Chapter 6

228 21 4
                                    

Habang lumilipas ang bawat minuto at oras ay mas lalong nagliliwanag ang buwang makikita sa kalangitan. Mas nakikita  ang ganda nito na para bang pinapakita nito ang kanyang walang katapusang kapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang liwanag. Ang liwanag na nagbibigay ng walang kupas na kapangyarihan na kahit sino man ay walang makapaghihigit pa.
   
   
   
   
    Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang babaeng nag-ngangalang Geneva, iwan ko ba kung bakit, ngunit ang mga salitang binigkas nito kahapon ay ngayo'y hindi ako pinapatulog. Marami akong tanong sa kanya kung bakit ganoon na lang kabigat ng kanyang isinaad? At habang pa ulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari kahapon ay tila niyayakap naman unti-unti ang aking puso ng kaba.
   
   
    Bago pa ako mabaliw sa kaka-isip ng sinabi ni Geneva ay biglang nakuha ang aking atensyon dahil sa pagsunod ni Maro sa akin. Palundag-lundag itong lumapit habang ako naman ay abala sa paghawak sa laylayan ng aking puting saya.
   
   
    Napagdesisyonan kong maligo sa kalaliman ng gabi dahil sa buwang napakabilog. Napakaliwanag nito kasabay ng mga bituin sa langit. At dahil kabilugan ng Buwan ay sabay naman ang unti-unti pagbabago ng kulay sa aking buhok, mula sa itim na kulay ay tila naging puting kristal na mga hibla.
   
   
    Hindi ko na inabala pang takpan ang ito dahil alam kung ligtas na ligtas ako sa loob ng San Saurez. Hindi tulad sa labas na sa tuwing nakikita nila ang puting kristal kong buhok ay tila tinitingnan nila ako bilang halimaw.
   
   
    Hindi na rin nagtagal ay naririnig ko na ang tunog nang nagraragasang tubig. Mas lalo akong natuwa dahil sa mga alitaptap na ngayo'y nakapalibot sa malawak na ilog. Gamit ang mga sangay ng ilang maliliit na kahoy ay mahigpit akong nakahawak para sa suporta.
   

   
   
    Napakaganda ng ilaw na ibibigay ng mga alitaptap at pati na rin ng buwan, nakatingin ako sa malawak na kalangitan at marahang nilasap ang sariwang hangin. Napagdesisyonan kong tanggalin ang telang nakatakip sa aking kabuoan. Magaang dumaosdos ang telang nakatakip sa aking katawan kaya kahit sino man ay malayang makakakita ang aking kabuoan. Hindi ko man lang inalintana ang lamig ng gabi. Unti-unti kung binababad ang aking sarili sa kalmadong ilog, ang mga kamay ko naman ay abala sa pagtanggal ng nakapusod kung buhok kaya ngayon ay malaya itong sumasabay sa hangin.
   
   
   
   
    Masaya akong nagtatampisaw habang ang buhok ko naman ay tinatangay ng agos. Gamit ang aking daliri ay ginawa ko ito bilang suklay sa aking mahabang buhok. Masaya ako habang ginagawa ito dahil sa ilalim ng tubig ay may nakikita akong isda na nakapalibot sa umiilaw kong buhok. Natutuwa din ako kay Maro na ngayo'y nasa gilid lang, parang natatakot itong magtampisaw sa tubig.
   
   
    Dahil sa mas lalo akong gininahan na magtampisay ay nagpasya kong sumisid sa malalim na parte. Habang tumatagal ay hindi ko na nararamdaman ang ginaw at mas lalo ko lang dinadama ang tubig sa aking balat. Ito ang pinakagusto kong ginagawa sa tuwing kabilogan ng buwan.
   
   
   
    Nasa malalim na bahagi pa rin ako ng ilog ng bigla akong nagulat dahil sa ingay na narinig ko mula sa madahomg parte ng gubat. Nakaramdam ako ng kaba at may bahagi sa aking puso ang tumatalon sa hindi ko malamang dahilan. May kung ano sa bahagi na yun na kakaiba.

Lihim akong lumangoy malapit sa bahagi na iyon, ang mga kamay ko naman ay abala sa magtakip ng aking dibdib. At sa aking paglapit ay nakarinig ako ng napakamalalim na hininga ng isang hindi ko man lang matukoy na nilalang. Mas lalo pa akong lumapit at taimtim na tinitigan ang damuhang bahagi, at habang tumatagal ay may kung anong nilalang ang unti-unti kong nakikita. Nagulat ako ng sa aking paglapit ay may mata akong nakita, ang mga matang hindi magkatulad ang kulay, ang kanang mata nito ay berde ang isa naman ay kulay itim. Bigla akong napaatras dahil sa gulat. Unti-unti na namang nilulukob ang aking katawan ng takot kaya naging dahilan ito ng panginginig ng aking katawan.
   
   
   
   
   
   
    Ito na ba ang kinatatakotan ko?
   
   
   
    Huli na ng aking napagtanto, na may napaka-itim na lobo ang kanina pa pala nakatingin sa akin. Ang balahibo nito ay napaka-itim n
   
    "Hindi pwede 'toh, hindi hindi," bulong ko habang sinasapo ang na nginginig kong labi.
    
   
    Wala na akong sinayang pang pagkakataon dahil mabilis akong lumayo pa punta sa mababaw na parte ngunit bigla akong nakarinig ng napakalakas na ungol na ng gagaling sa lobong nakita ko. At dahil sa ginawa nitong ingay ay naging dahilan ito ng aking pagka-estatwa sa kinaruruonan ko.
  
   
   
    Hindi na nag-alinlangan pang lumabas ang lobo mula sa kinalalagyan nitokaya mas lalo lang napatunayan ang hula ko kanina. Napakalaki nito na tila ba parang halimaw, ang mga mata niya ay ngayo'y malalim na nakatingin sa akin.
   
   
    Mas lalo akong nagulat dahil sa sunod na ginawa nito, bigla itong tumalon sa napakalalim na parte ng ilog, bigla naman akong nakaramdam ng pagkawala ng hininga dahil sa gulat. Napakalakas nang pag-alon ng tubig dahil sa malaking bagay na tumalon dito.
   
   
   
    Kakainin niya ba ako? O isa siya sa mga tauhan ni Batic? Mas lalo akong natakot sa huli kung na isip.
   
   
    Tahimik lang ako at kahit gaano ko kagustong lumangoy papalayo ay hindi man lang gustong makisama ng katawan ko. Kanina ko pa pinapagalitan ang aking isipan pero kahit man lang ang paggalaw ng aking mga daliri ay wala pa rin.
   
   
    Pagkatapos ng pagtalon ng lobo sa tubig ay banayad namang kumakalma ang alon. Naghihintay ako na umahon ang nilalang na matagal kung nang tinatakasan ngunit ngunit hanggangang ngayon ay wala paring tumatambad sa aking harapan.
   
   
    Dapat na ba akong matakot o kumalma kahit papaano.
   
   
   
 
     Nang wala parin akong kahit anong galaw na nararamdaman sa ilalim ng tubig ay napag-isip isip ko na baka'y tuluyan ng nilunod ito sa ilalim.
   
   
    "M-Maro, halika dito."Nagkaroon na din ako ng lakas ng loob upang tawagin si Maro,  kasabay naman ay aking unti-unting paghakbang papaatras ngunit bago pa ako makalayo ay nakaramdam ako ng napakamatigas na bagay sa aking likod, naging dahilan ito ng aking paghinto. Ngunit sa kabila nito ay sinikap ko pa rin na tingnan ang nasa aking likod subali't hindi ko na nagawa iyon dahil may naramdaman akong maskuladong kamay na naglalakbay sa aking bewang.
   

Mabilis akong napatingin sa aking bewang at hindi nga ako nagkakamali, may mga kamay ngang walang habas na naglalakbay. Nararamdaman ko din ang paghinga nito sa aking leeg, napakalalim na nagbibigay sa aking kaluluwa ng kilabot. Hindi ko alam pero hindi man lang makagawa ng reklamo ang aking katawan.
   
   
    Habang tumatagal ang mga kamay nito ay mas lalo ko lang nararamdaman ang buong paligid sa kabila ng pagbuhos ng malamig na hangin.
   
   
   
    "Alam mo bang ang iyong halimuyak ay matagal-tagal ng nagpapabaliw sa'kin," saad nito sa napakalalim na boses, sa bawat ibinigkas niya ay ramdam ko ang hiningang pinapakawalan nito sa aking batok. Naging sanhi naman ito ng aking pagkalito.
   
   
     Papaano niya nalaman ang kinaruruonan ko?
   
    Mas lalo akong nagulat ng ang mga kamay nito ay unti-unting gumagalaw pa punta sa aking mga balikat. At sa bawat haplos ng kanyang mga daliri ay tila nagbibigay ito ng kiliti sa aking puso, at dahil din dito ay tila nakain ko yata ang sarili kong dila.
   
   
    Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito mula sa isang estranghero walang saplot sa aking likod.
   
   
    "Akin ka na aking Mahal na Reyna."
   
   
    Biglang lumaki ang aking mata dahil sa mapangahas nitong ginawa, ang mga labi nito ay marahang hinahalikan ang mababang parte ng aking balagat. At huli na akong makapagreklamo ng bigla akong nakaramdam ng sakit. Tila ba ay may bumabaon na kung anong bagay malapit sa aking balagat, napakasakit nito na tila ba isang kagat ng napakainit na bagay. Parang tumatagos ang kirot nito mula sa aking balat patungo sa aking laman.
   
    Tila ba nawawalan ako ng hininga at ang katawan ko naman ay nawawalan na ng lakas. Ang piningin ko'y nagsisimulang manlabo, parang kinakain ako ng kadiliman at ang huling naaaninag ko ay mukha ng isang lalaki at katabi nito ang napakaliwanag na buwan. Ramdam ko din ang maskuladong kamay nito na nakahawak sa aking katawan.
   

   
   
   

  
   
   
  
   

The Rejected MateOnde histórias criam vida. Descubra agora