Chapter 2

232 18 5
                                    


"Salamat po Binibini sa pagligtas mo sa aking buhay," nahihiyang wika ng batang lobo sa'kin habang nakangiti ito. Ang malatsokolate nitong mga mata ang unang bumati sa'kin at ang magaan nitong ngiti.

"Walang anuman." Sabay ngiti sa kanya

"Ano po pala ang pangalan mo, Binibini?"

"Selene, Selene Macoaza," tugon ko. 

"Maganda pong makilala ka Binibini, Ako nga po pala si Zaric." At ngayon ay nakalahad na ang kamay nito habang malawak na nakangiti. 

I know this thing is not a good idea. Welcoming this kind of opportunity may lead to something that no one ever expected but I can't say no with this cute face in front of me. Despite of the visible mark on Zaric's leg that indicates he is a full blood wolf I couldn't ignore how his cheeky grin playing on his face which also brought a smile to my face. He is innocent of how this world works and I can't blame him for that. 

Nasa kalagitnaan kami ng gubat, nagpapahinga dahil sa ginawa naming walang tigil na pagtakbo palayo sa kinasasadlakan namin kanina. Mabuti na lang at nakatakas kami mula sa panganib.

"Ang ganda naman ng pangalan mo Zaric." Nakarehistro sa aking mukha ang malumanay kong ngiti  at sabay kung inilahad ang aking kamay sa harapin nito upang ipakita ang aking pagbati.

 Mas lalong lumawak ang ngiti ni Zaric. Isang ngiting puro at makatotohanan, kung sana nga lang ay buhay pa ang aking Inang, hindi sana ako maghihirap nang ganito. 

"Salamat ulit Binibining Selene sa pagligtas mo sa'kin."

Marahan akong napangiti, "Naku! wag mo nang isipin yun. Isang maliit na bagay ang tulongan ang mga nilalang na nangangailangan." Dahil sa mga salitang kanyang narinig ay mas lalo lang lumawak ang ngiti nito. I can't explain what I am feeling but I like this company. This kid who is smilling towards me has this very nice aura that makes me feel comfortable for no reason.



"Binibining Selene alam kong lubos na iyong pagtulong sa'kin ngunit hihingi sana ako ng pabor, kung maari man lang." Tahimik parin kaming naglalakad sa gitna ng kagubatang San Saurez. Ang araw na unti-unting lumulubog sa gitna ng dalawang bundok ay nagbibigay nang magandang tanawin sa aming dalawa.



"Ano naman 'yon Zaric?" Napayuko akong nakatingin kay Zaric upang magpantay ang aming tingin. Hindi talaga maipagkakaila ang taglay na itshura ng batang ito dahil sa mahahaba nitong pilikmata at sa tindig nito na tila ba kasama sa mga maharlikang uri.



"Nawawala po kasi ako dito, hindi ko po alam kung papaano makaka-alis. Hindi ko po kasi ina-akala na mapapadpad ako rito habang sinusundan ang mga ibon na aking pinag-aaralan." Bakas sa mukha nito ang takot at hiya. 



Marahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang balikat at magaang ngumiti. " Huwag kang mag-alala Zaric matutulungan kitang makaalis rito."

Ang reaksyong nakarehistro sa kanyang mukha kanina ay agad na napalitan nang saya at galak dahil sa narinig nito mula sa'kin.



"Talaga po? Sobrang nagpapasalamat po talaga ako Binibining Selene dahil nandito kayo upang tulungan ako. Tama nga po si Ina, kahit saan ako pupunta nand'yan siya upang bantayan ako," saad nito.



"Ang Ina mo rin ba ang nagbigay sayo nang maganda mo'ng pangalan?" ani ko. Hindi ko alam kung bakit hinihila ako ng aking kuriosidad, marahil ay ganito ang epekto sa'kin ng mawala ako sa kinagisnan kong mundo. 



I am curious how the world is going without me. 





Malumanay itong napatango sa aking sinabi, "Opo Binibini, tulad ng aking pangalan ay ganoon din kaganda ang aking Ina. Lahat ng lobong nakakakilala sa kanya ay talagang hinahangan siya dahil sa taglay niyang ganda at bait. Sabi pa nga ng aking mahal na kapatid na hindi na raw ito magmamahal ng iba pangbabae-kundi ang aking Ina lang." Habang kinukwento ni Zaric ang kanyang Ina, ang mukha nito ay may emosyon ng pagmamahal at' saka lungkot. 

The Rejected MateWhere stories live. Discover now