Chapter 5

200 15 1
                                    

"Selene, nasaan ka na? Bakit nagtatago ka sa'kin aking walang kwentang kapares," saad ng lalaking may madaming piklat sa kanyang braso. Ang aura nito ay napaka-itim tulad rin ng kanyang mga mata. Ramdam na ramdam sa buong kwarto ang galit na nangingibabaw sa kanyang puso.

    Ang buong tuhod ko ay nanginginig dahil sa takot at kaba. Ramdam ko sa boses ni Batic ang panggagalaiti sa galit. Nandito ako sa gilid ng kama nagtatago, taimtim na nanalangin na sana'y hindi niya ako mahanap.

    "Selene, kapag ayaw mo pang lumabas d'yan ay mas lalo ka lang malilintikan sa'kin," pagbabanta nito sa'kin. Nakadinig ako ng napakalakas na paghataw sa pader na naging dahilan ng pagkagulat ko. Kumawala sa'king labi ang malakas na pagsinghap kaya mabilis kung tinakpan ang aking bibig gamit ang dalawang nanginginig kong mga kamay.

    At dahil sa aking na gawang ingay ay mas lalo akong natakot ngunit taimtim akong humihiling na sana'y hindi ako narinig ni Batic.

    Isang malakas na sarkastikong pagtawa ang aking nadinig, "Hmm...Akala mo hindi kita nadinig Selene." Bago ko pa mailingon ang aking ulo upang makasilip ay bigla na lang may napakahigpit na kamay ang tahasang nakahawak sa'kin at bigla ako nitong hinablot kaya kumawala sa aking bibig ang mahinang pagsinghap.

    "Akala mo hindi kita mahahanap? Sa ang lupalup ka man magtago mahahanap parin kita. Ang napakaganda mong amoy na siyang iyong tinataglay ang magiging paraan para makita kita," saad ng aking kapares nasi Batic. Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa'kin, sa paraan ng pagtitig nito ay tila ako ang pinaka-ayaw niyang makita sa buong buhay niya.

    Ang pag-ibig na inaasam ko sa kanyang mata at hawak na gusto kung madama ay kabaliktaran ng aking natatamasa ngayon. Isang napakalupit na lalaki ang nasa aking harapan, hindi katulad ng kwenekwento ni Inang sa'kin.

    "Batic pakiusap bitawan mo ako, ako'y nasasaktan sa paraan ng paghawak mo sa'kin," saad ko habang nakayuko ang aking ulo. Pinili kung huwag tingnan ang kabuan niya dahil mas lalo lang akong umaasa na magbabago din siya, sana'y mahalin n'ya din ako tulad ng aking nararamdaman.

    Sarkastiko itong tumawa sa'kin na tila ba isang nakakatawang biro ang aking sinabi. At gamit ang kanyang hintuturo ay marahin niyang itinaas ang aking baba. Ang kaniyang  mukha ay napalitan ng napakaseryosong emosyon at delikadong nitong itinuon ang kanyang paningin sa'kin.

    "You deserve it anyway Selene. Kung hindi ka lang sana tao hindi magiging ganito ang pagtrato ko sa'yo," saad ni Batic. "Alam mo ba na hindi ako makapaniwala na ikaw ang babaeng itinakda sa'kin kasi sabi ng mga nakakatanda na ako'y magkakaroon ng kaparehang napakalakas na magiging dahilan ng paglakas ng aking kaharian. Pero nagkamali sila, isang walang kwentang kwento lang pala 'yun. Akala ko nga din na si Cora ang itinakda sa'kin pero akala ko lang pala, makikita nga sa aking harapan ang babaeng napakahina at wala man lang kapangyarihan na tinataglay."

    Parang isang napakalamig na tubig ang ibinuhos sa'kin dahil sa mga salitang nadinig ko sa aking kapares. Hindi ako makapaniwala, parang napakatalim na punyal ang mga salitang ibinabato ni Batic na naging dahilan nang unti-unting pagkadurog ng aking puso. Hindi ko alam na ganito pala ang tingin ni Batic sa'kin, para sa kanya isa lang akong babaeng ordinaryo na kayang palitan kahit anong oras o araw kung kailan niya gusto.

    Pinipigilan kung magbadya ang aking mga luha, ayaw kung ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Mahigpit kung hinawakan ang kanyang mga kamay na s'yang mahigpit na nakahawak sa aking braso. Pilit kung kinakaya ang sarili kung bigat kahit na namamanhid ito dahil sa aking narinig mula sa kanya kanina.

    "Pakiusap Batic, bitawan mo ako ngayon. Nasasaktan na ako sa paraan ng paghawak mo sa'kin," mahina kung saad ngunit sinisugaradong narinig niya ang aking sinabi.

The Rejected MateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora