Chapter 12

171 21 3
                                    

Nasa gitna ako nang napakalaking hardin. May mga iba't Ibang kulay ng bulaklak ang siyang yumayabong. Habang masaya kong nililibot ang buong gubat ay may naaaninag akong babae. Nakasuot siya ng damit na purong puti at dahil sa kuryusidad ay napagdesisyonan kong sundan ito. Naglalakad siya mag-isa hanggang hindi ko namamalayan ay tumatakbo na ito palayo.
   
   
   
    Wala akong nagawa kundi tumakbo na rin upang patuloy ko siyang masundan. At habang panay ang takbo niya ay biglang may mantsa akong nakikita sa kanyang paa. Kulay pula ito at pati na rin sa sidsid ng kanyang damit ay may mantsa na rin. Nakakapagtaka sapagkat napakapula nito na tila ba parang dugo, naging dahilan ito nang pagtigil ko sa pagtakbo at pagsunod.
   
   
   
    Ramdam ko ang lamig na siyang gumagapang sa aking paa. Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa aking mga kamay na ngayon ay nanginginig.
   
   
    Hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling ang takot na aking nararamdaman.
   
   
    Napako din ang aking tingin sa aking walang saplot na paa na ngayo'y ay unti-unting kinakain nang dugo. Naging dahilan ito ng aking pag-atras at hindi ko mapigilan na mapatingin sa aking paligid. Ang kaninang napakagandang gubat na nakapalibot sa akin ay ngayo'y napalitan ng atmosperang may maraming bangkay ang nakahandusay sa boung paligid.
   
   
   
    Napasinghap ako sa gulat at sabay bulong, "Anong nangyayari?"
   
   
   
     Habang nakatitig ako sa buong paligid ay kasabay din nito ang palahaw na sigaw at iyak. Gusto kong hanapin ang mga boses na umiiyak ngunit tumambad sa aking harapan ang babaeng sinusundan ko kanina. Ang mas lalong nakakagulat pa ay magkamukha kami ngunit ang mukha nito ay may mga dugo. Ang buong damit na rin nito ay akupado na din ng dugo.
   
   
   
    "S-Sino ka?" Wala sa sariling tanong ko habang titig na titig sa kamukha kung babae na nasa aking harapan.
   
   
   
    Isang nakakatakot na ngiti ang siyang nakarehistro sa kanyang mukha na naging dahilan ng paglaki ng aking mata. Nakakatakot siyang tingnan habang ang ngiti niya ay parang wala sa sarili.
   
   
   
    "Alam mo kung sino ako Selene," saad nito. Bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay at mahigpit niya itong hinawakan.
   
   


   "Bitawan mo ako, Aray!," sigaw ko ko at pilit na inaalis ang kanyang pagkakahawak sa akin. Ngunit, hindi ako nagtagumpay kaya bigla siyang natawa nang napakalakas.
   
   
   
   
    "Kita mo ba yang nasa paligid mo Babae." Mahigpit niyang hinawakan ang aking panga at mabilis na pinaharap sa mga bangkay na ngayon ay unti-unting kinakain ng apoy. "IKAW!IKAW ANG DAHILAN NG LAHAT NA ITO. Isa kang makasariling babae! Kaya mo bang makita ang mga nilalang na kagaya nila. Nakahandusay sa digmaan para lang sa isang bagay na pinaglalaban mo?"
   
   
  
    Hindi ko mapigilan na patanong siyang tingnan dahil sa kanyang sinabi. Wala akong alam kung bakit ang sarili kong ako ay sobrang galit-na-galit sa akin. Ni isa sa kanyang sinabi ay wala akung ideya.
   
   
   
    "Alam mo ang dapat sa iyo ay MAMATAY. Hindi makatarungan ang katotohanang libo-libong nilalang ang handang magsakripisyo para lang sa buhay mo." Gusto kung tumili nang napakalakas ngunit hindi ko kaya. Tinitingnan ko lang ang babaeng kamukha ko na ngayon ay akmang sasaksakin ang aking dibdib gamit ang hawak niyang palaso. Ang naririnig ko na lang ang nakakabaliw nitong tawa.
   
   
   
   
   
  
    "Ate Selene, gising Ate! Ate!" Bigla akong napakurap at mabilis na hinawakan ang aking dibdib. Nasa aking harapan si Zaric na ngayon ay alalang-alalang nakatingin sa akin habang may dala itong kandila. Habang aking noo ay may malalaking butil ng pawis.
   
   
   
    "Ate Selene ayos lang po ba kayo?" nalilitong tanong nito sa akin. At bilang sagot sa kanyang tanong ay agad din akong tumango at pilit na ngumiti. "May masama po ba kayong panaginip Ate kung kaya'y hindi kayo mapakali sa pagtulog?"
   
   
   
   
    Marahan akong napalunok ng laway sapagkat nakakaramdam ako ng uhaw. "Ahh parang ganoon na nga Zaric."
   
   
   
   
    "Eh ano naman po yung napanaginipan n'yo Ate?" Ngayon ko lang napansin na nakasuot pa rin ng pantulog na damit si Zaric kaya napatingin ako sa siwang ng bintana. Madaling araw pa lang ngunit nasa aking silid na ang batang ito.
   
   
   
  
  
    "Ahh...wala lang 'yun Zaric. Hindi ko na rin masyadong naaalala," pagbibigay ko nang dahilan. Ngunit sa totoong-totoo lang naaalala ko pa rin ang sarili kung imahe na gustong-gustong pumatay. Ang mga detalyeng dugo sa damit nito ay tandang-tanda ko rin. Wala akong ni isang ideya kung bakit ganoon ang aking panaginip.
   
   
   
    "At ikaw naman Zaric, madaling araw pa lang bakit bigla kang napabisita sa aking silid?"
   
   
   
   
    Malungkot itong napangiti habang naka-upo sa aking  kama. "Kasi Ate naalala ko lang po si Ina, bigla lang akong nalungkot sa paggising ko. Hindi ko naman madisturbo si Kuya kaya dito na lang ako pumunta."
   
   
   
    Para namang nabiyak ang puso ko dahil sa sinabi ng batang ito. "Halika nga dito," inabot ko ang maliit na kamay ni Zaric at niyakap ito. "Kung ganoon ay dito ka na lang muna matulog ngayon at para naman ay may kasama ka."
   
   
   
   
   
    "Yehey... Salamat Ate," maligalig nitong wika at mahigpit akong niyakap.
   
   
   
    Umusog ako ng kunti sa paghiga upang bigyan nang sapat na ispasiyo si Zaric sa aking tabi. Mabilis namang lumundag pababa si Zaric at pumunta sa kabila upang dito umakyat. Lumundag ito pabalik sa kama na naging dahilan ito ng pagtalbog ng kanyang buhok. Mabilis itong sumiksik sa aking tabi.
   
   
   
    "Ate Selene, pwede n'yo rin po akong yakapin upang mawala rin ang lungkot n'yo. Ganyan din yung  ginagawa ni Ina kapag nalulungkot siya." Kahit na medyo natatabunan ng buhok ang mukha ni Zaric ay makikita ko pa rin ang malawak nitong ngit
   
   
  
    "Sige-sige." Gamit ang aking hintuturo ay marahan kung hinawi ang mga hibla ng buhok sa mukha ni Zaric. "Sa tingin ko naman ay may kapangyarihan ang yakap mo upang gumaan ang aking loob."
   
   
   
   
   
    Sumiksik ng kunti si Zaric sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. Ang maliit nitong kamay ay tila tinatapik ang aking likod. Medyo nakaramdam ako ng awa sa aking sarili dahil sa kabutihang natatanggap ko sa batang ito. Noon, akala ko talaga ay lahat ng lobo ay gusto lang akong gawing alipin ngunit sa nararamdaman at nakikita ko ngayon napagtanto kong tao rin pala ang mga lobo. Nakakaramdam din pala sila nang lungkot at saya.
   
   
   
    Mabilis kung pinalis ang mga luhang akmang kakawala sa aking mga mata. "Salamat Zaric, malaking tulong ang iyong yakap."
   
   
    "Walang ano man yun Ate Selene basta't para saiyo!" ngiti nitong wika. Kahit bata pa lang ay nagpapakita na ito ng kagwapohan na kayang magpatili sa kababaihan.
   
   
   
    "Ang lakas ko naman pala sa'yo. Oh Ano... Hmm matutulog na ba tayo?" Maingat kong isini-ayos ang kanyang buhok na ngayo'y may iilang hibla ang siyang nakaharang sa kanyang mukha.
   
   
   
   
   
    "Hmm..." Ang daliri nito ay nakaturo sa kanyang pisngi at tila ba nag-iisip  nang malalim. At mula sa malalim nitong pag-iisip ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha. "Ate! Ate! Pwede po bang magkwento kayo Ate Selene? Lagi po kasing nagkwekwento si Ina bago ako matulog noon."
   
   
   
    Marahan naman akong tumango at umayos sa pagkakahiga kaya kaharap ko si Zaric, hawak hawak nito ang kanyang unan na dala-dala kanina pa.
   
   
    "Ano naman ang kwentong gusto mong madinig?"
   
   
   
    "Gusto ko po marinig ang kwentong tungkol sa iyong Ina Ate Selene!" Masiglang wika ni Zaric na naging dahilan nang paglungkot ng aking mukha. "Ayos lang po ba kayo Ate? Ayaw n'yo po bang magkwento?"
   
   
   
   
    Biglang may mahapding sugat ang siyang bumukas sa aking puso—ang mga kwestyon na gusto kong itanong sa aking Ina. Hindi ko mawari kung bakit sa lahat na wala ako ay pamilya pa. Hindi ko man lang nagamit ang salitang Inay sa totoo kung Ina na siyang nagluwal sa akin.

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon