasa aking harapan.
   
   
    "Isang karangalan din po na makita kayo Binibining Selene," magiliw na tugon nito. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakakahawang ngiti ni Zaric. Hindi ko aakalain na magkikita pa kami ulit.
   
   
    "Kamusta nga po pala kayo Binibini?" Nakakatuwa itong tingnan sapagkat habang nagsasalita ito ay panay naman ang maliit na pagtalon nito dahil sa tuwa.
   
   
   
    Hindi naman ako nag-atubiling idampi ang aking kamay sa napakalambot na buhok nito at sabay yuko sa kanyang harapan upang magpantay ang aming mukha.
   
   
    "Ayus lang naman ako Zaric, ikaw? Baka gumagala ka na naman sa malayo? Naku...mapapagalitan ka talaga n'yan," wika ko na naging dahilan nagpag-nguso ni Zaric. Biglang tumigil ito sa pagtalon at pumirma sa kanyang pagkakatayo. Ang tingin nito ay naglandas sa kanyang mga kamay na ngayon ay hindi mapakali. Sa reaksyon pa lang niya ay tila ba huling-huli ito sa akto.
   
   
   
    Dahan-dahan itong gumagawa ng maliit na hakbang patungo sa aking direksyon at sabay na bumulong sa aking tenga, "Shhhh...huwag kang maingay Binibini. Hindi pwedeng malaman nila ang pinaggagawa ko."
   
   
   
   
    Taka akong napatingin sa kanya. At ang aking bibig ay ibinigkas ang saliatang "Bakit" ngunit walang tunog.
   
   
   
    Napangiwi naman itong ngumiti at gamit ang kanyang hinliliit ay itinuro nito si Alec na ngayon ay taka pa ring nakatingin sa aming direksyon, "Baka kasi malaman ni Kuya Alec ang pinaggagawa ko."
   
   
  
    Sa puntong ito ay ako naman ang nanigas sa aking pagkakayuko. Walang tigil ang aking pagtingin sa kanyang Kuya. Nagsisi ako kung bakit hindi ko agad napansin ang pagkakahawig nila sa isa't isa. Pero pilit akong tumango sabay pilit din na ngumiti upang mawala ang pangamba sa mukha ni Zaric.
   
   
  
   
   
   
    Ngunit bago pa ako makapagsalita muli,may boses ang kumuha ng atensyon naming dalawa ni Zaric.
   
   
   
   
   
    Sa boses ba lang nito ay alam na alam ko na kung sino ang nagmamay-ari. At sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses ay para bang may kiliti akong nararamdaman na hindi ko man lang alam kung saan nanggagaling.
   
   
   
    "Zaric," gamit ang kanyang maotoridad na boses ay tinawag nito si Zaric, "Inuulit mo na naman ba ang pinaggagawa mo noon?" Palapit na ngayon si Alec sa aming kinatatayuan. Sa tuno pa lang ng kanyang pananalita ay masasabi mo ng may malakas na kapangyarihan itong tinataglay. Kaya pala lahat ng nilalang dito sa kastilyo ay talagang tinitingala ang kanilang Hari, sa paraan pa lang ng pagtindig nito ay tila kinakain ka na ng buhay.
   
   
   
    Bigla namang sumiksik si Zaric sa aking bisig. Ang mga braso nito ay ngayo'y nakalingkis na sa aking leeg at ang mukha niya naman ay nagsusumiksik sa aking leeg. Muntik na akong mawala sa aking balanse dahil sa biglang ginawa ni Zaric. Habang tumatagal ang pagyakap nito sa aking leeg ay mas lalo itong humihigpit kaya wala akong nagawa kundi kandungin ito sa aking bisig.
   
   
   
   
    "Binibini huwag n'yo po akong bitawan," bulong ni Zaric sa aking tenga. "Paki-usap po, mas lalo lang dadag-dagan ni Kuya yung pag-aaralan ko." Napangiti naman ako dahil sa huling sinabi nito.
   
   
    Napatingin naman ako kay Alec na ngayon ay natigilan  habang nakatingin sa aming dalawa ni Zaric. Hindi ko mabigyan nang kahuluguhan  ang reaksyon sa kanyang mukha sapagkat ang kanina niyang mukha na may galit ay biglang nawala at napalitan ito ng kung anong emosyon.
   
   
   
   
    "Oh sige, pero sa susunod na aalis ka ipangako mong   magpapaalam ka na. Maipapangako mo ba Zaric? turan ko gamit ang aking malamyos na boses.
   
   
   
    Ang nagsusumiksik na mukha ni Zaric ay ngayon ay nakatingin sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan habang ang mga inosenteng mata nito ay taimtim na nakatingin sa aking mukha. Sa paraan nang tingin nito ay tila ba tinitimbang nito ang lahat ng aking sinabi.
   
   
   
    Kalaunan ay tumango rin si Zaric kaya napangiti ako, "Mabuti naman Zaric." Mabuti na lang talaga na kahit bago lang kami nagkakilala ni Zaric ay naging masunurin na ito. "Kapag may gusto kang sabihin o ipaalam pwede mo sa'kin sabihin, huwag ka lang mahiya,"  dagdag ko pa.
   
   

The Rejected MateWhere stories live. Discover now