Chapter 3

214 16 8
                                    

Sa isang napakalaking palasyo, lahat ay abala at nakakaramdam ng kaba dahil sa malakas na sigaw ng kanilang pinakamamahal na Hari. Sa tuwing nadidinig nila ang malamig nitong tinig ay nagiging dahilan ito ng panginginig ng kanilang tuhod.

"FIND MY BROTHER OR ELSE... I'LL MAKE YOU ALL PAY!" napakalamig nitong saad at sa pamamaraan ng pagsasalita nito ay makikita mo talaga ang pag-igting ng panga nito sa galit. Sa bawat galaw ng kanyang mata ay tila ba nagsusumigaw ito ng panganib. At sa tindig pa lang nito ay nagsusumigaw na ng kakisigan.

Mga kalalakihan ang nagsitipon sa isang napakalaking kwarto, taimtim silang nakikinig sa kanilang pinakamamahal na hari.

"KUNG KINAKAILANGAN SUYURIN N'YO ANG LAHAT NG GUBAT NA NAKAPALIBOT SA AKING PALASYO AY GAWIN N'YO," dadag pa ng Hari at naging naging dahilan ito ng pagtitinginan ng mga kalalakihan sa bawat isa, na tila ba ay na alarma dahil sa nadinig nito mula sa Hari.

"Huwag n'yo po sanang masamain Haring Alec pero gaya ng sanabi n'yo kanina na lahat ng gubat?" untag ng lalaking may maraming balbas. Ramdam sa boses nito ang pag-aalinlangan, "Sa tingin ko ay ni walang isang kawal ang mangangahas na gambalain ang gubat ng San Saurez."

At dahil sa sinabi ng lalaki ay naging sentro ito ng atensyon ng lahat. Sabay-sabay silang nagsitanguan na nagsasabing sumasang-ayon sa sinabi ng kapwa nila Kawal.

"Sumasang-ayon po ako sa sinabi ni General Gunyo. Kahit sinong kawal natin ay aatras mula sa isinumpang gubat na iyon," wika pa ng isang kawal mula sa kwarto. Ngunit bago pa man makarinig ng isa pang opinyon ang lahat ay isang malakas na paghataw ng mesa ang kanilang narinig na naging dahilan ng pagkagulat ng lahat.

"Anong sabi n'yo?" Isang nanlilisik na mata ang nakatingin sa lahat ng kawal. Ang mga kamay nito ay nakakamao, parang handa itong patayin ang lahat ng taong lobo na nakapaloob sa boung kwarto. "TINATANONG N'YO BA ANG DESISYON NG INYONG HARI?" dagdag pa ng Hari.

Ang aura ng Hari ay nangingibabaw sa apat na sulok ng boung kwarto. Ang mga kawal na nakarinig sa sinabi ng Hari ay nakaramdam lalo ng takot. Naging tahimik ang boung paligid, ni isa sa kanila ay walang nagtangkang salungatin  muli ang Hari. Wala nang hinintay pang ilang segundo ang Hari, agad nitong ikinumpas ang kanyang kanang kamay na nagsasabing lahat sila ay dapat nang lumabas.

"Rayri..." Pagtawag ng Hari sa lalaking matipunong nakasuot ng puting damit na nasa kanyang gilid. "Pakitawag nga ng mga babainlan, gusto kung bigyan nila ako ng impormasyon ngayon mismo kung nasa mabuting kalagayan ba ang aking kapatid." Mabilis namang tinugon ng kanyang tagapagkaliwang kamay ang kanyang utos.

Sa pag -alis ni Rayri ay mag-isa na lang na naka-upo si Haring Alec sa napakagalanteng upuan na nakalaan lang para sa Hari. Ang napakalapad nitong likod ay tensyonadong nakadantay sa upoan. Hindi niya maiwasang mangamba sa maaaring sitwasyon ng kanyang kapatid ngayon, at alam niyang ikakabaliw niya kung may mangyari mang masama sa dito. Kanina pa niya hinahanap si Zaric ngunit ni isang palatandaan sa daan ay wala siyang makita kaya ito siya ngayon nag-iisip ng bagay para lang mahanap ito.

Mula sa malalim na pag-iisip ni Haring Alec ay biglang na udlot ito dahil sa katamtamang ingay ng pagkatok sa pinto. Nakabalik na pala si Rayri, kasama ang mga kababaihang tinatawag ni lang mga babainlan. Ang mga babaeng may kakaibang tinataglay na kapangyarihan. Lahat sila ay may madaming mga nakapintang mga hugis sa balat, tila ba nagpapakita ang mga simbolong ito ng kanilang indibidual na kakayahan. Hindi din maipagkakaila ang taglay nitong kagandahan—lalo't ang uri ng damit na sout nito ay tila malayang sumasabay sa hanging humahaplos sa kanilang balat.

Ang apat na tinatawag na mga babainla ay mabilis nagbigay pugay kay Haring Alec sa pamamagitan ng pagluhod nito sa harapan. Lahat sila ay may mga itim na kwentas sa leeg, indikasyon na pagmamay-ari sila ng Kahariang El Lianoer.

The Rejected MateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora