Chapter 16

96 7 2
                                    

Habol hininga ang aking pagtakbo hanggang sa makita ko na ang dulo ng lagusan. Agad na tumalpak sa aking balat ang napakalakas na buhos ng ulan na nagbigay ng malamlam at mahapding pakiramdam dahil sa malakas na pagbuhos nito.



And kaninang maliwanag na repleksyon ng buwan ay unti-unting kinakain ng malungkot na ulap. Kaba ang siyang namayagpag sa aking puso dahil alam kung alam na ng boung San Saurez na nawawala ako at lalong-lalo na si Alec.



Hindi pamilyar ang boung paligid at hindi ko rin malinaw na nakikita ang daanang aking tinatahak. Pawang kadiliman lang ang aking naaaninag ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin ako nagpapigil sa aking pagtakas. Maingat na kinakapa ang aking dinadaanan. Pabulong kong pinapasalamatan ang kidlat na siyang kahit papaano ay nagbibigay ng pansadaliang ilaw sa daan. Sa bawat kidlat na dumadaan ay maagap kong dinidilat ang aking mga mata at pilit na kinakabisado ang aking tinatahak.



Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ngunit pakiramdam ko ay nasa gitna na ako ng gubat ngunit mas lalo ring lumalakas ang kidlat at kulog. Walang ni ano mang anino ng hayop ang aking nakikita pero nakakarinig ako ng malalakas na kaluskus sa mga kahoy. Napahawak na lang ako sa aking dibdib na panay ang malakas na pagtambol nito.



"Hindi na pwedeng magpatinag pa," bulong ko.

Hindi rin nagtagal ay may narinig akong napakalakas na ragasa ng tubig. Sa kabila ng napakalakas na pagbuhos ng ulan ay dinig na dinig ng aking dalawang tenga ang malakas na ragasa. Ang puso kong kanina'y binabalot nang takot ay napalitan ng pag-asa.



Maaaring makahanap ako ng daan papalabas sa gubat na ito sa pamamagitan ng ilog. Mabilis na tinahak ng aking paa ang ilog. Sa kabila ng kaluskos na aking naririnig sa aking paligid ay hindi ako nagpatinag. At hindi naman nagtagal ay nakita ko rin ang ilog na aking hinahanap.



Mas lalo hindi nagpatinag at hindi na nagpatumpik-tompik pa at maingat na sinusundan ang ragasa ng tubig.



Habang abala ako sa paglakad ay mas lalong lumakas din ang kaluskos sa mga kahoy na aking na dadaan kaya hindi ko maiwasang tingnan ang ito. Bigla akong napatigil at nanginig sa takot dahil sa aking nakita. May mga mata ako na siyang aking nakikita, mga matang hindi pangkaraniwan sapagkat binabalot ito ng dugong kulay. Bumalik ang aking ulirat ng nadinig ko itong umaalolong. At tsaka ko lang na kumpira ang mga nilalang na ito.



And mga taksil na lobo, tinatawag itong "Ulos-lus". Ang mga Ulos-lus ay ang mga uri ng lobo kung saan ay piniling magtaksil sa kanilang lahing lobo sa pamamagitan ng pagtanggi sa kapangyarihan ng dyosang lobo. At dahil sa pagtanggi ng mga ito sa dyosa ng buwan ay naging dahilan ng pagkasira ng kanilang bait at nagiging resulta ito panghabangbuhay na kaunyoan bilang isang lobo. At kahit sino pa man ay wala pang-nakakagawa na ibalik ang sino man na lobo na siyang nasiraan ng bait.



"Ito na ba ang aking katapusan?"



Ang aking mga paa na naninigas dahil sa takot ay pilit kung iginagalaw. Napabuga ako ng malakas at saka pilit na tumakbo papalayo mula sa mga matang pula na nakatingin sa'kin. Narinig ko naman ang malakas at nakakatakot na alulolong nito na pilit ba nitong pinapahiwatig na hindi ito sang-ayon sa aking ginawang pagtakbo. Hindi ko na tinangka pang tumingin sa aking likod pero ramdam ko ang mabilis na pagtakbo nito dahil sa malakas na pagkaliskis ng mga dahon sa aking paligid.



Ang lagay ng aking damit na kaninay puno ng putik ay hindi na maikakaila na saya dahil sa dami nang gusot at sira dahil sa mga sanga ng kahoy na siyang sumasagi nito. At aking puso ay parang gusto ng tumalon papa-alis sa aking dibdib dahil napakalakas na pagtambol nito. Nang dahil sa kaba ay tila ba nawalan na nang kakayahan ang aking katawan na makaramdam nang sakit sapagkat gamit ang liwanag ng kidlat ay hindi maikakaila na may mga dugo na siyang nanggagaling sa maliliit ko na sugat.



Ang kaninang kaba na aking nararamdaman ay hindi maihahambing sa kaba na aking nararamdaman ngayon. Wala na akong paki-alam kung ano mang bagay ang aking natatapakan. Ang mahalaga ngayon ay ang aking buhay. Sa aking pagtangkay paglingon sa aking likuran ay nakaramdam ako nang hapdi sa aking likuran hanggang sa aking mga kamay. Napagtanto ko na nakalmot na pala ako. Ang dugo kong nagsimula nang lumingkis sa aking balat. Rumaragasa ito kasabay sa ulang dumadalantay sa aking katawan. Ramdam ko ang lamig ngunit ramdam ko rin ang init mula sa sariwang sugat.



Mas lalo kong binilisan ang pagtagpo ngunit huli na nang may kahoy ang siyang humagip sa akin. Naging dahilan ito ng aking pagkatilapon sa gilid at huli na upang makatayo nang nakita kung aamba na nang pagtalon ang nilalang sa akin.



Ngunit bago pa man dumapo ang mga matutulis na kuko nito ay may malaking lobo na siyang dumakmal nito. Napakapamilyar nito dahil sa kulay ng balahibo at ng mga mata. Makikita sa aking harapan ang napaka-marahas na pagsasagupa ng dalawang nilalang. Napakabangis ng ginawang pagkalmot nito sa bawat isa't isa. Ang mga balahibo ng mga ito ay unti-unting napapalitan ng dugo na siyang dahilan nang pagtaas ng aking balahibo.



Hindi ko namalayan na ang kaninang nilalang na siyang nakasunod sa'kin ay nakahandusay nasa lupa at wala ng buhay. And lobo naman ay unti-unti bumabalik sa kaanyuan nito bilang tao. An mukha ni Alec ay nababalot sa emosyong pag-aalala at agad itong pumunta sa aking direksyon.



"Selene..." walang bakas ng galit ang kanyang boses kundi puno ito nang pag-aalala. Dahil dito ay nakaramdam ako ng hiya at lungkot sapagkat napagtanto ko na magkaibang-magkaiba ang lalaking itinadhana sa akin. Ang lalaking nakaluhod sa aking harapan ang unang lalaking nagparamdam ng lungkobt kung ako man ay mawawala.



"Selene 'wag kang matakot dahil nandito na ako. Hinga ng malalim." Hawak nito ang aking mga kamay na nanginginig at saka marahang idinampi nito ang kanyang labi sa aking noo. Nalalabanan ng aking mata ang pagtangkang pagtulog ng aking katawan ngunit kahit ganoon ay parang lumalabo ang boung paligid. Masimple akong napangiti sa kabila nito sapagkat napakagandang dinggin ang aking pangalan mula sa bibig niya.



Ang mga bisig ni Alec ang ngayo'y nakapulupot sa aking likod ngunit hindi ko mapigilan na humalinghing dahil sa sugat sa aking likod. At dahil dito ay napa-estatwa si Alec at agad na tiningnan ang aking likod.



"Selene 'wag na 'wag kang matutulog, paki-usap ko."



Malakas itong napamura dahil sa dami na ng dugo ang siyang nawala sa akin. At agaran nitong tinapik ang aking balikat na sinuklian ko naman ng mahinang ngiti. At mabilis napalitan nang dilim ang aking paligid at unti-unti na ring nawawala ang mga ingay sa aking paligid.



----


Olala... Been a while but here I am. Happy Feb-ibig! Please do leave a comment and vote.

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon