Chapter 13

126 10 7
                                    

  
   

Akala n'yo hindi na ako mag-uupdate... Surprise!
----------------


   
        "Liany?" tawag ko sa kanya habang abala ito sa pagligpit ng mga gamit na hindi ko naman kabisado. Nasa loob ako ng napakalaking banyera kung saan ang aking katawan ay malayang nakalubog sa malinis na tubig habang ang ulo ko at ang aking leeg ay nakahilig sa gilid.
   
   
   
   
    "Po? May iba pa po ba kayong kailangan Binibini?"
   
   
   
    Mabilis naman akong umiling, "Wala naman, gusto ko lang sanang magpaalam mamaya. Inaya kasi ako ni Prinsipe Zaric na gumala sa hardin."
   
   
    "Ganon po ba, pwede naman po. Sasamahan ko na lang po kayo para naman po'y hindi kayo mag-isa mamaya." Mas lalo akong nanabik dahil sa sagot ni Liany.
   
   
    "Maraming salamat Liany!" Ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Ako naman ay inabala ang aking sarili sa mainit na tubig na siyang nagbibigay nang kaginhawaan sa aking katawan.
   
   
   
  
    Naiwan ako saloob nang napakatamik at napakalaking banyo. Inabala ko na lang ang aking sarili sa paglaro nang siwang ng araw. Malayang dumadampi ang siwang ng araw sa aking kaliwang kamay.
   
   
   
   
    Dumaan na ang ilang linggo, hindi ko man lang mabilang kung ilang araw na akong nandito. Bigla kung naalala ang mga panahong nasa San Saurez pa ako. Malaking nag-iba sa estado ng aking buhay sapagkat noon kailangan ko pang maglibot para makakain sa araw-araw ngunit ngayon sa tuwing dadating ang umaga ay may nakahanda ng pagkain sa aking higaan.
   
   
   
    At ang katahimikan na nararamdaman ko ay may malaki ring kaibahan sapagkat sa gubat masaya ako mag-isa kasama ang mga hayop samantalang sa palasyong ito marami ngang nilalang na nakakapagsalita ngunit wala naman akong maka-usap maliban na lang kina Liany at Zaric.
   
   
   
   
   
    Bigla ring lumitaw sa aking balintataw ang mga alaalang sa unang gabing hindi ko inaasahan. Ang mga gabing hindi-hinding ko makakalimutan kung saan ang berdeng mata na naging  dahilan ng pagbago ng aking kapalaran.
   

   
   
   
   
    Sa unang araw na nandito ako hindi ko mawari kung bakit naging ganito ang aking kapalaran. At hindi ko rin maintindihan ang Dyosa ng Buwan kung bakit hinayaan niya itong mangyari. Ngunit kung ano man ang gusto niyang mangyari ay hindi ko nagugustohan.
   
   
   
   
   
   
    Ang tipikal na nararamdaman ng mga kapares ay unti-unti ko naring nararamdaman habang nagtatagal ako sa palasyong ito. Hindi ko maitatanggi ang pisikal na atraksyong gumagapang sa aking katawan.
   
   
   
    Sa tuwing nasisilayan ko si Alec o sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang presensya ay biglang nakakaramdam ang aking katawan ng init na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Gusto ko siyang lapitan at idampi ang aking kamay sa kanyang katawan  ngunit pilit kung pinipigilan ang aking sarili. Ramdam ko ang uhaw sa pisikal na aspekto kaya hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaiwas sa sitawasong aking kinasasadlakan.
   
   
   
   
   
   
   
   
   
   
   
   
   
    "Binibini saang parte po pala kayo ni Zaric magkikita? Masyado po kasing malaki ang hardin ng El Lioner pero baka po'y mahanap n'yo siya sa pribadong parte nito." Dapit hapon na at nandito kaming dalawa ni Liany sa gilid ng hardin.
   
   
   
    Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi ko matukoy ang kanyang sinabi sapagkat hindi ko pa masyadong kabisado ang hardin at lalo na rin ang El Lioner.
   
   
  
    "Hindi kasi sinabi ni Zaric kung saang parte kami ng hardin magkikita. Ang sabi niya lang ay maghihintay siya pagkatapos ng kaniyang klase," wika ko at sinimulang tingnan ang buong paligid.
   
   
   
   
    "Ganon po ba, tulungan ko na lang po kayong maghanap sa kanya. Dito lang po kayo mahal na Reyna." Akto ko na sanang pipigilan pa si Liany ngunit agad itong umalis at nagsimula ng pumasok sa palaisipang hardin.
   
   
   
   
   
    Mula sa aking kinatatayuan ay tila parang unti-unting kinakain ang kanyang bulto ng mga halaman kaya hindi ko na alam kung saan siya lumiko. Masikap akong naghihintay haggang sa ang kalangitan ay nagkukulay kahel na. At dahil sa aking pagkabagot ay wala na akong hinintay pa kundi ang pumasok na rin sa palaisipang hardin.
   
   
   
    Sa aking pagpasok ay tumambad sa aking harapan ang makitid at tuwid na daan. Mahigpit kung hinawakan ang aking pulang saya sa kadahilanang nasasagi ito ng mga halaman. Maigi ko pa ring sinusundan ang daan ngunit sa pagdating ko sa dulo ay mas lalo akong nalito dahil sa tatlong magkaparehong daan. Ang pagkakaiba lang sa kanila ay ang kulay ng bulaklak na siyang tumutubo dito. Ang gitnang daan ay may kulay asul habang ang kanan naman naman ay may kulay pulang bulaklak at ang kaliwa naman ay may kulay itim.
   
   
   
    Ako'y na pa buntong hininga at sinimulang humakbang sa daang may pulang bulaklak. Sa aking pagtapak sa daang ito ay parang may mahikang nangyari sapagkat may napakagandang halimuyak akong na amoy. Hindi ko mapagpasyahan kung saan nanggagaling ang malakas ngunit mabangong halimuyak sapagkat kanina lang ay hindi ko man lang ito na amoy.
   
   
   
   
    Habang sa aking paglalakad ay may musika akong na ririnig sa aking tenga kaya bigla akong napatigil sa aking paglalakad. Napakaganda at napalamyos ng tugtog nito na hindi ko man lang mawari kung ito lang ba ay gawa-gawa ng aking tenga.
   
   
   
   
    Nagsimula akong maglakad muli at habang ako ay papalapit ay ngayon ko lang nakomperma kung saang instrumento ito nagmula.
   
   
   
   
    May isang lalaki ang siyang nakapikit ang mga mata sa gitna habang napapalibutan ito ng nagpupulahang mga halaman. Malaya nitong inaaliw ang kanyang sarili gamit ang plauta bilang instrumento. Ang kanyang mga daliri ay banayad na nakahawak sa kanyang instrumento. Ngayon ko lang napagtanto na isang matipuno at talentadong estrahero ang siyang tumutugtog ngayon.
   
   
   
    "Ate Selene!" Ang aking atensyon ay biglang nalipat sa batang lalaki na kanina ko pa hinahanap. Masaya itong nakangiti at nakayakap sa aking saya.
   
   
   
    "Z-Zaric?" Masyado ba akong nakatitig sa lalaking estranghero kaya hindi ko na pansin si Zaric na ngayon ay katabi ko lang pala. Naramdaman ko naman ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya sapagkat nahuli yata ako ng estranghero sa aking pagtitig kanina sapagkat ngayon lang ay makahulogan itong nakangiti.
   
   
   
    "Pasensya po Ate ha...medyo natagalan po kami. 'Wag po kayong mag-alala dahil malapit na po kaming matapos." Turo niya sa direksyon kung saan tumutugtog ang estranghero. Hindi ko naman magawang tumingin sa kadahilanang ako ay nahihiya. "Dito po muna kayo Ate, at pagkatapos po nito ay ipapakilala ko po ang aking guro at saka na rin ang matalik na kaibigan ng aming kaharian," dagdag pa ni Zaric. Tango lang ang aking naisagot sapagkat agad-agad ding umalis si Zaric patungo sa dalawang kalalakihang may kanya-kanyang bitbit na instrumento.
   
   
   
   
    Ngayon ko lang napagtanto na ang instrumentong hawak-hawak kanina ni Zaric ay isa pa lang gitara. Umupo ito sa bangkong para sa kanya at sinimulang banayad na kinalabit ang mga kuwerdas ng gitara. Pangiti-ngiti pa itong tumutugtog kaya ako rin ay napapangiti. Hindi ko maiwasang ipagtama ang aking dalawang palad para makasabay sa musikang kanyang ginagawa.
   
   
   
   
   
    Napatingin na rin ako sa estrangherong pumapalakpak din, sumasabay din siya sa pagtugtog ni Zaric ngunit ang nakakapagtaka lang ay nakatingin ito sa akin habang nakangiti. At dahil dito ay nag-uunahang nagsilakihan ang aking mga mata na naging dahilan ng paglingo nito at tahimik na napatawa sa aking reaksyon. Mabilis kong ibinalik ang aking atensyon kay Zaric at pilit na ipako ang aking isip sa himig na aming nadidinig.
   
   
   
   
    Ramdam ko pa rin ang panaka-nakang pagtingin ng estranghero sa aking direksyon na nagiging dahilan nang pamumula ng aking tenga. Gusto ko sanang umalis upang pagtakpan ang aking hiya ngunit masyado nang matagal ang pagkaka-upo ko rito. Natapos na rin ang pagtugtog ni Zaric at saka kami ay nagsipalakpakan.
   
   
   
   
   
    "Ate Selene! Ate Selene," tawag ni Zaric sa akin. Mabilis itong ikinabit ang kanyang gitara sa kanyang balikat at patakbong lumapit sa akin. Inabot ko ang kanyang kamay na tuwirang nakalahad sa akin. Pilit niya akong hinihila patayo kaya wala akong magawa kundi sumunod na lang. Papalapit kami sa dalawang kalalakihan na kanina lang at kasama niya sa pagtugtog.
   
   
   
    "Mga ginoo, gusto ko sanang ipakilala sa inyo si Ate Selene," wika ni Zaric na naging dahilan nang pagtingin nila sa aking kinatatayuan.
   
   
   
    "Ito nga po pala ang aking guro sa musika." Turo ni Zaric sa lalaking may katandaan na. "At ito rin po pala si Haring Adagio galing sa kahariang Variko. Kilalang-kilala ang kanilang kaharian sa larangan ng sining at musika. Siya nga rin po pala ang tinutukoy ko, ang matalik na kaibigan ng El Lioner." Hindi na ako nagulat kung may mataas na katungkolan nga ang estrangherong nasa aking harapan sapagkat sa tindig pa lang at uri nang pananamit nito ay masasabi mo na nga na may mataas itong pinanghahawakang ranggo.
   
   
   
    Inilahad ko naman ang aking kamay upang makipagkamay ngunit hindi naman ito inabot ng guro. Sa halip ay humakbang ito paatras at saka inilagay ang kanyang isang palad sa kanyang dibdib at yumuko nang bahagya.
   
   
    "Isang napakagandang pagkakataon na makita at makilala ko kayo ngayon mahal na Reyna," magalang niyang wika. Yumuko na lang din ako ng bahagyan at sabay na ngumiti sa kanya bilang tugon.
   
   

 
   
    At bago ko lingonin ang isa pang estranghero ay palihim akong bumuntong hininga. Tahimik akong dumadalangin na sanay hindi na muling maulit ang nararamdaman ko kaninang hiya.
   
   
   
  
    Tulad nang ginawa ko kanina ay inilahad ko rin ang aking kamay at simpleng ngiti ang nakapalitada sa aking mukha, "Isang magandang araw din ginoong Adagio. Isang karangalan na makilala ko kayo at makita ang iyong gilas sa pagtugtog na plauta," ani ko.
   
   
   
    Marahil sa katamtamang sinag ng araw ay nagiging dahilan ito ng pagkulay kuyumanggi ng kanyang mga mata. Direkta niya akong tiningnan na para bang inuusisa  ang aking pisikal na kaanyuan at saglit itong napangiti at saka ay inilingo ang kanyang ulo na tila ba ay may nakita siyang nakakamanghang bagay.
   
   
   
    "Hindi ko inaakala na ang mokong na 'yon ay magkakaroon nang napakagandang kapareha," saad niya sabay nakipagkamay sa akin.  Dahil sa kanyang isinawika ay naging dahilan ito nang pagpula ng aking pisngi at pati na siguro ng aking tenga.
   
   
   
   
   
   
    "Pwede ba kitang mahiram ng saglit kung hindi kayo magkakatuloyan dalawa ng mokong na 'yon. 'Wag kang mag-alala iingatan at aalagaan kita sa palasyo ng Variko Mahal kong Binibini," wika niya na naging dahilan nang pagkunot ng aking noo. Hindi ko lubos maintindihan ang gusto niyang sabihin kaya tinangka ko na sanang bawiin ang aking kamay ngunit mahigpit niya itong hinawakan, sakto lang upang hindi niya ito mabitawan.
   
   
   
   
    Napatawa naman ito ulit kaya mas lalo akong nalito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagtawa   bago nito itinuro ang kanyang daliri sa isang mataas na parte ng kastilyo. Sinundan ko ang direksyon na kanyang itinuro at kung hindi ako nagkakamali ay si Alec ang siyang nakatayo sa balkonahe at diretchong nakatingin sa amin.
   
   
   
    "Ang sarap talaga paglaruan ang baliw na 'to," bulong ni Haring Adagio sa kanyang sarili. At pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay mabilis niyang hinalikan ang likod ng aking palad kaya napaatras ako sa kanyang ginawa. Ngunit mas lalo akong nagulat dahil sa malakas na kulog na siyang dumagundong sa buong paligid.
   
   
    Napakalakas nito na naging dahilan ng aking pagtalon saglit at panginginig ng aking tuhod. Unti-unting nagsibagsakan ang mabibigat na butil ng ulan sa langit at mas lalong rumami ang kulog na aking nadidinig na naging dahilan ng aking pagkatakot. Habang si Haring Adagio naman ay panaw ang tawa na para bang isang kalokohan lang ang biglang pag-iba ng kondesyon ng langit, mula sa mainit ay naging makulimlim.
   
   
   
    "Ah-eh K-Kuya Adagio?" Biglang sumulpot si Zaric na para bang takot na takot. Nasa gilid na ito ng aking saya at hawak na nito ang malaya kong kamay.
   
   
    "Oh bakit Zaric?" inosente sagot ni Haring Adagio. Hindi maikakaila na pigil itong tumatawa
   
   
   
    "Pwede mo na sigurong bitawan ang kamay ni Ate Selene...baka pa ay..." Turo ni Zaric sa kamay naming dalawa. Takot ang nakapalitada sa mukha ni Zaric at hindi ko naman alam kung saan nagmumula ang takot na kanyang nararamdaman. "Ayaw kung masaktan ang Ate Selene ko."
   
   
   
   
    Mula sa masayang aura ni Haring Adagio kanina ay biglang napalitan ng tamad na mukha. Nakapalungbaba ang balikat at bumuntong hininga. "Ano ba naman kasi 'yang Kuya mo hindi na mabiro. Napaka-pikon pa rin kahit ang tanda-tanda na. Sus, kung alam mo lang kung gaano yan ka sutil mapahanggang ngayon," wika nito kay Zaric at saka ako tiningnan, "Alam mo Binibining Selene seryoso ako sa wika ko kanina." sabay kindat pa nito .
   
   

   
  
   
     "Ate Selene nandito na po sina Ate Liany," mabilis na kinuha ni Zaric ang aking kamay mula kay Adagio. Mabilis na lumapit sina Liany sa aming direksyon at agad   kaming binigyan ng tunika upang hindi  na kami mababad pa ng ulan. Mabilis nila itong inilagay sa aming ulo at balikat.
   
   
   
    "Alalayan n'yo na ang Reyna at pati na rin si Prinsipe Zaric. Kumuha na rin kayo ng tunika para kay Haring Adagio," sigaw ng babaeng medyo malayo sa amin, sa aking palagay siya yata ang tagapagmahala sa mga tagapagsunod sapagkat agad na tinalima nito ang kanyang sinabi.
   
   
   
   
    "Halika na po Mahal na Reyna." Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at pati na rin ang kulog. At habang kami ay naglalakad pabalik ay hindi ko maiwasang mapatingin muli kung saan ko nakita si Alec kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay nandoon pa rin ito nakatayo katulad ng posisyon nito kanina. Nakatingin ito nang diretso sa aming direksyon at parang walang pakiramdam dahil sa basang-basa na ito ng ulan ngunit hindi pa rin ito umaalis sa kanyang kinakatayuan.
   
   
      
 •••••••••••••••
Hi Everyone, tapos na rin po siya! Salamat sa paghihintay!

Vote!
Comment!
Stay safe, Daisies!
Follow for more up-coming Stories!

PS; Na-ghost ako mga kapwa readers. Legit na mapanakit kaya late update tayo mga Bebe.
    
   
   

The Rejected MateWhere stories live. Discover now