Chapter 7

263 21 18
                                    

May na aaninag akong babae sa aking harapan, unti-unti itong lumalapit sa akin habang tinatawag ang aking pangalan.
   
    "Selene... Selene," napakamalamyos ng kanyang boses. At sa paglapit nito ay marahan nitong hinawakan ang aking kamay at magaang itong pinisil.
   
   
    Gusto ko sanang bawiin ang aking kamay mula sa Babaeng pinapalibutan nang walang katapusang sinag, ngunit wala akong lakas. Hindi ko rin mailarawan ang kanyang mukha dahil napakalabo ng mga bagay na nakikita, pero ang kanyang tinig ay napakalinaw sa aking tingin.
   
   
   
    "Anak kong Selene." Ramdam ko ang magaang nitong paghaplos. At habang ginagawa niya ito ay parang hinahaplos rin nito ang aking puso. "Alam kong malilito ka sa maaaring mangyari sa iyong tadhana. May mga bagay kang matutuklasan sa gitna ng iyong paglalakbay. Ngunit, sana'y sundin mo ang iyong puso simula ngayon. Hindi man ganoon ka ganda ang simula ng iyong tadhana subali't huwag kang mawalan ng pag-asa. May darating sa iyong buhay, isang bagong kabanata ang siyang mabubuksan. Sana'y hayaan mo siyang punan ang mga pag-aalinlangan sa iyong puso."
   
   
    Habang naririnig ko ang mga salitang ito ay mas lalo akong nalito. Alam kong nakarehistro sa aking mukha ang pag-aalinlangan, at kahit gusto ko man lang magsalita ay walang ni pantig ang gustong lumabas sa aking bibig. Pero kahit man ganoon may kakaiba akong nararamdaman mula sa kanyang haplos at yakap.
   
   
    Hindi ko napansin na ang mga kamay na pala ng babaeng estranghero ay ngayo'y marahang hinahaplos ang aking pisngi. Sa paraan nang paghaplos nito sa akin ay para akong bata na may sensitibong balat.
   
   
    Bakit na nakakaramdam ako ng ganito? Bakit may parti sa puso ko na natutuwa? Bakit parang namimiss ko siya lalo?
   
   
    "Ang hiling ko lang sana'y huwag ka kaagad na sumuko Selene, huwag ka ng tumakbo mula sa mundong kailangan ka. Hinihintay ka na ng mundong mortal, Anak." Mabagal na inihilig niya ang kanyang mukha at idinampi ang kanyang labi sa aking noo upang bigyan ako ng halik.
   
   
   
    Ang kanyang malambot na buhok at ang pigura niyang parang Dyosa ay unti-unting nanlalabo kung nakikita. Naramdaman ko rin ang dahan-dahan niyang pagbitaw sa akin, at sa punto din yun ay tila nararamdaman ko na ako'y nahuhulog. Parang nahuhulog ako sa walang katapusang dilim at maigi kong ipinikit ang aking mata.
   
  
    Nagpakawala ako ng napakalalim na buntong hininga at nagdesisyon na buksan ulit ang aking paningin. Kahit nanlalabo ito ay pilit kong tinitingnan ang nakapalibot sa akin. Marahan kong ginamit ang aking palad upang kuskusin ang aking mga mata.
   
   
   
    Gulat akong napasinghap dahil sa mga bagay na nakapalibot sa akin. Nakatambad sa aking harapan ang hindi pamilyar na kwarto na kwarto, na kung saan ay may makukulay na desinyong bulaklak. At ang mas lalo pang  nakakamangha dito ay may napakagandang bulaklak ang siyang pumapapangibabaw sa lahat. Ito ay may natatanging gintong kulay na siyang mas lalong tumingkayad dahil sa sinag ng araw. Patuloy pa rin sa paglilibot ang aking paningin at napamangha ako sa isang aranyang tila ba ay gawa sa kristal.
   
   
   
    Napatingin din ako sa aking kamang hinihigaan. Hindi ko mapigilan ang aking mga kamay na ipadaosdos sa napakalambot na kumot. Napakagaan at napakalambot sa pakiramdam. Muli kung dinama ang mga bagay na nakapalibot sa akin. Ang mga bagay na inaasam ko ay parang totoo talaga. 
   
   
   
    Muling nilanghap ang amoy ng kwartong aking sinasadlakan at malawak akong napangiti.
   
    Hindi ko mapigilan na ikompara ang mga bagay na nakikita ko mula sa San Saurez kahit gaano pa ka rangya ang kwarto na ito ay mas lalo ko lang na mimiss ang kagubatang San Saurez.
   
   
   
    Hindi ko aakalain na magkakaroon din pala ako ng napakagandang panaginip sa kabila ng mga gabing hindi ako makatulog sa kakaisip. Napagtanto ko rin na ang bilis ng kaganapan sa loob ng panaginip ito. Kanina lang ay kasama ko pa ang babaeng hindi ko kilala at ang lahat kanyang sinabi ay napakalaking tanong para sa akin.
   

Bago ko pa hilingin ang mga bagay na nakapalibot sa akin ay nagdesisyon kong gisingin ang aking sarili sa katotohanan. Sa paghinga ko ng malalim ay siya ring pagpikit at pagbukas ng aking mata.
   
   
    Ngunit taka akong nakatingin sa aking paligid dahil walang ng bago, ganoon pa rin kagaya ng kanina. Marahas kung inilingo ang aking ulo at baka ay namamalikmata lang ako ngunit ganoon pa rin.
   
   
  
    "Hindi ito totoo, hindi," pangungumbunsi ko sa aking sarili. Ngunit bigo pa rin ako, ganoon parin ang mga bagay-bagay na nakapalibot sa akin. Ang mga kamay ko na walang habas na paghaplos sa aking noo.
   
   
    Pilit kong inaalala ang mga pangyayari na naging dahilan kung bakit ako naririto. At bago pa ako magtangkang maka-alis sa aking hinihigaan ay nalilito ako ng may naramdaman akong mga bisig sa aking bewang, napakabigat nito na hindi ako magdadalawang isip na ang mga kamay na ito ay pagmamay-ari ng isang lalaking estranghero.
   
   
    Tila naman ay biglang humampas sa aking balintataw ang mga pangyayari kagabi. Unti-unting na buo-buo sa aking isipan ang mga eksenang aking nasaksihan.
   
   
    Una, ang pagtatampisaw ko sa Ilog na wala man lang saplot. Pangalawa, may lobong umatake sa akin. At pangatlo, may estrangherong hindi ko man kilala ngunit malaya niyang nahawakan ang buo kong pagkatao.
   
   
   
    Mas lalo akong nanigas sa aking pagkakahiga dahil mas lalong humigpit ang mga brasong nakayakap sa akin. Walang anu-ano'y ibinaon ako nito sa kanang dibdib, muli ko na namang naramdaman ang mga banyagang pakiramdam.
   
   
   
    Hindi ko alam kung bakit hindi ako makareklamo, para bang nasa ilalim nang hipnotismo ang aking katawan. Hindi ko kayang manlaban dahil tila ba nagugustohan din ng aking puso at isipan ang init na binibigay ng estranghero.
   
   
    Mas lalong umigting ang bugso ng aking damdamin ng nararamdaman ko ang bawat pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Ang hiningang pinapakawalan nito ay malayang hinahaplos ang aking balikat. At ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ang pagpapakawala nito ng haluyhoy mula sa kanyang lalamunan, at dahil dito ay para bang may na buhay na kung saang senswal sa aking katawan.
   
   
  
    Damang-dama ko ang walang katapusang pag-amoy nito sa akin, para bang hindi niya kayang tigilan ito. At ako rin ay parang nagugustohan ang kanyang ginawa. Naramdaman ko na lang ang tongki ng kanyang ilong na marahang dumadaan sa aking balikat. Ngunit ang mas lalong pumukaw sa akin ay ang marahang pagdampi ng kanyang  labi sa aking batok. Hindi ko mapigilan na mapahaltak mula sa pagkakahiga.
   
   
   
    Wala na kong hinintay na minuto at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na may manipis na satin ang siyang nakabalot sa aking kabuoan. Gulat naman akong napatingin sa isang lalaking may magandang iskultura ng kanyang katawan. Ang mga mata nito ay namumungaw na nakatingin sa aking direksyon, may hatid ding pagtataka  ang emosyon nito.
   
   
   
    "Hey...okay ka lang?" tanong ng estranghero sa akin. Hindi parin na puputol ang tingin nito sa akin. Hindi mapigilan ng aking mga mata na maglakbay sa napakagandang iskultura ng kanyang katawan ngunit may bagay akong nakita na nakapagtataka. May hugis gasuklay na buwan ang nakalagay sa kanyang dibdib.
   
   
   
   
    Napakamestiryo ng kanyang aura.
   
   
   
   
    "Binibini, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya. Hindi ko napansin na papalapit na ito sa aking kinalalagyan. Hindi ko din mapigilan ang mapaatras mula sa pagkakatayo. Pakiramdam ko ay sumisikip ang buong kwarto at tila ba ay naiipit ako sa pagitan ng pader at ang lalaking ito. Ngunit sa kabila nito ay may umusbong sa aking puso, habang lumiliit ang aming pagitan ay nakakaramdam ako ng saya at ligtas.
   
   
   
    Ang aming tinginan at mas lalo pang lumalim parang ako'y nalulunod sa walang katapusang dilim. Pakiramdam ko'y hinuhukay nito ang aking pagkatao at ganoon din ako. Bigla akong natauhan dahil sa halimaw na naaaninag ko sa kanyang mata. Ang kanyang tsokolateng mata ay para bang naaaninag ko rito ang nakakatakot na lobo na nakita ko kahapon. Kaya mas lalong naging dahilan ito ng aking pag-atras.
   
   
    At dahil sa pag-atras ko ay taka niya akong  tiningnan. Huminto siya sa kaniyang paglalakad. "Binibini, hindi kita gustong saktan. Wala akong gagawing masama saiyo," malamyos niyang wika ngunit wala parin itong epekto sa nararamdaman kong kaba. Inilingo ko ang aking ulo upang ipakita sa kanya na hindi ako na niniwala.
   
   

The Rejected MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon