Chapter 9

203 17 2
                                    

 
    Hindi ko pa rin lubos  maisip ang nangyayari sa akin, hindi ko mawari kung bakit at ano ang dahilan ng lahat na ito. Pakiramdam ko'y pinaglalaruan ako ng aking tadhana. Matagal ko nang gustong makamit ang tahimik at mapayapang buhay ngunit nandito na naman ako sa sitwasyong ganoon din sauna. Ang pagkakaiba lang ay nasa ibang kastilyo at sa ibang lobo  ako nakalaan.
   
   
   
   
   
    Taimtim kong tinitingnan ang aking repleksyon sa salaming nakaharap sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagdampi ng aking daliri sa markang nakalagay na ngayon sa aking balagat, ito'y nagsasabi na ako ay habangbuhay ng nakalaan sa isang nilalang na nagngangalang Alec.
   
 
   
   
    Hindi ko inalintana ang lamig ng tubi na siyang malayang dumadaloy sa aking mga balikat patungo sa iba't ibang parte ng aking balat. Tila parang manhid ang aking buong pagkatao habang tinitingnan ang aking repleksyon. Hindi ko na mabilang ang minuto o oras na ang dumaan habang nandidito ako sa banyo.
   
   
   
   
   
    Habang tinitingnan ko ang aking sarili ay kitang-kita ng aking dalawang mata ang walang kakulay-kulay kong mga labi at pati na din ang panginginig ng aking katawan ngunit wala akong pakialam. Ang utak ko ay masyadong akupado ng mga pangyayari sa aking buhay.
   
   
   
    Nagsisimula na akong matakot sa aking sarili dahil sa aking nararamdaman. Ilang araw na ako dito at ilang araw ko na ring hindi nakikita si Alec, may ibang parte sa aking puso ang nalulungkot dahil sa hindi ko man lang siya makita. At gusto kung tumakas sa kinalalagyan kung ito ngunit may kung ano ang siyang pumipigil sa akin.
   
   
    Gusto kung tumakbo sa malayo subalit ang mga paa ko ay tila'y mga ugat ng kahoy na matayog na nakabaon sa lupang wala man lang kasigurohan.
   
   
   
    Bigla akong napatalon dahil sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang bumukas ang pinto sa aking likod. Tumambad sa aking harapan ang babaeng may hawak-hawak na tuwalya at nalilitong nakatingin sa akin. Mabilis niya akong hinila palayo sa napakalamig na tubig at agad na pinulupot ang tuwalyang hawak niya.
   
   
   
    "Mahal na Reyna! Bakit n'yo na man po hinahayaang lamigin kayo. Nanginginig na po yung boung katawan n'yo pero hindi pa rin po kayo nagpapatinag," maririnig sa boses niya ang pag-aalala habang abala ito sa pagpatay ng tubig. Agaran niya akong dinaluhan at ginabayan pa punta sa aking kama.
   
   
    "Nag-aalala po talaga ako kung ano na ang nangyayari saloob sapagkat kanina pa po ako kumakatok sa pinto n'yo ngunit hindi n'yo man lang pinapakinggan ang pagtawag ko. Kaya binuksan ko na agad ang pinto na wala man lang pahintulot, pasesnya po." Bahagya nitong iniyuko ang kanyang ulo upang ipakita ang kanyang pagpapaumanhin. Ngunit mabilis din siyang bumalik sa kanyang trabaho. Kumuha pa ito ng isang tuwalya at pinulupot sa aking buhok na sobrang basa. Nakatingin lang ako sa kanya habang lakad ito nang lakad sa aking silid. May iilan pa itong kinuha na hindi ko man lang alam.
   
   
   
   
    "Naku...baka magkakasakit pa kayo nito. Kukuha na lang siguro ako ng mainit na inomin para po sainyo. May gusto ba kayong kainin Mahal na Reyna?" tanong nito habang marahang idinadampi ang bimpo sa aking balikat. Yakap na yakap ko pa rin ang aking sarili habang blangkong nakatingin sa dalagitang inaasikaso ako.
   
   
    "Ito po pala ang damit n'yo. Sige po pupunta muna  ako sa baba upang makakuha na ako ng inomin n'yo. D'yan lang po kayo." Inilahad nito ang isang puting damit bago lumabas sa kwartong kinasisidlan ko. Agad ko ring sinuot ang damit na binibigay niya.
   
   
   
    Ngayon ko lang naramdaman ang lamig kaya mas lalo kung niyakap ang aking sarili. Walang akong magawa kundi tingnan ang apat na sulok ng kwartong ito. Masyadong maganda ngunit ramdam ko ang lungkot mag-isa. Ang mga malalaking bintana ay hindi magawang lusotan ng sinag—parang walang kabuhay-buhay.
   
   
   
    Bigla akong napatingin pabalik sa pinto. Ang dalagitang may dala-dalang pagkain at isang tasa na may inomin. Balak ko na sanang daluhan ito upang siya ay matulongan ngunit mabilis niya naman akong pinigilan.

   
    "Huwag na po Mahal na Reyna, kaya ko na po ito. Baka mapagalitan pa ako lalo ni Haring Alec,"saad niya habang papalakad patungo sa aking direksyon. Inilapag nito ang kanyang mga dala sa malapit na mesa. Kinuha nito ang isang maliit na tasa kung saan may mainit na inomin. Makikita mo talaga kung gaano ito kainit dahil sa usok na naaaninag ko.
   
   
    "Ito po oh...mainit-init po yan kaya hinay-hinay lang po at baka'y mapaso po kayo." Mahinhin itong ngumiti. Pakiramdam ko ang swerte-swerte ko ngayon dahil sa magandang trato na nakukuha ko. Hindi tulad ng dati na tila lahat ng nilalang na nakapalibot sa akin ay gustong mawala ako.
   
   
   
    "S-Salamat dito ha," nahihiya akong napangiti at lihim na nagpapasalamat sa Dyosa.
   
    "Wala po yun, isang pribilihiyo ang maglingkod sa inyo at lalong-lalo na sa Hari." Iniyuko nito ulit ang kanyang ulo. Bumalik ito sa kanyang ginagawa, naglakad ito patungo sa bintana at inalis ang kurtinang tinatakpan ang sinag. Agad akong napapikit dahil repleksyon ng araw.
   
   
    Habang ang sinag ay dahang-dahang gumagapang sa desinyo ng buong kwarto, dito ko lang napagtanto ang kagandahan nito. Ang mga desinyo ay napaka-detalyado, mula sahig patungo sa kisameng may mga nakasabit. Ngunit ang mas lalong nagpabigay ng buhay nito ay ang mga nakalilok na mga bulaklak sa buong kisame.
   
   
  
    "Napakaganda pala ng kwartong ito, bakit ngayon ko lang napagtanto", bulalas ko sa aking sarili. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tingnan ang apat na sulok ng buong kwarto. "Pwede ko bang tanongin kong kaninong kwarto ito?"
   
   
    Mahinhin itong tumango at sabay na ngumiti, "Napakaganda po talaga ng kwartong ito. Ito po kasi ay kabilang sa mga mahahalaga at pribadong silid ng palasyo sapagkat pagmamay-ari ito ng yumaong Reyna," may bahid ang boses nito ng lungkot habang nakaharap sa akin.
   
   
    "Pasesnya, hindi ko sinadyang tanongin iyon na dala lang ng kuryusidad." Kahit hindi ako lobo ay alam na alam ko kung ano ang pakiramdam kung paano mawalan. Hindi basta-basta ang mawalan ng taga-gabay tulad ni Inang, ang babaeng lobo na tinuring akong anak sa kabila ng pagkakaiba ko.
   
   
    Ngumiti ito ng marahan, "Ayos lang po yon, nalulungkot lang talaga kami sapagkat napakabuting Ina niya po sa kawan ng El Lioner. Lahat ng babaeng lobo ay hinahangan po siya dahil sa taglay niyang talino at ganda." Habang nagsasalita ito ay makikita mo ang kinang ng kanyang mga mata.
   
   
    "Nakakamangha namang pakinggan, mapapangiti siguro ang Reyna kung naririnig nito ang mga sinasabi mo."Napangiti naman ito dahil sa aking papuri. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
   
   
  
    "Li-Liany Dacia po Mahal na Reyna," Nakatayo ito malapit sa bintana at mahinhin paring nakangiti. Tumayo naman ako mula sa pagkaka-upo mula sa aking kama upang daluhan ito.
   
   
   
    "Ako nga pala si Selene Mediato." Mahinhin akong ngumiti at inilahad ang aking kamay sa kanyang direksyon. At dahil sa aking ginawa ay tila napa-atras ito mula sa kanyang kinatatayuan.
   
   
    Ilang segundo siyang nakatingin lang sa aking kamay dahil sa gulat. Kinalaunan ay natauhan din ito at mabilis niyang pinagpag ang kanyang kamay gamit ang kanyang damit. Ngunit, bago pa niya matapos ang kanyang ginagawa ay mabilis ko nang pinagsaklop ang aming kamay kaya mas lalo itong nagulat.
   
   
    Pwede naman siguro akong magkaroon ng kaibigan dito para kahit papaano ay hindi ko ramdam ang mag-isa. At siguro rin naman ay magiging malapit na kaibigan kami ni Liany kahit sa laki ng agwat ng aming edad
   
   
  
   
   
    "Salamat pala kanina Liany." Maligalig akong napangiti dahil sa ideya na sa wakas ay magkakaroon din ako ng kaibigan. Mukha naman siyang mabait.

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon