Chapter 10

167 17 2
                                    

"Binibining Selene?" narinig kong pagtawag sa akin ni Liany. Imbes na tumingin ako sa kanya ay nagpatuloy pa rin  ako sa paghiga. Masyadong komportable ang kamang aking kinalalagyan na hindi ko magawang umalis mula rito.
   
   
    "Binibining Selene..." Hindi pa rin ako nagpapigil sa pagsubsob ng aking mukha sa napakalambot na kumot. Kahit tirik na tirik ang araw ay tila tulog pa rin ang aking kaluluwa.
   
   
    Masyado na akong sanay sa kwarto na ito. At habang tumatagal ay nabuburyo na akong makita ang apat na sulok. Matagal ko nang hinihiling kay Liany na sana ay payagan akong makalabas rito dahil pakiramdam ko ay nakabilanggo ako at kinakailangang manatili lang kung saan ako nakakulong.
   
   
   
   
   
    Rinig na rinig ko ang mga kubyertos na inalalapag sa mesang malapit lang sa akin. Kahit gaano pa ka bango ng pagkaing inihanda ay hindi pa rin ito sapat upang bigyan ako ng dahilan upang bumangon ngayon. Masyadong akupado ang aking isip dahil sa nakaraang pangyayari ng dumating si Alec sa kwartong ito. Sinisikap kung iwakli ang mga tagpong iyon ngunit naging dahilan lang ito ng hindi ko pagtulog.
   
   
   
   
   
   
    "Mamaya na Liany...gusto pa ng katawan ko ang matulog," pagsusumamo kong wika ngunit tila hindi man lang nito naririnig ang aking sinabi. Sa bawat lakad niya ay gumagawa ito ng ingay gamit ang kanyang takong. Ang mga bintanang tanatakpan ng kurtina ay ngayon ay nakabalandra na. Ang sinag ng araw ay ngayo'y unti-unting gumagapang sa aking mukha ngunit pilit ko pa ring magtulog-tulogan.
   
   
   
   
    "Nakahanda na po ang pagkain Binibini. Mas mabuti po na gumising na kayo upang makalabas tayo ng maaga ngayon." Mabilis na napukaw ang aking kaluluwa dahil sa narinig ko. Napamulat bigla ang aking mga mata at patanong na tiningnan ito. Nakatayo ito sa bintana at pinapalitan ang mga lantang bulaklak nang bago.
   
   
   
    "Talaga? Pwede na ba talaga akong lumabas?"
   
   
   
    Mahinhin itong tumawa dahil sa aking reaksyon at sabay na tumango. "Opo Binibini, pinapayagan po kayo ng Hari na makalabas sa kwartong ito ngunit nasa ilalim ng aking pamamahala."
   
   
    Wala na akong hinintay pa na segundo at agad na tumayo sa aking higaan at anayos nang mabuti ang aking higaan.
   
   
   
    "Maraming salamat talaga Liany, hindi talaga masukat ang aking saya ngayon. Huwag ka mag-alala magiging mabait ako at wala akong kalokohan na gagawin." Takbo at lakad ang ginawa ko patungo sa kanyang direksyon. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi at agad ko siyang niyakap. "Maraming salamat talaga Liany."
   
   
   
    "Ah-ehh...Wala po 'yun Binibining Selene. Hindi po dapat kayo magpasalamat sa'kin. Ang iyong pagpapasalamat ay nararapat na ibigay sa ating Hari." Nagdadalawang isip itong yakapin ako pabalik at tumango na lang ako sa kanyang sinabi pagkatapos kong kumalas sa kanyang yakap.
   
   
    "Sige Liany, maghahanda muna ako." Umupo na ako sa isang bakanteng silya kung saan malapit lang ang pagkain. Magana kong ningunguya ang bawat putahi sa aking bibig. Pagkatapos kong kumain ay mabilis na akong pumunta sa palikuran upang makapaglinis na sa aking sarili.
   
   
   
   
    Hindi ko mapigilan ang saya. Ang aking utak ay hindi mapigilan ang mga ideyang makikita ko na naman ulit ang mga berdeng kahoy at mga damuhan. Ang malayang pagdampi ng sariwang hangin sa aking pisngi ay mas lalong nagbibigay sa akin ng buhay.
   
   
Gulat akong napatingin sa higaan kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng damit. Hindi ko mabilang kung ilang damit ang maayos na nakalatag sa kama. Ang aking kamay ay abala sa pagtutuyo ng aking buhok gamit ang isang tuyong tuwalya habang ang aking mata ay taimtim na nakatitig sa mga damit. Masyado itong napakaganda para sa aking mga mata.
   
   
   
   
    "Binibining Selene, tapos na ba kayo?" pagtawag ni Liany sa aking atensyon. Napatingin naman ako sa kanyang direksyon, may dala-dala rin itong damit. Napatango ako bilang sagot sa kanyang tanong.
   
   
   
   
   
   
     Hindi ko napansin na naglalakad na pala ako patungo sa kinalalagyan ni Liany. At ang kaninang  kamay kong abala sa pagtutuyo ng aking buhok ay ngayon naglalakbay na pala sa tela ng damit. Napakalambot at napakagaang ng kulay nito sa mga mata. Maigi kong pinagmamasdan ang paraan ng pagsisinulid nito, makikita mo talaga ang sipag at talento ng mananahi dahil sa napakapulidong gawa. Lahat ng damit na nakikita ng aking dalawang mata ay napaka-elegante.
   
   
   

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon